Kwento ko para sayo. (Mga katotohanang hindi ko masabi.)
“Ang puno at ang kanyang ugat.”
–May isang puno na nabighani sa kanyang mga sariling ugat. Pinagmamasdan ni puno ang kanyang ugat araw-araw. Alam niya na kahit kailan ay hindi ito maaabot ng mahahaba niyang sanga.
–Dumating ang isang umagang maulan. Pinatatag ni puno ang kanyang sarili at sinangga ng mga dahon ni puno ang bawat patak ng ulan, upang si ugat ay kailan may di malunod.
–Naging napakalakas ng ulan at di nakayanan ni puno na pigilang mabasa si ugat. Sobrang nasaktan si puno dahil sa pakiramdam niya'y wala siyang halaga at hindi nasunod ang kanyang nais.
–Napapikit na lamang si puno sapagkat batid niyang hindi magugustuhan ni ugat ang kanyang kawalang halaga na protektahan ito.
–Pagdilat ni puno naging kabaliktaran ang lahat, napagmasdan niya ang tuwa ni ugat. Narinig niya ang halakhak ni ugat.
“Bakit ka nakatawa ugat? Tanong ni puno.
Hindi siya nakatanggap ng kahit konting kibo mula kay ugat, nag-iba lamang ang ka-anyuhan nito. Gumanda si ugat at nabuhay ang kulay. Namukadkad ang kagandahan na parang mga bulaklak sa Hardin ni Aling Korason.
–Si Aling Korason ang namimitas sa prutas ni puno, siya lamang ang nakikipag-usap kay puno; humihiling na dumami pa ang bunga na maibibigay ni puno.
–Sa maraming pagkakataon napasaya niya si puno ngunit biglang lumisan si Aling Korason nung’ wala na itong makuhang prutas mula kay puno.
–Si Ugat kalakip siya ni puno. Parati siyang nandyan at kulang si puno kung wala si ugat. Mamamatay si puno.
” Gago! Ulol! Hindi lahat ng puno di kanyang mabuhay ng walang ugat.“ Sigawan ng mga ibon habang nakikibasa sa kwentong ito.
Tumawa ang mga ulap sabay sabi itanong mo kay Mang Kanor!! Siya ang nag-iisang alamat. Ang makapangyarihang hardinero.
—Ayon sa mga sabi-sabi nagawang itanim ni mang Kanor ang isang maliit na piraso ng sanga at ito'y naging napakalaking puno.
“Kung gayon ay kaya pang mabuhay ni puno”. May pag-asa.
–Napa-isip si puno kaya siya ay sumangguni kay Mang Kanor.
“ Paano siya naging malaking puno kung wala siyang ugat?” Tanong ng bida sa kwentong ito.
“Makalipas ang ilang buwan nagkaroon siya ng mga sarili niyang ugat”. Sagot ng mahiwagang hardinero.
–Nasagot ang mga gumugulo sa isip ni puno. Napayuko lamang siya at tinitigan ang unti-unting pagbabago ni ugat.
Paano niya pakakawalan ang sarili sa pagkakabighani kay ugat?
Kaya bang hatakin ni puno ang mga sariling ugat upang hindi matuloy ang pagbabagong anyo nito? o hahayaan nalang niya si ugat na magbago.
Saan hahantong ang kwento nila ni Aling Korason? Paminsan-minsan ay naaalala ni puno si Aling Korason ngunit wala na siyang maibigay na prutas upang dumalaw ulit ito.