Kandila
May mga bagay na madali maglaho
May mga bagay na matagal magbago
May mga bagay na subok ng panahaon
May mga bagay na nangyari lang dahil sa pagkakataon
Naranasan mo na bang parang wala ka nang nararamdaman?
Na pinipilit mong intindihin pero walang nakakaalam
Ang tanong sa sarili bakit ka nagkakaganyan
Pero kahit sarili mo di alam kung ano ang kasagutan
Tanda ko ang mga unang buwan ng pagsasama natin dalawa
na walang magbabago at mamahakin kita
ang pangako sa isa’t isa ay papaligayahin ka kahit matanda na
 at ibibigay ang mundo pati ang buwan sayo sinta
May kwento tungkol sa dalawang magkasinthan
tungkol sa pagibig nilang dalawa
ang sabi ng binata kung ikokompera ko ang pagibig sa isang bagay siguro kandila ito
ang sabi naman ng dalaga bakit kandila sa dinami dami ng bagay sa mundo
ang sagot ng binata ang kandila ay parang pagibig dahil makikita dito ang oras at pagmamahalan ng dalawang tao
ang sagot ng dalaga pano mo naman na sabi na makikita ang pagmamahal ng tao at oras ng pagmamahalan nila sa bagay na ito?
Sabi ng binata ang apoy ang nagsisimbolo ng lakas ng pagibig sa una napakalakas at napakaliwang
kitang kita ang lahat sa paligid mo
At ang oras naman ay makikita sa oras at tagal ng kandila dahil balang araw mauupos ito
Sabi nang dalaga hindi ako sang ayon sa sagot mo
Dahil ang pagibig ng tao ay di nauupos ito ay hindi napapago bagkos ito ay tumitibay sa haba ng panahon yan ang pagibig na totoo
Dinagdag nang dalaga na siguro kandila din ang pagibig para sa kin pero iba sa sagot mo
Dahil ang kandila isang instumento na makapagbibigay liwanag sayo
Na oo nauupos na nauubos ito pero mahal ginagwa niya ito para makakita ka lalo
Dahil ang pagibig ay hindi nababase sa simula sa gitna o sa dulo masasabi mo na pag ibig ang isang bagay kapag kahit upos at wala nang ilaw na nilalabas  ito alam na may nakita ka sa liwanag niya nakahit sandali ay gagagmitin mo ito para Makita na ang liwanag na kailangan mo ay ang pagibig na inalay sayo na kahit na upos at ubos na ay ipinagkaloob pa din sayo at diyan mo masususkat kung gaano ka kamahal ng tao.












