Di ko parin makalimutan, minumulto parin ako ng mga alaala ninyo at kung paano mo nasikmurang lokohin ako kahit halos mamatay ako sa sakit nung pinapanganak ko yung anak mo. Nalulunod nako. Araw araw bago ako matulog, kinukuwestyon ko yung sarili ko kung saan ako nagkulang. Ibinuhos ko na yung buhay ko sayo. Pinagpalit ko yung mga pangarap ko maalagaan ko lang yung anak natin. Pinaglaban kita sa lahat ng nagsasabing hindi ikaw ang para saakin. Pero ano ang ending? Niloko mo ako.
Kahit ilang sorry ang gawin mo, nandito parin. Bago ako matulog, pinapatay ako ng mga litrato niyong nabubuo sa isipan ko. Ang hirap magpanggap na ayos lang. Na hindi ako nahihirapan.
Sa totoo lang, inaantay ko nalang na yung damdamin ko yung kusang sumuko at mapagod na malungkot at nang tuluyan nang umalis. Hindi ko alam kung paano ako aahon sa pagkalugmok na dinulot niyong dalawa saakin ng babae mo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapanggap na ayos lang. Na wala na sakin yung lahat.
Unti unti akong namamatay bawat araw. Sana matapos na lahat ng to.















