Uncertainty
Exciting and at the same time, scary. But no matter where this road leads me, I’ll gladly take the chance. To see what’s in store for me.
Cookie Run:Kingdom Official!

bliss lane
🪼
art blog(derogatory)
No title available
macklin celebrini has autism
The Bowery Presents
Lint Roller? I Barely Know Her
h

❣ Chile in a Photography ❣

titsay

pixel skylines
Monterey Bay Aquarium
cherry valley forever
No title available
Cosmic Funnies

tannertan36
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

Love Begins
noise dept.
seen from Jamaica
seen from Honduras

seen from Azerbaijan
seen from Bangladesh

seen from United States
seen from Saudi Arabia

seen from Jamaica

seen from Poland
seen from United States
seen from Venezuela

seen from United States
seen from Colombia

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Türkiye
seen from United States
seen from Japan

seen from United States
seen from United States
seen from Venezuela
@isipangmagaslaw
Uncertainty
Exciting and at the same time, scary. But no matter where this road leads me, I’ll gladly take the chance. To see what’s in store for me.
Lumuha kasabay ng pagbuhos ng ulan At umasang dadalhin nito sa kung saan Ang bigat na nararamdaman...
Isipang Magaslaw
Idikta man ng utak kung ano ang tama, alam ng puso kung ano ang totoo...
Isipang Magaslaw
Kunin man ng kapalaran ang sayang nakasanayan, may dahilan pa rin para ngumiti at sabihing... OK lang 'yan.
Isipang Magaslaw
MARAMING SALAMAT!
Sa lahat ng nakaalala’t sumorpresa Sa mga nabitin at nasorpresa (haha) Sa mga dati nang kakilala, kaibigan at sa bagong pamilya.
Sa inyong lahat…
MARAMING SALAMAT!
Huwag mong ipahintulot na mabago ng layo ang tibok ng puso...
Isipang Magaslaw
Walang Maisip Na Title
Minsan magkakamali ka At minsan ay hindi lang minsan Pero ayos lang 'yan, huwag mong panghinayangan Dahil 'yang pagkakamaling 'yan ang magtuturo sa'yo Kung paano dapat ingatan Ang mga bagay na minsa'y Hindi mo pinahalagahan ~Isipang Magaslaw
Kung hindi mo maintindihan ang sarili mo, 'wag kang umasang maiintindihan ka ng mga tao sa paligid mo.
Isipang Magaslaw
Simple lang naman talaga ang buhay. Yun nga lang, hindi sya madali…
Isipang Magaslaw
Laban
Dahil ang buhay ay puno ng kulay. Kulay na hindi laging magpapangiti’t papawi ng lumbay. Dahil minsan ay madilim, malabo at walang sigla ang bawat pahina ng buhay. Dahil bumangon ka man ay madarapa ka pa rin. Tulad ng pagkasawi sa pag-ibig na siyang nagturo sa'yong magpatawad, umibig, at muling magtiwala sa pag-asang sana'y ito na. Pero hindi pala. Dahil kahit na gaano ka katapangan ay luluha ka rin. Malakas ka ma'y panghihinaan ka pa rin. Umiwas ka ma'y tatamaan ka pa rin. Kaya huwag kang umiwas. Dahil ang problema ay hindi iniiwasan. Magtago ka man, hahanapin ka niyan at pustahan… Matutunton ka niyan. Dahil tumigil ka man ay patuloy na iikot ang mundo. Kaya’t kailangan mong tumayo upang muling sumabay sa ikot nito. -Isipang Magaslaw
Hindi mo kontrolado kung lokohin at paasahin ka ng ibang tao. Pero para lokohin mo sarili mo... Pwede ba. Napakarami nang manloloko sa mundo para dumagdag ka pa.
Isipang Magaslaw
Sana
Ang mundo'y nagkaroon ng lalim sa iyong pagdating. Di alintana ang anuman o sinuman maging ang kailanman. Bumuhos ang mga kulay sa mga araw na naglakbay. Umaasa na sana… Sana… Hanggang wakas na. ~Isipang Magaslaw
Oo Nga Naman...
Minsan andami nating gustong ipaglaban sa buhay. Hindi sa lahat ng oras mananalo ka. Pero... Kailangan bang manalo ka muna para masabing tama ka? ~Isipang Magaslaw
"Dapit-hapon"
Kalma... Kalma...
Noon pa man, hindi ko talaga talento ang pagtitimpi pero natutuhan ko narin kahit paano. Salamat sa mga taong nagturo sakin nito. Pero hindi ko talaga kayang kalabanin ang sarili ko.
Salamat sa pagtanggap, karanasan, at mga alaala... Lugar kung saan payapa ang kamalayan at malaya ang isipan.