For several years, hindi ko maalalang naging close kami ni Ate Pau. But for some reasons, yung hindi pagiging close naglevel up. Last year may mga ilang beses din ako nakasama sa mga outings at mga panunuod ng sine at pagkain sa labas ng family niya. Mas dumalas pa yun nung nagresign siya sa trabaho dahil sa sakit niya. Nung nagsimula ang 2012 halos kada buwan sinasama nila ko sa mga lakad nila hanggang sa naging weekly at naging araw araw na. Pagkatapos kung maranasan alagaan siya sa hospital nung Mar20 hanggang Apr3, dun ko lang nareralize kung gaano kahirap yung dinadala niya dahil sa sakit niya. Yung dapat na confinement dahil sa I&D naging mas kumplikado. Naglabasan pa yung ibang sakit na mas nagpahirap sakanya. Sa loob ng dalawang linggo na yun, kitang kita at ramdam na ramdam ko kung gaano siya nahihirapan. I admire her sa lakas ng
loob, sa taas ng pain resistance at sa pagdala niya sa sakit na nararamdaman niya. Kung ako yun, alam ko hindi ko kakayanin yung lahat ng yun.
Hindi ko makalimutan yung nagnumb yung buong katawan niya, hindi na siya makagalaw kahit kumain at lumunok hirap siya. Pero kahit ganun yung kalagayan niya, siya pa tong nag aalala sa mga bantay niya. Naiiyak ako tuwing titignan siya. Ang weird ng mga actions niya nun, hinahanap niya na yung mga malapit sa kanya at kung ano anu na yung pinagsasabi niya. "Pagod na ako.. Di ko na kaya." Akala ko nga nun, hanggang dun na lang. Pero hindi. Dahil strong siya, Umo-k siya ulit. Naalala ko nung last day niya sa hospital, buong gabi siyang nagffb. Haha. Pagkatapos nun, everyday na ako sa bahay nila, kasama sa dialysis, sa check ups. Hanggang nung last week.. nagkatrangkaso ako at hindi nakasama sa Manaoag.
Nung friday, may check up siya. Dapat pupunta kami sa waltermart para dun kumain ng lunch pero nung dumaan sa SnR yung taxi, bigla niyang sinabi sakin..
Siya: Yeng nakapasok ka na dyan?
Ako: Di pa.
Siya: Dyan na lang tayo kumain.
Mag eexpire na kasi yung membership card niya kaya naisipan niya na dun nalang kumain. Tatlong oras kaming nagkwentuhan, ang daldal niya. Nakikinig lang ako sa mga kwento niya. Sabi pa niya. "Libot kita sa Global(St. Lukes) pero next week na ang dami lakad ngayong linggo, magpapahinga muna ako, napagod ako eh." Nagpunta kami sa NKTI para sa Check up niy,a hanggang nung nasa taxi ang dami niyang kwento.
Sinabe niya pa, tinanong daw siya ng Priest dun sa Manaoag.."Ready ka na ba mamatay?" "Matagal naman na akong ready eh." After check up dapat
pupunta kaming Circle kaya lang mainit kaya sa Circle C na alng kami nagpunta. Naglibot, nag ukay ukay, Nag grocery. Nung nasa Robinsons Supermarket kami, sinabe niya.. "Yeng, kuha ka lang ng gusto mo wag ka mahihiya, ngayon lang to." Eh nahiya naman ako kumuha. Pilit siya ng pilit. Ilang beses niyang sinabe.. "Yeng kumuha ka na ng gusto baka di na mauulit to."
Sabado, may sched siya sa dialysis, sumama ako. Medyo ok pa si Ate Pau. Sunday, pinapunta ako ni Gabe sakanila para tulungan siya dahil may chest pain si Ate at balak na nila dalhin sa ER. Hanggang na admit na siya. Nadischarge. Nagdialysis tapos bumalik ulit ng hospital pagkatapos niyang maging unresponsive after ng dialysis na yun. Ang dami nangyari sa 3araw. Feeling ko nakakayanan niya katulad nung huli niyang confinement. Malakas si Ate eh, alam namen yun. Wednesday night, nagbulge yung fistula niya nung idadadialysis, di na siya mahanapan ng ugat for the IV. Seeing her like that, honestly i prayed na sana matapos na. Her fistula is bleeding for 2hrs, Awang awa na ako eh. Nagdecide na I-IJ para yun na yung maging access niya for dialysis.
2am nung nalipat siya ng ICU. Di ko makakalimutan yung tingin niya nung sinisilip niya kami nung nakapasok na siya ng ICU. Yun na pala yung last. :( 6am ginising ako ni Gabe, dun pa kami natulog sa hospital bed niya nun. Tumawag yung taga ICU, nagcardiac arrest na si Ate. Dumating kami ng ICU, pinupump yung dibdib niya at may mga tubes na sa mouth niya. The doctor explained what happened. Naka 45 mins na siya ng dialysis nung nagflat line yung heart rate niya. Sabi, kumalat na daw yung water at blood sa lungs niya kaya may mga tubes. Wala pang 1 hr, another cardiac arrest.. narevive pa. Brain dead na daw. Hindi pa ako makapaniwala, alam ko meron pa rin nagsusurvive sa ganun diba? Thinking about miracles. Di pa nagsisink in sakin nun eh. Tapos isa pa ulet CA, narevive na naman. Useless na daw. Machine na lang yung bumubuhay sakaniya. Pinagdecide yung family kung ipapagpatuloy pa daw. Hindi na hinayaan na maghirap pa siya, inaantay na lang yung ibang relatives. Umiiyak na kami. Inannoint na siya, after the annointing.. hindi pa nakakalabas si Father sa labas ng room niya, bumaba yung heart rate. Nakita ko umopen pa ng kunti yung mata niya eh. Yun na siguro yung last breath niya. Tapos nirevive.. then nag zero na. Inaantay niya lang yung priest to blessed her.
Alam ko na naman na dadating sa ganito, hindi lang ganito kaaga. Ate Pau, i will miss you forever. :(