Playtime with Zoey Page 2 of 365 year 2016
art blog(derogatory)
I'd rather be in outer space 🛸
Sweet Seals For You, Always

PR's Tumblrdome
Xuebing Du
Sade Olutola
KIROKAZE
hello vonnie
NASA

Discoholic 🪩
Claire Keane

izzy's playlists!
EXPECTATIONS
$LAYYYTER
tumblr dot com

Love Begins

pixel skylines
Noah Kahan

No title available
Show & Tell
seen from United Kingdom
seen from Peru
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Italy

seen from United States

seen from United States
seen from Kuwait
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye

seen from United States
seen from United States

seen from Mexico
seen from United States

seen from Poland

seen from United Kingdom
seen from United States
@ilovezoeybrielle
Playtime with Zoey Page 2 of 365 year 2016
Day1 of year 2016
Woaaah. Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang painom inom lang ako kasama ng mga kabarkada madalas mag night out, gimik doon gimik dyan. Kakain tutulog hihingi ng baon mamasyal kung saan maisipan mamasyal. Mga araw na wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko, ang kasiyahan ko at ikalilibang ko. Pero sa kabilang banda, nakakapangsisi na sa ganong way ako naging masaya. Parang ang dami kong sinayang na pagkakataon, pero alam ko na yung mga yun din yung reason kung bakit ako naging matatag kung ano na ako ngayon. Oo hindi ako mayaman, hindi din ako sikat, wala kaming magarang sasakyan at mansion, pero isa lang ang alam kong meron ako at kayamanan ko na nakapagpabago sakin ng husto, yun ay ang pagiging nanay ko kay Zoey. Sya ang kayamanan ko. Lahat gagawin ko para sa anak ko. Kahit na magmukha na akong losyang, kahit na pumangit pa ako ng husto basta naaalagaan ko anak ko, basta nagagawa ko tungkulin ko bilang nanay nya, nasa tabi nya lang ako kapag umiyak sya, na kapag nadapa sya nasa likod nya lang ako para itayo sya. Mahal na mahal ko ang anak ko higit pa sa kahit na anong bagay sa mundo, sya na ang kasiyahan ko ngayon wala ng iba. Sya ang reason kung bakit araw araw gumigising ako. Ang anak ko ang kumumpleto sa pagkatao ko. Kaya naman sobrang saya ng year 2015 ko at alam kong mas lalo pang magiging masaya basta magkasama kami ng anak ko ❤️
Another random thoughts.
Habang nagpapahinga magtype muna ako dito ng mga nasa isip ko ngayon. Sumasakit na mata ko sa pag gawa ng mga orders na turbans eh but I am not complaining naman hihi. Wala lang natutuwa lang ako kasi totoo nga yung napapansin ko, madaming naiinspire sa amin ng anak ko to the point na ginagaya na nila kaming mag ina. Hahaha. As in nilaaaaaa woaah nakakataba ng puso na may naiinspire sa amin ni Zoey kung baga daw eh iniidolo. Woooh BIG WORD haha yun ang sabi ng nag sabi sa akin na nakakapansin din so iclaim ko nadin LOL. Masaya ako na maraming natutuwa at sumasaludo sa akin kahit single mom ako. Simula kasi ng maging nanay ako saka lang ako nagkaron ng tiwala sa sarili ko. Saya lang. Hahaha. Saka totoo pala talaga yung sabi sabi na kapag nanay ka na maraming bagay ka ng matututunan na akala mo dati hindi mo kayang gawin pero ngayon sisiw na sisiw na lang sayo kasi alam mong para sa anak mo yung mga ginagawa mo. Maaamaze ka na lang sa sarili mo kasi nagawa mo yung mga bagay na yun na dati di mo kaya. Nakakatawang isipin na kaya ko palang mag isip ng madaming pagkakakitaan, kulang nalang magkaron ako ng sampung kamay at paa para pagsabay sabayin lahat ng naiisip kong business. Sa pagbibusiness ko kasi magagawang maging hands on sa anak ko eh gusto ko bawat development nya masasaksihan ko agad unang una akong makakakita ng unang pag gapang nya paglalakad nya pag takbo nya unang pagsasalita nya at kung ano ano pa. Kaya isinantabi ko muna pagiging nurse ko para maalagaan ko anak ko ng mabuti. Totoo, ramdam ko matured na ko. Lahat ng iniisip ko ngayon para sa kapakanan ng anak ko. Yung pag gising araw araw ng maaga para asikasuhin anak ko paghahanap buhay ng sabay sabay para kumita ng malaki paglalaba ng mga damit,cloth diapers na puro ihi at pupu ng anak ko bilang pinakapahinga ko sa pananahi,pagliligpit pagpaplantsa pagtitiklop at pag aayos ng damitan ni Zoey, pagpeprepare ng foods ng anak ko sa gabi pagkatapos maghanap buhay at kung ano ano pa lahat ng yan kasiyahan kong gawin kasi lahat yan ginagawa ko para sa anak ko. Napakasarap maging magulang at magiging handa ako sa kung ano mang magiging hamon ng buhay sa amin ng anak ko.
Beast mode: ON
Last week, hindi ko na matandaan anong araw yun. May sumira ng araw ko. As in sirang sira. May isang taong napakawalang kwenta ang nagtext sa akin. Unfortunately, tatay sya ng anak ko. Napaka KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL NG MUKHA NYA TALAGA. ALAM MO YUN???! YUNG PAKIRAMDAM NA KUNG NASA HARAPAN KO LANG SYA BAKA KUNG ANO NA NAGAWA KO SA KANYA. SOBRANG KAPAL E! MAPAPAMURA KA NA LANG SA KAKITIRAN NG UTAK EH. BOBO KUNG BAGA. NAPUNTA NA LAHAT SA TITI ANG ISIP AT KALIBUGAN KAYA AYUN HINDI NA MAKAPAG ISIP NG MAAYOS ANG SIRA ULONG TAONG YUN. SARAP SAPAKIN EH. ACTUALLY KULANG PA YUNG SAPAK EH SA LAHAT NG KAWALANGHIYAAN NYA. NAPAKAWALANGHIYA TALAGA. KUNG PWEDE NYA DAW MAKITA SI ZOEY??? BWAHAHA. NADULING AKO SA NABASA KO EH. EXCUSE ME LANG SA PAGKAKAALAM KO EH GUSTO MO IAGAS YUNG BATA AT WALA KA NAMAN TALAGANG BALAK PANINDIGAN OBLIGASYON MO TAPOS NGAYON GUSTO MO MAKITA ANAK KO? SINESWERTE ANO? ANG SARAP MO KAPUNIN EH. TAPOS SABAY TANONG KUNG SAKALING MAY CHANCE PA EH GUSTO MO IPATEST ANAK KO? WTF!!! KAPAAAAAAAAAAAL. IKAW ANG POKPOK SA ATING DALAWA KAYA IPATEST MO YANG KATINUAN MO AT KALIBUGAN MO KUNG NORMAL PA. NAKAKATAWA YANG BALUKTOT MONG PAG IISIP SOBRANG TANGA LANG. EXCUSE ME ULIT. HINDI KA NAMIN KAILANGAN ! PWEEEEEE! ETO KA OH .I.
I'm bringing sexy back! 😂
Parang kailan lang wala ka pa sa buhay ko. Sobrang fresh pa sa memory ko yung unang araw na nagduda akong buntis ako. Yung unang araw na pakiramdam ko masusuka ako. Na parang sasabog pantog ko dahil maya't maya naiihi ako. Naaalala ko parin yung lakas ng kabog sa dibdib ko at paulit ulit na tanong ko sa sarili ko kung paano kung buntis nga ako. Ilang araw pa bago ko sinuri ang ihi ko kahit alam ko na sa sarili kong buntis nga ako. Ilang araw pa bago ko din nasabi sa tatay ng anak ko na buntis nga ako. Parang kailan lang na sobrang bigat sa dibdib ng mga dinadanas ko. Parang kailan lang pinagpaplanuhan ka ng siraulo mong ama na ilaglag ka. Parang kailan lang iyak ako ng iyak habang nag tatrabaho sa field dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iniisip ko kung paano na tayong dalawa. Paano ko sasabihin sa pamilya ko na nabuntis ako ng isang lalaking ni anino di nila nakita. Parang kailan lang anak pinanindigan kita kahit wala kang ama. Minsan, naiisip ko tuwing tititigan kita. Paano kung pumayag ako sa kagustuhan ng ama mong tanggalin ka sa sinapupunan ko. Hindi ko siguro naranasan kung paano ang pakiramdam ng maging isang ina. Hindi ko nasulyapan kung gaano ka kaganda. Kung gaano ka katalino. Kung gaano ka kasweet. Kung gaano ako kaswerte kasi ikaw ang binigay ng maykapal sa akin. Tuwing maiisip ko kung gaano ako kablessed dahil meron akong ikaw hindi ko mapigilan maiyak sa tuwa. Sobrang saya ko kasi biniyayaan ako ng isang anak na katulad mo. Sobra sobra yung naging kapalit ng hirap ko noon simula ng nalaman kong ipinagbubuntis kita. Mahal na mahal kita Zoey. Kahit anong mangyare paninindigan at ipaglalaban kita. Hindi ko na maimagine ang buhay ko kung wala ka. Kinumpleto mo buong pagkatao ko. Wala na kong mahihiling pa. I love you so much baby.
Goodmorning Madam Zoey. 😂😍😘
She's sooo sweet like that. ❤❤❤ Goodnight,baby. I love you. 💕
Almost done. Minnie mouse tutu dress for Zoey. Made by yours truly. 😉 #diytutudress #craftymomma #GiftForZoey #tuturiffic #minniemouse #TutuDressForMyPrincess
Your smile is my sweetest addiction. 😍😍😍 mommy is soooo inlove with you sweetie ❤❤❤ #ZoeyBrielleOOTD #babyjeans #fashionistaph #fashionistababies #fashionkidsph #beautiesandgents #tjop_ootd #minniemouse #polkadots #vscocam #vscoph
Camouflage x leopard 😍😍😍 DIY SCARF. ❤ #diyscarf #babyscarf #fashionkidsph #beautiesandgents #littleandbrave #vscocam #vscoph #instashot #cutebabies #fashionistababies #fashionistaph #igkiddies
Uumpisahan kita tahiin bukas hindi ko pa mafinalize design mo eh. 😂 For Zoey. 💋💋💋 #sewing101 #DIYoutfit #craftymomma #DIY #sewingph #zebra
It's a YELLOW kind of morning for Zoey. You always brighten up my day,sweetie. God Bless You Baby. 😘😘😘 i Love You. ❤
Anak, magaling na ba magtahi ng damit si mommy? 😂 ang seksik naman nyan eh. Loveyou 😘😘😘 #ILoveSewing #craftymomma #polkadots #DIYoutfit #DIY #handsewn #turbanph #nanayph #fashionistaph #fashionkidsph #fashionistababies #beautiesandgents #vscocam #vscoph
My HEART. She's soooo beautiful. 💖💖💖 #fashionkidsph #fashionistababies #igfashionista #vscocam #vscoph #beautiesandgents #postmytrendsetter #tjop_ootd #igbabies #cutebabies #fashionistaph #BabyZoeyOOTD #zarababyph #zaradress #zaraph
Flattered.
Nung isang araw, sobrang busy ko hindi na ako magkandaugaga kung anong uunahin ko. Syempre bago ang lahat uunahin ko muna asikasuhin ang anak ko. Umpisa pag gising namin sa umaga mananalangin at magpapasalamat sa Diyos manunuod si zoey sa dinsney channel habang pineprepare ko pangpaligo nya. Imamassage sya bago maligo at lalagyan ng baby oil. Ipeprepare ang damit na susuotin nya padededehin konting laro at ihehele na ulit dahil antok na. Kapag tulog na sya maghahanap buhay na ako. Araw araw eto ang routine ko. Bubuksan ko store namin at sabay ng pagbukas non hahatiin ko katawan ko dahil nagbebenta din ako ng shake at siomai bukod sa loading business, smart padala at online selling. Kapag sunod sunod ang mga customer at iba iba ang pakay don ako natataranta. Pero wala akong magawa mag isa lang ako. May sariling business mga magulang ko at ang mga kapatid ko may mga sarili ng trabaho. Kapag patay ang oras nagtatahi ako. Bagong business ko ang magbenta ng turbans or headbands for babies and also for adults. Wala akong dapat sayanging oras. May dumating na isa sa mga supplier ng store namin. Nakita nya akong sobrang busy. May orders kasi ako sa kanya so nakapagkwentuhan kami saglit. Nakita nya yung mga tinatahi kong turbans. Alam nya na madami akong pinapasok na kung ano anong pagkakakitaan. P: Neng, patingin nga ako nyang ginagawa mo. Pipicturan ko maganda sya baka magustuhan ng mga mommies sa amin. Habang pinipicturan nya yung gawa kong turban sabi nya sakin, "Neng, grabe ka talaga ano. Hindi ka napapagod. Sobrang sipag mo. Sana katulad mo ang anak ko." Sabi ko naman sa kanya, "Ate pearly kailangan kong gawin to. Kasi gusto ko din maibigay sa anak ko yung mga bagay na hihilingin nya sa akin gaya ng ginawa sa amin ng nanay at tatay ko." Sumagot ulit sya, "Sabagay tama ka neng. Kaya lang ang aga mo naman mag ipon ang liit pa ng anak mo." Napatawa nalang ako at sumagot, "Te mabilis lang ang panahon, kailangan kong magipon ngayon palang dahil hindi natin masasabi kung anong mangyayari bukas lalo na single mom ako." Natawa nalang si ate pearly at umalis na. Ayun, naflattered lang ako. Kasi tuwing pupunta sya sa store talagang lagi nyang pinapansin mga ginagawa ko. Parang hindi daw ako nagpapahinga. Syempre naman nagpapahinga ako. Ang pahinga ko maglalaba ako ng damit ng anak ko at ng mga cloth diapers nya na puro ihi at pupu Hahaha. Kahit may taga laba na gusto ko hands on parin ako kay Zoey. After sa store automatic pagdating ng 7pm nagwawala na si Zoey kasi hanap na nya ako so close na po ang store namin ng 7pm. Hahaha. After magpatulog kay zoey sa gabi mamamalantsa naman ng mga damit nya. Iba na talaga kapag nanay ka na. Ihuhuli mo yung para sayo. Kasi dapat uunahin mo na yung anak mo. Kanya kanyang way naman tayong mga nanay eh. Ako ganito ang way ko sa anak ko. Araw araw ganito ang routine ko. ;)
Anak, masarap ba yan? Patikim naman si mommy nyan. 😂😂😂 #cutebabies #bumbochair #igbabies #vscocam #vscoph