Habang lumilipas ang panahon lalong lumilinaw ang mga bagay na dati’y walang kasiguraduhan. Matagal ko ng natanggap na namamatay ang mga tao, kahit ang sarili kong kamatayan iniisip ko minsan. May mga oras na naiisipan kong kitilin na ang buhay ko, yung tipong mula sa kawalan eh susulpot bigla yung kagustuhan kong magpakamatay nalang. Sabi ko hindi ko pa kaya patayin sarili ko, nagpapakasaya nalang ako sa buhay kasi iniisip ko nalang na yung buhay ng tao maikli, at kailangan sulitin ito. Kaso nga lang nitong mga nakaraan, parang mas lumalakas yung pakiramdam na gusto ko ng magpakamatay, yung tipong alam ko ng malapit ko ng gawin ‘yon sa sarili ko.












