LOVETEAM: Chapter 11 - 3 words, 6 syllables
Hindi ko alam kung bakit kami ganito ni Elmo.
Hindi naman kami pero kung mag-away kami dinaig pa namin yung mga magkarelasyon.
Kanina pa talaga ako hindi mapakali.
Hindi siya nagrereply sa mga text ko, nagdirect message rin ako sa twitter pero parang wala siyang balak na kausapin ako.
Gusto kong magalit kasi wala naman talaga akong kasalanan sa kanya pero nangingibabaw parin yung guilt ko – yung guilt na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
“Bes!!!!” Sunod-sunod na kalampag ni Janna sa pinto ng kwarto ko. Hindi na ako nagtaka na bibisita siya, tinext ko kasi na nag-away kami ni Elmo.
“Kakapagawa ko lang ng pinto ko, sisirain mo na naman?” Bati ko sa kanya ng mapagbuksan ko siya.
“Ang oa nito-” dumiretso siya sa kama ko at pinakialaman ang ginagawa kong sorry card para kay Elmo.
“Wag yan!” Inagaw ko agad sa kanya yung card, nakakahiya kasi kahit bestfriend ko siya ayoko paring may nakakakita ng mga bagay na first time ko lang ginawa, tulad nitong cheesy letter na to.
“Ano ba kasi yan?” Pag-uusisa niya habang pilit na inaagaw sakin ang card. “Patingin naman.”
“It’s just a sorry letter for Elmo bes.” Nagulat ako ng tumigil si Janna sa pag-agaw ng card mula sakin. Nag-iba rin ang ekspresyon ng mukha niya. “Anong nangyari sayo?”
“Wag ka ng mag-aksaya ng panahon dyan. Wala ka dapat na ikasorry sa kanya-” Sumimangot siya, yung parang maiiyak na pero walang luha. I don’t get why she’s acting like this.
“Ha? What are you talking about?”
“Alam mo bang nagkakagulo ngayon sa fandom niyo?”
Napakunot ang noo ko, hindi naman kasi ako pala check ng nangyayari sa fanbase namin kasi alam kong masaya sila, lalo na ngayon na nakikita nila samin na masaya kami ni Elmo.
“Bakit daw?” Laking pagtataka ko. Imposible naman kasing malaman nila na nagkatampuhan kami dahil sa backstage nangyari yun at kaming dalawa lang ang magkasama ng mga oras na yun.
“Pano kasi yang magaling mong leading man spotted na naman kasama ng ibang babae.” Hindi ako nakapagsalita agad, hindi ko naman kasi alam kung maniniwala ba ako o hindi. Kay Elmo lang naman ako naniniwala pag dating sa mga ganitong issue. He’ll tell me for sure.
“Baka naman naghangout lang kasama friends niya.” I told her as I tried to protect him.
“Hangout tapos may kiss na kasama sa pisngi?” Nilabas ni Janna ang phone niya, nasa Instagram iyon at pinakita niya sakin ang picture na tinutukoy niya, pinag-uusapan na raw ito ng mga fans namin at nagrarant na sila sa careless act na naman ni Elmo. “Alam mo ba kung gaano kasakit yan sa silent fan na tulad ko? Ang sakit-sakit na makita si Elmo na nakikipaglandian sa iba. Sanay kasi kami na sayo lang siya ganyan.” Nakita kong nagmumble ang labi ni Janna. Hindi parin ako makareact, ang gulo ng nararamdaman ko. Gumaganti ba siya? “Ang sakit-sakit talaga. Hindi ko matanggap bes. Dapat si Elmo kay Julie lang at si Julie kay Elmo lang.”
“Hayaan mo siya.” Iyon nalang ang nasabi ko, wala naman akong karapatang magalit sa kanya. It’s his life anyway.
“Hayaan?! Yan lang ang sasabihin mo?!”
“Bes pagod ako-” Itinabi ko sa isang sulok ang card na pinaghirapan kong gawin sabay higa sa kama. “bukas nalang ulit tayo mag-usap. Di ba may exam ka pa?”
“Oo pero sure ka?” Alam kong nag-aalala siya.
“Yes.” Pinilit kong ngumiti para hindi na siya magtanong ng sobrang dami sakin. “Ako pa ba?” Naconvince ko naman siya.
***
I went to the shoot before call time. Kahit na ang haba ng tulog ko, parang feeling ko nanlalata ako. Today’s our photo shoot with Preview for their November Issue, yes magkasama na naman kami. I can’t do anything about it, loveteam kami eh. Wherever he goes, I go.
“Julie may sakit ka ba?” Tanong sakin ni Mama habang inaayos niya yung mga gamit ko.
“Okay lang naman ako Ma, parang wala lang ako sa mood.”
“Bakit may problema ka ba?”
“Wala naman po. Baka mali lang ang gising ko.” Palusot ko.
“Okay. Ubusin mo nalang yang breakfast mo para hindi ka magutom sa shoot mo mamaya.
“Sige po.”
“Good morning Tita.” Elmo greeted my mom when he arrived, hindi ko siya tiningnan. Ayoko munang makita ang mukha niya kahit during prep time lang. “Good morning Julie.” Lumapit siya sakin para mahalikan ang pisngi ko pero umiwas ako. Napatingin ako sa direction ni Mama kasi nakatingin siya samin, napansin niya siguro ang pag-iwas ko kay Elmo nagpatay malisya lang siya.
“Look I’m sorry for leaving you yesterday.”
Tumango lang ako. Ayoko siyang kausapin.
“So we’re okay?” Tiningnan ko lang siya, yung tingin na alam niyang ayoko muna siyang kausap. Nagets niya naman siguro. Lumayo siya eh.
After a few minutes, inayusan na kaming dalawa. Hindi na ako natingin pa sa ibang direksyon kasi baka magkatitigan na naman kami sa salamin na pinaghahatian namin. Ramdam ko rin na nakatingin siya sakin, now’s not the time to meet his gaze – baka mairapan ko lang siya ang dami pa namang taong nag-oobserve samin.
“Julie, smile.” Bati sakin ni Ms. Dione Fontes, siya ang chief editor ng preview. Mabilis naman akong ngumiti sa kanya para pagbigyan ang hiling niya. “There you go, beautiful.” Nakatingin lang kaming pareho sa salamin, dun kami nag-uusap. “I’m very excited to see you guys to do daring poses we personally chose for you.” Tiningnan niya rin si Elmo at ngumiti dito. “Are you ready?” Ngiti at tango lang ang isinagot ni Elmo sa kanya.
Teka lang?
Bakit ko ba siya tinitingnan?
***
Unang kinuhaan si Elmo kasi mas nauna siyang natapos kesa sakin. After twenty frames ako naman. Yung mga solo namin gagamitin daw sa content ng magazine tapos yung shinu-shoot namin ngayon together para sa cover naman ng magazine.
Yes you heard it right, TOGETHER.
Nakayakap siya sakin ramdam ko yung tension alam kong nararamdaman niya rin. But we have to act professional. Kailangan naming maipakita sa bawat flash ng camera na okay kami, kailangan naming mapalabas yung normal naming chemisty.
“Okay next frame.” Ginuide kami dun sa elegant comfort room, have I mentioned? Wet look kaming pareho ngayon kasi fire yung theme nila for their next issue. Sa sobrang daring hindi ko maiwasang kabahan.
They opened the hot shower, pang effect lang. Yung suot ko mahabang red satin na sobrang nipis, wala akong suot na sapatos – bare feet lang. May slit siya seven inches below my waist.
Yung detail sa harap ang nakakashock, yung cut kasi pa-V, kung anong haba nung dress yun naman ang baba ng pagkakacut nito, below my chest but above may stomach naman ang cut. Kitang-kita rin yung pisngi ng chest ko, kung hindi pa dahil sa double sided tape na nakakabit mukhang kanina pa ako nahubaran. Pero wala akong karapatan na magreklamo, trabaho lang to. Mukha pa naman akong karespe-respetong tingnan.
Nakikita ko sa mata ni Elmo na ayaw niya sa suot ko ngayon kasi nakasimangot siya kapag natatapos ang pagkuha samin, ramdam ko na gusto niya akong takpan pero hindi niya magawa kasi hindi kami okay.
Sa pader ako pinapwesto ng photographer, sa sobrang steamy na nung comfort room na nilalabas nung shower pati kami tuloy nagpapawis.
Akala ko ishu-shoot na kami pero hindi parin nakuntento yung photographer sa posisyon namin sa wall kaya nagpahuha siya ng wooden high chair para magmukhang nasa upper body part niya ako.
Nilagay niya yung kamay niya sa legs ko. Nakuha niya ang atensyon ko ng gawin niya yun, nagtinginan lang kami. Nakipag-usap ako sa kanya gamit ang tingin, triny kong iparating sa kanya na kailangan niyang alisin ang kamay niya sa legs ko.
“Great Elmo!” Bati sa kanya ng photographer.
Napalunok nalang ako ng laway, mukhang ganito na yung magiging posisyon namin for five minutes. Iba’t ibang angle kasi ang dapat kunan.
“Now part your lips, act like you’re about to kiss.” Instruct samin ng photographer.
And we did it, I parted mine and he parted his. Nilapit namin ang mukha namin sa isa’t-isa while staring at each other.
I hope it’s not gonna get more awkward than this.
***
The shoot went well. I had a great time working with Preview but not with Julie. I’m not used to this kind of treatment she’s making me feel. I don’t get why she’s acting like this.
Kanina I tried holding her hand just to make sure that she’s not going to fall but she won’t let me.
Hindi ko na kaya to.
Of all people, bakit siya pa ang hindi mamamansin sa akin?
After changing my clothes I went out of my dressing room immediately. Sakto I saw her mom. May dala siyang towel, maybe that’s for Julie kaya lumapit ako sa kanya para pakiusapan siyang ako nalang mag-aabot. She didn’t think twice, she handed me the towel and gave me a smile.
“Kulitin mo lang, bibigay din yun.” Payo sakin ni Tita.
“Thank you po.”
Bigla akong kinabahan ng makapasok ako sa dressing room niya. She was sitting in the corner, drying her hair with her hand. Inabot ko agad sa kanya yung towel para hindi na siya mahirapan. Akala ko mapapangiti ko siya pero hindi.
“Ano yan?” She asked me.
“Towel.” I joked, hindi nga lang siya natawa. I’ve never seen her this serious.
Tumayo siya sa kinauupuan niya she tried to walk away from me but I didn’t let her. Hinawakan ko yung braso niya so that she could face me pero hindi niya parin ako magawang tingnan, nakatagilid siya ngayon— sobrang seryoso ng mukha.
It’s just the two of us in the dressing room, siguro gusto ni Tita na bigyan kami ng privacy. Chance ko na ‘tong makipagbati sa kanya kaya kahit ayaw niya susubukan kong pipilitin kong maging okay kami.
“Hanggang kailan tayo ganito?” Seryosong tanong ko sa kanya, tinitingnan ko siya mula sa gilid ayaw niya talagang humarap sakin.
“Ewan ko.” Nabitawan ko yung braso niya kaya nakapunta siya sa salamin nag-aayos ng damit niya. Nakadress siya na black na kita yung likod. Naalala ko na naman yung damit niya kanina, dapat hindi ganito ang mga sinusuot niya.
“Magpalit ka nga ng damit mo, may t-shirt pa ako sa kotse.”
Hindi niya ako pinansin, nagblower siya ng buhok.
Nakakainis na to.
Hinayaan ko siyang matapos, nakaupo lang ako sa monoblock at nakatingin sa kanya habang nagsusuklay siya, wala na siyang make-up. Mas maganda siya pag walang make up.
“Julie.” Hindi niya parin ako pinapansin. “JULIE!” Nakakainis na kasi parang walang naririnig kaya sinigawan ko siya para mapansin ako.
“Ano ba?” Naiinis na sabi niya.
“Nakakabadtrip ka na.” Direchong sabi ko sa kanya.
“Akala mo ikaw lang ang nababadtrip? Kung nakakabadtrip ako mas nakakabadtrip ka!” ”Kinuha niya yung bag niya pati yung towel, sinundan ko siya.
Nang hindi ko na kinaya niyakap ko siya mula sa likod. Nagpumiglas siya. “Bitawan mo ako.”
“Kung ano man yung kasalanan ko sorry na.” Alam kong parang bata. Isip bata na kung isip bata, kailangan na talaga naming magbati. Hindi ko na talaga kaya.
Tumigil na siya sa paggalaw. Tumahik lang siya.
***
“Hindi ka ba magsasalita?” Tanong niya sakin. Hindi ko alam bakit ang hina ko pagdating sa kanya. Gustuhin ko mang magalit kay Elmo pero wala akong magawa pag naririnig kong magsorry siya.
“Sino yung babaeng kasama mo sa post mo sa instagram?”
“Pinadelete ko na.” Sagot niya sakin.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko.” Humiwalay siya sakin, hinayaan ko siya.
“It’s Denisse, my best friend.”
Best friend?! Nakakiss sa pisngi niya? Ang tindi namang bestfriend nun.
“Wag mo nga akong lokohin Elmo.” Isinabit ko sa kamay yung bag at towel. “Kung ganyan ang gusto mo fine, makipagparty ka sa lahat ng gusto mong babae. Wala na akong pake.”
“Nagseselos ka ba?”
Tatlong salita.
Anim na syllables.
Hindi ko masagot.
Nagseselos nga ba ako?
Hindi. Iniisip ko lang yung loveteam namin, shaky na naman ang pakiramdam ng fans namin ngayon.
Nakakainis talaga siya kung anong ingat ko sa mararamdaman ng fans namin iyon namang dali sa kanya para saktan sila.
“Hindi ako nagseselos okay? I was just thinking about our fans.”
“Fans lang ba talaga?” Pangungulit niya.
“Oo.” Mabilis na sagot ko. “Next time kasi bago ka gumawa ng kung ano isipin mo muna kung ano ang mararamdaman ng mga taong sumusuporta satin.”
“Okay. I’m sorry.” Hinawakan niya ang kamay ko. “I’m really, really sorry.” Nawala ang galit ko sa kanya, sincere na kasi ang pagkakasabi niya. “Lumabas ako kasi naiinis ako kay Dave. I needed an alcohol to-”
“Alcohol nga ba o babae?” Pinagmasdan ko lang siya. “And please don’t use Dave’s name. Wala siyang ginagawang masama sayo.”
“Meron.” Nakatingin parin ako sa kanya. “Pinagseselos niya ako.”
“It’s non-sense Elmo.”
“How come it’s non-sense?”
“We’re just friends.”
“We started as friends.”
“What you and I have is far different from what Dave and I have.” Sincere ko siyang tiningnan. “You should know that.”
“Yes, I’m sorry.” Ngumiti siya sakin at niyakap ako. “And you’re right, I should know.” He whispered.
Forever seloso talaga tong si Elmo. Haha











