Sana nga gano'n lang kadali
ang magpaalam.
Na kapag sinabi kong
"Alis na ako"
ay magagawa ko ngang lumisan.
Sana nga gano'n lang kadali
ang umiwas.
Na kapag sinabi kong
"Iiwan na kita"
ay magagawa ko ngang humakbang palayo.
Sana nga gano'n lang kadali
ang bumitaw.
Na kapag sinabi kong
"Nangangalay na ako"
ay magagawa ko ngang hindi na kumapit.
Sana nga gano'n lang kadali
ang umayaw.
Na kapag sinabi kong
"Tama na 'to"
ay magagawa ko ngang talikuran ka.
Sana nga gano'n lang kadali
ang lumimot.
Na kapag sinabi kong
"Kinalimutan na kita"
ay magagawa ko ngang burahin ka sa aking alaala.
Sana nga gano'n lang kadali
ang magpaggap.
Na kapag sinabi kong
"Hindi na kita mahal"
ay magagawa ko ngang hindi ka na mahalin.
Sana nga gano'n lang kadali
ang magsinungaling.
Nakapag sinabi kong
"Hindi naman masakit"
ay magagawa ko ngang hindi madurog.
Sana nga gano'n lang kadali
ang saktan ka.
Na kapag sinabi mong
"Mahal pa rin kita"
ay masasabi kong
"Ayoko na, tangina mo ka."
Sana nga gano'n lang kadali
ang magpatawad.
Na kapag sinabi mong
"Patawarin mo ako"
ay magagawa ko ngang patawarin ka.
-Sana nga ganoon kadali; @mariamanunulat