Kailan (poem by my heart)
Napakaganda nang mga tala
Sing ganda nang yong mga mata,
Nagliwanag ang buwan
Parang iyong mga ngiti ang naliwanag sa buwan.
Ang sarap pagmasdan na mahal natin ang isaāt isa
Ang sarap balikan na walang katapusang ang pag-iibigan
Ang sarap pala magmahal
Ang sarap pala.
Sa bawat araw na paggising ko ikaw ang na aalala
Ikaw na unang bubungad sa aking mga mata
Ikaw na nagsilbing buhay sa dalarita
Ikaw na mahal ko at minamahal pa.
Yung lalaking nagsilbing sandalan sa tuwing malungkot,
Nagsilbing unan sa mga luhang naidulot
Mga lungkot at hirap na sinalo mo
Mga palad at yakap na sumalo nung ako'y nanlulumo.
Yung lalaking kasama ko sa saya
Yung kasama ko mamasyal at kumain nang sobra
Yung lalaking walang pakialam kapag kami'y magkasama
Yung lalaking laging nandyan at nagpapasaya sa pusong kay tagal nang walang siglaā¦
Di baāt nakakakilig ang love story nating dalawa
Di baāt sobrang saya kung may nagbibigay nang walang sawang pagmamahal sayo
Di baāt sobrang ganda nang araw sa tuwing kasama kita
Sobrang pasalamat ko sa kanya na ikaw ang itinadhana
Sa pagsubaybay sa tulang ito,
Ito ako at nakamasid sa inyo
Kailan⦠Kailan na ako naman?
Na ako naman ang kikiligin sa sarili kong istorya�
Kailan darating yung taong sa paggising ko hinahanap hanap ko na?
Kailan darating yung panahong andyan ka na?
Kailan darating yung taong magmamahal sakin?
Kailan na ako naman ang magiging sentro nang tulang ilalaan mo para sa akin?
Ngunit sa paglakbay nandito pa rin at naghihintay,
Naghihintay sa walang kasiguraduhan
Naglalakbay para matapos ang tulang ito
Kailan nga ba? bakit tila napakapait nang tadhana.
Matagal nang walang sigla ang pusong di man sugatan ngunit kulang
Matagal nang walang pagibig na makakapagpakilig.
Kailan mangyayari na ako naman ang pinapanood,
Na ako naman ang kinakikiligan nang manonood.
Kailan kaya ang mga panahong sasamahan mo ko sa pagkain nang sobra
At wala kang paki kahit na akoy tumaba nang sobra,
Na sa araw nang anibersaryo ay nandyan kaāt may hawak na mga bulaklak
Inilaan para sa espesyal na katulad ko, pero mahal hindi ang bulaklak ang nagsilbing espesyal sa mahalagang araw na to kundi ikaw na ibinigay niya para sakinā¦
Pero nakakalungkot, heto pa rin akoāt naghihintayā¦
Naghihintay sa meron man o wala
Nakakapagodā¦
Nakakapagod maghintay sa kailan ako mapapagod kakahintayā¦
Kailan ako magsasawa sa kakahintay sayo
Sa taong di ko kilala pa
Sa taong ibibigau sana niya sakin
Yung lalaking makakapagbigay sigla ulit sa pusong kay tagal nang lugmok, malungkot at nangungulilaā¦
Alam ko nariyan ka, alam kong naghihintay ka rinā¦
Kailan nga ba ang sinasabi nilang tamang panahon?
Kailan nga ba ang ating panahon?
Ngunit eto matyagang nagiintay, umaasa na nagiintay ka rin sa akinā¦
Sana sa tamang panahon na sinasabi nila,
Pareho nating matagpuan ang isaāt isa
Pareho nating mahanap ang kulang sa mga pusong matagal nang nangulila,
Sa tanong na ākailanā sana pareho nating matagpuan ang sagot na ating itinalaga
Sa tanong na kailan nga ba?
Written by: Merian š(simple-sweetheart)