Paasa, Umaasa, Pinaasa by Yours Truly
Ang mundo ay binubuo ng tatlong klase ng tao. Ito ay sina Paasa, Umaasa, at Pinaasa. Tatlong magkaibang kataga ngunit iisa ang kaakibat na salita “Pag-asa”. Bakit nga ba tayo umaasa sa katiting na pag-asa? Ikanga: “ Pag may buhay, may pag-asa. “
PAASA. Sila ang mga taong hindi marunong rumespeto sa nararamdaman ng taong umaasa. Ganito kasi ‘yon. Kapag nalaman ni paasa na may pagtingin sa kanya ang isang tao, sinasakyan niya ito. Ang feelings ay hindi tricycle para kailangan mong sakyan. Minsan, kailangan din nating paraanin lamang ito upang makahanap ng taong tunay na sasakay, magbabayad ng tama upang masuklian rin ng wasto. Ganyan naman ang pagmamahal diba? Give and take yan. Hindi yung puro bigay at walang nababalik sa’yo. Kaya ikaw paasa, kung wala ka naman palang planong magbayad ng hustong pagmamahal wag mong sakyan. Hindi birong maghintay sa wala. Respect other people’s feelings. Even if it doesn’t mean to you, it means everything to them.
UMAASA. Mga taong ito ay may pagkatanga ngunit ang titibay ng loob. Tanga, kasi kahit alam nilang server not found yung feelings ni crush niya para sa kanya pilit paring kumakapit sa 0.000001% na posibleng magkagusto rin sa kanya yong taong gusto niya. MU kayo eh, Manhid siya, Umaasa ka. Ang saya diba? Ngunit hindi maikakailang ang titibay ng loob ng mga taong umaasa. Bakit? Kasi hindi madaling ma-HAHAHAhasula-zoned- kumakapit sa mumunting pag-asa, nagseselos kahit hindi naman sila, at kahit nasasaktan na lumalaban parin. Okay lang umasa, malay mo mag work! Pero kung halata namang wala talaga, itigil na ang katangahan at huwag na huwag mong sisihin yung taong gusto mo kung ikaw ay nasaktan, hindi ka pinaasa ikaw yung pilit umaasa. Please lang huwag mo ng dagdagan pa ang bilang ng mga nagpapakatanga. Chin up, wait, and time will come that the one who will love you unconditionally will eventually arrive. Then you will realize that the best love story that God has written for you is now becoming true.
PINAASA. Sila yaong nasinagan na ng pag-asa ngunit di-naglaon bigla na lamang inabot ng kadiliman. Karamahinan sa kanila ay bitter at hindi naniniwala sa forever. Kasi matapos binigyan ng panandaliang saya, kilig, at ligaya, si umasa ay iniwan ni paasa na wala man lang pasabi. Kaya ayon nasaktan, lumuha, at napabilang sa mga pinaasa. Akala mo pag-ibig na ‘yon? Naniwala ka kasi agad sa mga “salita” niya. Iyong mwah-mwah tsup tsup, miz u, lab u, kiss u, give you my coat when you’re cold pinaniwalaan mo? Hindi mo lang alam na laro lang ang lahat, wala e mahilig siyang mantrip lang. RIP feelings dadalawin ka nalang tuwing undas. Sabi nga, may mga taong dumarating para maging blessings, pero may iba naman para maging lesson lang para sa atin. Move on ‘cause time heals. And most importantly, God heals the broken hearted.
Sa buhay, hindi maiiwasang magkagusto sa isang tao. Normal lang yan, abnormal nga raw yong mga walang gusto diba? Masaya nga naman pag mayroon kang nagugustuhang isang tao. Napapangiti ka, nag-aayos, nagiging-inspired, at nagiging ilusyonada minsan. Sige, umasa ka pero wag masyadong mag-expect para hindi masaktan. Ikaw naman huwag kang paasa. Mas mabuti pang saktan mo ‘yan sa katotohanan, wag lang pasayahin sa kasinungalingan. At sa lahat ng pinaasa, laban lang, habang may buhay may pag-asa!