4:45 Nasa MCU ako tapat ng library sa 3rd flr. Nakikipagkwentuhan. Hindi ko alam kung ano ang naisip ko kung bakit napagdesisyunan ko na pumunta ng marikina. Dali-dali ako hindi ko talaga alam kung bakit, nagiisip ako habang naglalakad ano namang gagawin ko dun? Sino naman ang pupuntahan ko dun at wala naman akong ibang kilala dun kung hindi sya. Pero parang sinasabi ng mga paa ko na. Sige pumunta ka lang. Sumakay ako agad ng jeep paglabas ko ng school, hanggang sa makarating akong lrt-monumento station. Edi go lang. Go with the flow. Wala talaga akong idea kung saan ako at kung ano ang gagawin ko dun, eh sayang lang pamasahe kahit pa meron akong beep card. Nung nasa loob na ako ng train sabi ko bababa ako sa edsa-taft then liliban nalang ako sa kabila para sumakay ulit ng train pabalik. Pero pagdating ng d.jose station. Baba din naman ako. I don't know why talaga, tapos naligaw pa ko sa patawid ng line 2. Kita mo nga naman kapag sinuswerte ang lola mo. Hahaha. (Skip ko na nung pasakay na ako) pag akyat ko ng recto station sa mismong flatform. HOLY COW! Punong puno yung flatform sa dami ng pasahero. Pero nakasakay naman agad hindi na ako nagantay ng matagal hindi katulad nung pagaantay ko sa kanya na akala ko babalik yun pala wala na tangina nya, hahaha. Then pagsakay ko ng train for the second time, as i said punong puno. Then hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa marikina. Sabi ko baba nalang kaya ako sa katipunan para pwedeng lumipat ng ibang train. Hahaha. (To make the story short) bago ako makarating marikina/Santolan station, nagpost ako ng. "TRAVELING TO MARIKINA" then bigla akong minessage ni ex-babe. Verbatim: Ex: Saan ka pupunta dito? : dito ako marikina ngayon. Me: ahhh, hah?! Wala?! May pupuntahan lang. Ex: Sino? Gusto mo samahan kita? Me: ahhh,hindi kaya ko naman kahit wala ka, dati nga eh. Ex: dati? Ano meron? Me: (tanginang to! Nakalimutan agad,sabagay 1year na nakakalipas) wala dati kasi sanay na talaga ko magisa. Ex: okay sabi mo eh, message mo lang ako pag kailangan mo ng kasama. Me: ok. Then after 25 mins. (Well calculated ko yan haha) nasa sm marikina na ko, namali pa ako ng message kasi sya yung huli kong kausap so, sya nasa pinakatop, pero hindi talaga sya yung balak ko imessage, yung friend ko. Me: hoy! Puntahan mo ko 😭 wala akong kasama. Andito ko sa foodcourt. Biglang lumabas sa notification center. Rj sent you a message. And i was like : 😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱 Ex: sige wait me there. And i was like again : WHAT THE MOTHER******. Isang jeep lang galing bayan papuntang sm, and nagmamadali ako. Napa cr pa ko. Hahaha. Paglabas ko. WTF here he was. Hindi na ko nakaiwas, bilis nya. Tapos ayun nakalibre pa ng infinitea 😍 we talked, hanggang sa nauwi nanaman sa feeling king ina. Ayun i confessed that i have a feelings pa din for him, na 1 yr. na pero ganun pa din nararamdaman ko, then sabi nya Ex: sorry ivan pero meron na ako. Meron na ulit nagpapasaya sa umaga tanghali at gabi, merong nagaalala pag hindi ka pa kumakain at meron na din nagagalit pag late na ko nauwi. Me: oh?! Nice to heared that, sana maging masaya kayo,btw i have to go masyado na kasing late mahirap sumakay, bye. I went outside the mall, i wanted to cry pero nahihiya ako sa sambayanang pilipino. I don't want them to witness how weak am i. Kahit gusto kong sumabog. Hindi dahil sa kasexy'han. Dahil sa sakit. Akala ko kaya nya ko pinuntahan kasi mahal nya pa ko yun pala bored sya. Paker. Bullcrap.sakit bruhhhhhhhhhh💔💔💔💔