siguroāy nakita niya ang ating simulaā
ang ngiting sumilay sa aking mga labi, noong una kitang makita.
Kung may mata ang langit,
siguroāy saksi siya sa bawat sandali:
sa maraming halik, mga yakap na mahigpit,
mga kwentong minsaāy ating pinagsaluhan.
Bawat pangarap na sabay nating hinabi habang akala natin ang bukas ay para sa atin.
Kung may mata ang langit,
siguroāy narinig niya ang tibok ng puso ko
sa tuwing akoāy iyong nilalapitanā
sa tuwing ang mundo koāy tila tumitigil
kapag ikaāy aking natatanaw.
At kung may mata ang langit,
na wala namang nagbago sa pag-ibig.
Walang lamig na dumating,
walang pusong naghanap ng iba.
Nariyan pa rin ang pagtingin,
nariyan pa rin ang mga sana,
nariyan pa rin ang ikaw at ako
Ngunit kung may mata ang langit,
siguroāy naroon siya noong gabi
ngunit tilaāy napakalayo.
Hindi dahil nawala ang pag-ibig
Kundi dahil may pag-ibig tayong
At sa pagbuhos ng aking mga luha,
marahil ang langit man ay napaluha rinā
sapagkat alam niyang sa gabing iyon
dalawang pusong nagmamahalan
Hindi dahil mahina ang pag-ibig,
kundi dahil matatag ang pananampalataya.
Kung may mata ang langit,
siguro hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siyaā
tahimik na saksi sa dalawang pusong
piniling sumunod kahit masakit.
At kung sakaling makita ka niyang muli
sa ilalim ng parehong kalangitan,
marahil ay maaalala niya na ang pag-ibig ko saāyo
nariyan pa rin ang ikaw at ako.