Sa malawakang plantasyon sa de Oro
Siya ay nagtupad sa isang kuta
Ng magsasakang inagawan ng lupa
At siya'y binenta sa isang merkado
Para sa isang negosyante sa Monkayo
Dito binigyan siya ng pangalan
Ang kanyang kalakip na presyo
At siyay dinamitan katulad ng mga kasama niya
Na papunta sa mga sentro ng produksyon
Sa Davao, Zamboanga, Cebu, Maynila
At ang iba pa, sa Estados Unidos at Tsina
Ang pinuntahan naman ni saging
Ay isang resort sa Maynila
Kung saan siyay ipapakain
Sa mga hari at reyna, mga kapitalista at artista
Bago paman iyan, makasalamuha niya
Ang mga manggagawa sa kusina
Sinisigawan, pinagpaguran
At higit sa lahat, pinapagutom
Katulad ng lahat na nakasalamuha ni saging
Pinahirapan, Inaapi, Pinapaslang
Sila'y pinagbintangang magnanakaw
Sa sarili nilang ani at gawa
Ngunit walang magagawa si saging
Dahil tinadhana siyang maging pagkain
Lalo't lalo na sa nagharing burgesya
Na nagmamay-ari sa bulok na sistema
Ang paglaya ng tao ay kalayaan rin para kay saging
Na ang kalagahan ni saging at ng tao
Ay hindi nakakadena sa pera
At sa tubo ng iilang naghari