"Sorry at "Patawad"
Tama bang magsabi ng sorry?
yun yung isang salitang ginawa para sa mga tamad magpaliwanag at laging gumagawa ng kasalanan sa kapwa eh. Minsan nga naisip ko na bakit nga ba napapawi na lang ng isang salita ang mga bagay na nakasakit sa isa o higit pang mga tao?
Hindi ba parang napakadaya? Patawad na lang ba ang kayang sabihin ng karamihan ngayon kapag nakagawa sila ng kasalanan? Ano yun, pagkatapos mong magsorry, okay na agad? Hindi talaga tama eh.
Isa na rin ako sa mga taong tamad magpaliwanag at laging gumagawa ng kasalanan sa kapwa eh. "Sorry", "Patawarin mo na ako", "Bati na tayo please". Yan yung favorite line ko kapag may nagawa akong kasalanan eh, pero time to be mature. Hindi na tama na sabihin ko yan eh, alam ko na dapat yung words ilagay naman sa action eh.
Siguro nga panahon na talaga para bumawi sa kanya. Panahon na para mag gawing action at hindi puro sorry na lang.
Ayoko ng maging TALK SHIT, kailangan ko ng itigil yung pagsabi ng sorry kundi dapat gawin ko na yung ibig sabihin ng "Sorry".















