Halo-halo
Ang dalawang dokumentaryong aking pinanood ay ang “Minsan sa Isang Taon” ng I-Witness at ang “Kayod sa Kalsada” ng Reporter’s Notebook. Sa dalawang ito pinapakita na labis ang pagkayod ng isang ama at mga lolo para sa kani-kanilang pamilya upang may mapantustos sa mga pangangailangan nila. Hindi hadlang ang katandaan at iniindang sakit para sa mga lolo na nabanggit sa dokyumentaryo upang magtrabaho. Isa pa ay hindi rin hadlang sa isang ama na maghintay ng isang taon para lamang may maaning abaca upang makakain ng kanin ang kanyang mga anak. Ang mga nararanasan ng mga tauhan sa dokumentaryo ay sadyang napakahirap. Kung hindi naman sila kakayod at magsusumikap na magtrabaho ay wala silang makakain.
Ito ay may kaugnayan sa unemployment sapagkat sa kanilang takot na mawalan ng pangtustos sa araw-araw ay pipilitin nilang magtrabaho kahit mahirap. Pumapasok dito ang mahirap sa pagkuha ng trabaho. Ito ay isang dahilan kung bakit maraming unemployed na mga Pilipino. Nahihirapan silang kumuha ng trabaho dahil maaaring kakaunti ang mga trabahong inooffer, hindi kwalipikado dahil walang natapos sa edukasyon, at walang kasanayan. Bagaman maraming magiging hadlang para makakuha ng trabaho ay nagagawan naman ng paraan ito ng mga tauhan doon sa dalawang dokumentaryo. Yun nga lang ay hindi sapat at sobrang kulang pa ang kinikita kung hindi talaga sila kakayod ng labis-labis.
Ang halaga ng ating mga pera ay pababa ng pababa dahil sa tumatagal at lumilipas na panahon nagreresulta ito ng tumataas naman na presyo ng mga bilihin. Isa ito sa mga kaugnayan din bilang sanhi ng unemployment. Nabanggit sa “Minsan sa Isang Taon” na 1000 pesos lamang ang kinikita sa pagbebenta ng abaca sa loob ng isang taon. Makikita natin na hindi naman sasapat ang isang libo upang matustusan ang mga pagkain at ilan pang kakailanganin upang mabuhay.
Nakakagulat lamang na makakita ng mga ganitong sitwasyon dahil hindi ko aakalain na may mga tao palang nakakaranas ng mga ganung buhay. Nakakaawa rin dahil alam naman nating may maaaring magawa at maitulong ang gobyerno sa mga isyung panlipunan ng ating bansa lalo sa isyung unemployment na nakakaapekto sa buong lipunan at mga mamamayan ngunit wala naman silang kilos na magawa. Bakit? Dahil sa mga korapsyon na nangyayari sa loob ng pamahalaan. Nakakagalit dahil yung mga taong nagnanakaw sa kaban ng bayan ay masarap ang buhay. Hindi nila alam na ang mga taong nasa likod ng paggawa ng pera o mga hilaw na materyal nito ay pinaghihirapan ng mga taong kapos-palad. Tulong man lang sa mga senior citizen lalo na sa mga nagtatrabaho pa habang may iniindang sakit ay hindi man lang matulungan at mabigyan ng pagkakataong na magkaroon maginhawang trabaho. Isa pa, nakakapagtaka rin dahil sa mga taong kaya naman ng kanilang katawan na magtrabaho ngunit nawawalan at nakukulangan sila ng sipag at tyaga sa buhay na kumuha at humanap ng trabaho. Ang aking reaksyon sa mga bidyong aking napanood ay halo-halo.











