An open letter para sa’yo, J.
Naalala ko pa ‘yung una kitang nakita. Papasok ka, palabas naman ako. Sabi pa ng friend ko na kasabay kong lumabas, “Uy, cute siya.” “Hala, parang ‘di naman.” ‘Di ko akalain, sa’yo pala ako mahuhulog. Lakas pa ng loob kong sabihin na hindi naman kita magiging crush, let alone mahalin. Pero heto tayo -- ako -- ngayon, patay na patay na sa’yo.
Fast-forward ng ilang taon. Sinabi ko sa sarili ko na hindi mo naman ako magugustuhan kahit kailan. I accepted that fact. Real hard. Nagkaroon ako ng ka-relasyon and everything. Nakalimutan ko nang may feelings pa ako sa’yo. Unti-unti na rin siyang nawala. Naging busy na ako sa pag-aaral (haha what a joke) at sa kung ano pang extra-curriculars ko noon.
Okay na ako. Alam kong wala na akong nararamdaman para sa’yo. Naka-move on na ako, ika nga. Magkita man tayo, parang wala lang. Friends lang tayo ‘di ba? Friends na lang din ang tingin ko sa’yo. Okay na lahat. Masaya na ako sa ka-relasyon ko. Okay na ako.
Tangina. Sa kalagitnaan ng lahat na ‘yan, nilapitan ako ng isa kong kaibigan. “Ex mo pala si J.” What the fuck?! “Umm, never naging kami...” At ayaw niyang maniwala. Naging tayo nga ba, J? Or may nagkakalat lang ng tsismis tungkol sa’tin? ‘Di ko na siya ginawang big deal. Inisip ko na baka may nag-trip lang sa’tin at ‘yan ang narating na balita. Okay na ako ulit.
Unfortunately, nag-hiwalay kami ng ka-relasyon ko at naging single na ako ever since. Fine. Nag-survive naman ako, kakayanin ko ulit. Nagiging masaya na ulit ako: masaya sa fact na hindi ko na kailangan mag-isip ng ireregalo sa Valentine’s; masaya sa fact na hindi ko na kailangan pumunta ng QC para makita siya; masaya sa fact na hindi na ako nappraning tuwing gabi bago matulog. Masaya na ako, nang biglang nag-simula ang mga panaginip ko sa’yo.
Okay lang kung isa. Okay lang kung dalawa. Pero tatlo? Apat? Lima? Aba! Iba na ‘to. Nagmistulang gumawa ako ng bagong tv series sa isipan ko habang ako’y tulog. Grabe, J. Tayong dalawa ang bida.
Nagkasama tayo sa isang ganap. Noon na lang ulit kita nakita. Normal lang naman dapat pero hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ka. Hindi ka naman pumiglas. Hindi mo alam kung gaano ka kasarap yakapin (ang taba mo na kasi haha). Tapos pipisil-pisilin mo pa yung braso ko. Ang babaw ko, pero masaya ako noong araw na ‘yon.
Simula noon, napapadalas na ang pag-chat natin. Dumarami na rin ang mga inside jokes natin. Lagi na kitang nata-tag sa mga memes at kung anu-ano pa. Lalo na sa astrological signs na ‘yan. Typical.
Lumipas ang ilang buwan, nagkaroon ulit ng ganap na nandoon tayong dalawa. Dito na ako nadali. Bakit ka naman kasi lalapit sakin at makikipag-kwentuhan? Bakit kailangan mong isandal yung ulo mo sa balikat ko? Bakit mo ko kailangang hatakin para lang samahang bumili ng pagkain? Bakit kailangan ako yung katabi mo? Bakit ako?
But, don’t get me wrong. Gusto ko yung mga nangyari. How I wish na hindi na tayo natigil magkwentuhan. How I wish na hindi na umalis yung ulo mo sa balikat mo dahil ang bango ng buhok mo. How I wish na hindi ka na bumitaw kahit sinabi ko na sa’yo na sasamahan naman kita.. How I wish na lagi kang nasa tabi ko. How I wish na ako lang dapat, J.
“Pupunta ako. Punta ka.” Bilis kong makasabi agad ng oo sa’yo. Pero hindi ka naman sumipot. Sabi mo na gisingin kita pero hindi ka naman gumising. Niyaya na kita pero ikaw naman ang hindi pumunta. Sabi ko na libre ko na ang nachos at milk tea pero wala namang napala. Sinabi ko na rin sa’yo na ako na lang pero akala mo biro lang.
Ano ba talaga meron, J? Gusto mo ba ako? Kasi kung hindi, pakisabi na lang kasi pagod na ako at hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Pakisabi na lang para alam ko na kung kailan ako titigil.
But, I don’t blame you as much as I blame myself. Ako naman kasi yung tanga na nag-assume ng kung anu-ano, na nagbigay ng meaning sa mga bagay na defined na. Ako ‘yung pilit pa rin na pumapasok sa puso mo na alam ko namang wala lugar para sakin. Ang petty ko ‘di ba? Kaya nga siguro hindi mo talaga ako gusto.













