Paalam, Nanay.. It's been 2days, na sinasampal ako ng katotohanan na wala ka na talaga sa piling namin. Sobrang miss na kita, at hindi ko alam kung matatapos ba iyung phase ko na 'to or never na maaalis at madadagdagan at madadagdagan lang habang nabubuhay ako. Parang lagi na lang din kitang iiyakan, Nanay. Lagi mo akong pinagagalitan dati kapag umiiyak ako nang dahil sa ibang bagay tapos lagi mo akong pinagsasabihan noon na kung ikaw ba mawala, iiyakan ba kita ng ganun kalakas o baka hindi nga ako umiyak. Naiinis ako kapag nagsasabi ka ng ganun kaya everytime umiiyak ako, hindi ako nagpapakita sa'yo o kahit sa ibang tao. Pero ngayon, mas malala pa sa lahat ng iniyak ko dati ang iyak ko ngayon kasi, ewan ko ba, kahit hindi man ako lumuluha, ramdam na ramdam ko iyung iyak ko sa puso ko. Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko pero pakiramdam ko, hindi na talaga ako magiging okay. Tumawa man ako palagi, maging positibo man ang lalabas sa bibig ko, sa utak ko. Pero kapag mag-isa na lang ako, nandun iyung lungkot, iyung pangungulila sa'yo. At tingin ko, hindi na ako magiging tulad ng dati sa loob loob ko. Masama ba 'to? Ano ba iyan. This should be my goodbye letter to you pero kung ano-ano naman ang dinadaldal ko. Thank you for everything, Nanay. Thank you for being my parents. Sabi ko nga, sa testimony ko, na ikaw ang dahilan, kung bakit kahit hindi ko nakasama si Papa physically ng matagal, never kong naramdaman na incomplete ako kasi isa ka sa pumupuno sa'kin. Thank you sa pagmamahal mo, Nanay. Hindi man ako iyung pinaka expressive mong apo, pero mahal na mahal na mahal kita, Nanay. I miss hugging you. I miss seeing your smile, hearing your laugh, and looking at your face. I miss everything about you, Nanay. I love you so much, and goodbye. (at Eternal Glory Memorial Park, San Vicente, San Pablo City) https://www.instagram.com/p/CoUe114vhQ4BuxOaJy03s9NBi3b8b1nwt_Wl9E0/?igshid=NGJjMDIxMWI=












