I'd rather have you as a friend than no relationship at all...

@theartofmadeline

bliss lane

titsay
Not today Justin
The Stonewall Inn

roma★
noise dept.
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
Interview Vampire Daily
YOU ARE THE REASON
occasionally subtle
RMH
TMBGareOK. The Official They Might Be Giants tumblr
Cosmic Funnies
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
$LAYYYTER
almost home
Noah Kahan

tannertan36

Product Placement
seen from Malaysia
seen from Mexico
seen from United States
seen from Brazil

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Germany

seen from Singapore
seen from Germany

seen from United States
seen from Australia
seen from United States

seen from United States
seen from Philippines
seen from Türkiye
seen from United States
seen from Mexico
seen from United States
seen from Brazil

seen from United States
@indefinitescribe-blog
I'd rather have you as a friend than no relationship at all...
Kung kasama kita...
Kung sana kasama ka, Sasabihin ko sayong mahal kita, Mahal pa rin kita… Kahit ilang buwan na ang natapos Halos isang taon na ang nakalipas Nang huli kang masilayan Mayakap at mahagkan
Kung sana kamasa kita… Sasabihin ko sayong hindi mo kasalanan Sasabihin ko sayong hindi masama ang kasimplehan
Kung sana kasama kita… Masasabi ko sanang napatawad na kita… Sa lahat ng nagawa mong kasalanan Sa lahat ng ginawa mong kabulastugan Sa paghahanap mo ng ibang kalampungan.
Kung sana kasama kita… Gusto ko sanang sabihing sana masaya ka Gusto kong iparating na iniisip pa rin kita Na baon ko lahat ng maliligayang alaala Na ramdam ko pa rin ang higpit ng iyong yakap Sa pagtulog ika'y aking hinahanap, Sa ngiti ng iba nakikita ang iyong mukha…
Kung sana kasama kita… Pero kasi iniwan kita, Dahil hindi ko na kaya… Pinili ang mas maliwanag na kinabukasan Dahil nagloko ka, Dahil di ko na alam paano ka muling pagkakatiwalaan.
Ganun pa man, hangad ko ang iyong kaligayahan… Kahit hindi ako magiging dahilan…
Masakit
Masakit din pala kapag yung mga kaibigan mo nasanay nang hindi ka kasama kahit sa espesyal na araw nila na samantalang dati halos di kayo magkahiwalay...
Hold You Near
You were walking in front of me... Two steps away, your back says hello to me... You were hot as always even when its just your sexy back I'm seeing. I stepped forward, you take two steps ahead, I held out my hand for you but you were too far away. I run to hug you with arms wide open But I can't seem to catch you... You turned to look back You are smiling, your eyes happy... I run faster, eager to kiss your smiling lips... But you were fading away... I noticed everything was pitch dark except you and me. I tried to run again and call your name, Never wanting to give up. But your back is again turned Your image becoming dark... I woke up with a jolt Eyes welling with tears. I could only see you again in dreams but even there I can't hold you near... #movingon #poems #poetry #love
Ramon Bautista: Ang pag-ibig ay parang elevator. Kung puno na, bakit mo pa ipagsiksikan ang sarili mo. Gayon meron namang hagdanan, 'di mo lang pinapansin.
Papa Jack: Eh bakit kailangan mo pang maghagdan gayong babalikan ka naman ng elevator. Kailangan mo lang maghintay.
Bob Ong: Bakit ako maghihintay sa isang elevator, kung alam kong 'di lang ako ang nag-iisang gusto niyang isakay?
Donya Ina: Mga anak, hintayin niyo man ang elevator, akyatin niyo man ang hagdanan, kung hindi talaga siya para sa'yo, hindi siya para sa'yo! At kailan pa natutong umibig ang hagdanan at elevator? Paki-explain nga! Labyu!
DIGITAL
Masyado na talagang digital ang lahat ng bagay. Pati siguro God's touch digital na rin. Minsan talaga naiisip kong the best talaga si God kasi kahit sa anong paraan kaya niyang magreach out sa kahit kanino, kahit pa sa aking hindi mahilig magsimba. Siguro nga kasi alam niyang hindi na ko nakakarinig ng sermon (ng pari at ng mga magulang) kaya digital na lang ang paraan niya kasi doon ako mahilig. Feeling ko kasi, ginagabayan ako ng Diyos sa pagpili ng papanooring movie/series sa tuwing wala ako sa mood or kapag nauubusan ako ng pag-asa sa sarili at sa nangyayari sa akin. Ito yung hindi ko makakalimutang halimbawa: Noong panahong sobrang nasaktan ako (broken-hearted, ;) ), napanood ko yung movie na "The Blind Side". Kwento ito ng isang black American na inampon ng isang white American family. Magulo ang buhay niya, at sobrang down niya rin noong mga time na yon. Iisa lang ang pares ng damit niya. Buti na lang sa America merong mga public laundry kung saan paglabas ng damit mo ay tuyo na agad; araw-araw pumupunta siya doon at doon na rin siya nag-aaral. Narealize ko na marami pang taong mas malala ang dinaranas sa akin pero hindi sila sumusuko sa buhay o sa pananampalataya sa Kanya. Tigmak na nang luha ang mata ko matapos panoorin ang movie na yon. Habang pinapalabas ang credits, napapikit na lang ako at nagpasalamat kay Lord kasi itinuro niya sa akin ang tamang movie para ma-inspire ako ulit na lumaban sa buhay. Hindi ko na matandaan kung pagkatapos ba noon saka ako nahilig sa pagbabantay ng mga inspiring lines sa mga movies o teleseryes, matagal na kasi akong mahilig manood ng pelikula. Para sa akin kahit na anong klaseng movie pa yan, meron at meron kang mapupulot. Kagabi nanood ako ng Korean Series na DREAM HIGH. It was a story about a KPop Group na nagsimula sa hindi maganda hanggang sa sumikat. Pero hindi naman yung pagsikat ang nakita ko doon sa series. Magkakaiba sila ng ugali, syempre lahat naman ng tao iba-iba. Merong anak sa labas na sa huli natanggap din ng ama niya; merong inggiterang nakaget over din sa insecurity niya at nakabangon sa pagkakamali; merong probinsyanong napatunayan ding walang taning ang pag-abot ng pangarap basta subok lang ng subok; merong mataba na nagsumikap baguhin ang sarili niya dahil sa pag-ibig at mas para sa sarili niya; merong mayabang na natuto ring magpakumbaba at magpakita ng tunay na nararamdaman; at ang pinakagusto ko sa lahat (although hate ko talaga siya nung una) ay yung babae na masungit, mataray at maarte pero malambot at mahina sa loob ay natutunan ding magpakumbaba at magbago ng masamang ugali. Ang sinabi nang babae sa huli ang tumatak sa isip ko "Magiging matatag tayo sa problema kung pipiliin mong maging matatag". at naisip ko "Ang galing talaga ni Lord, alam niyang maiinspire ako kapag napanood ko yon". Natatakot ako sa bagong responsibilidad na iniatang sa akin, lalong nakakatakot kasi maaga pa lang nagkamali na agad ako. Kung kumpiyansa ako nung unang pagtanggap ko sa hamong ito, ngayon hindi na, nabasag na. Pero hindi ko naman sinisisi ang ibang tao. Naisip ko ring may pagkakamali talaga ako doon. Sabi ko sa sarili ko, nagmagandang loob lang ako. Pero let's face it nagmagaling talaga ako kaya ayan pinapaalala sa akin ni Lord na kahit anong antas pa ang maabot ko, hindi ko dapat nakakalimutang maging humble; at higit sa lahat hindi ko dapat Siya kinakalimutang pasalamatan, purihin at humingi pa rin ng gabay. Isa pang line na naging inspirasyon ko ngayon ay yung sinabi nung babaeng nakaget-over sa insecurity niya. Ito yung linya niya "Minsan kailangang magkamali para malaman mo kung ano ang tama. Hindi masama ang magkamali, ang masama ay ang hindi magbago at manatili sa mali." Sabi ng marami, bad influence daw ang mga music kasi may mga hidden messages ito. Pero para sa akin ay hindi. Masama bang gamiting inspirasyon ang napapanood mo at naririnig mo? Siguro nakadepende na sa tao kung papaano niya gagamitin sa buhay niya. Kung nadidiktahan nga tayo nito unconsciously, nasaan ang kalayaang pumili? Para sa akin, nasa tao pa rin kung paano niyang imamaneho ang buhay niya. Ika nga ng kasabihan "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa". Sana lang Lord may internet dyan sa inyo para mabasa Mo rin to. Sabagay digital naman na po Kayo. #GOD #inspiring #messages #realizations #mood #inspiration #Godstouch (posted in my Wattpad account, 08/25/2015)
Sleep No?
When you want to sleep but then you had too much intake of coffee... 👀😩☕☕☕☕☕ #coffee #effect #sleepless #insomnia #coffeelover #sleepproblems
Malayong Hinaharap
Ang iyong mga paa'y nakahimpil, Sinisipat ang mahabang daang tatahakin. Dulo'y hindi abot ng tanaw, Gayonpaman, iyo pa ring sinusubukang tignan. Takot ay sumisibol, Sa mga maaaring sagupain sa daang tila walang dulo. Baka madulas, madapa, malapa ng kung ano, Baka may halimaw, baka may magnanakaw, Baka madilim, baka makitid, Baka may aakyating matarik, Baka malayong lakarin…
Ilang taon ang lumipas, Ikaw ay hindi nakaalpas… Pagkat tinalo ng takot ang iyong kalooban, Pangarap hindi na mahanap. Napako, nabalaho, napirmi, Hindi kumilos, agam-agam ay marami.
#hinaharap #future #tula #poem #makata #desisyon #takot #pangarap
Forgive yourself
You are not perfect… You made a lot of mistakes… You’ve fallen in love a couple of times Still true love has not been found. You trusted easily And were disappointed countlessly…
Despite all of that, You deserved to be loved, You deserved happiness, the promised life.
So forgive yourself for every wrong decisions you have made, Make a pat on your shoulder and say “you were wrong but it’s okay”;
Keep the lessons in tact and reflect, Change, adapt and improve. For one day you will be worthy, One day the wait will be all worth it One day you will find contentment One day you will realize God’s plan.
#poems #forgive #chances #Godsplan #emotions