Can I be your bae even if iyani ko kabuang? 😂🐷🐷 #Jejepose✌
KIROKAZE
The Bright Sessions
Fai_Ryy
NASA
★
art blog(derogatory)
Doug Jones
Color Me Curious
EXPECTATIONS
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

shark vs the universe
No title available
🩵 avery cochrane 🩵
occasionally subtle
tumblr dot com
hello vonnie
Cookie Run:Kingdom Official!
No title available
Interview Vampire Daily

oozey mess

seen from United States

seen from Pakistan
seen from Canada

seen from Dominican Republic

seen from United States
seen from Venezuela

seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from Jamaica

seen from Bangladesh

seen from Switzerland
seen from United States
seen from Brazil
seen from New Zealand
seen from United States

seen from Bosnia & Herzegovina

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Türkiye
@jessadiaries-blog
Can I be your bae even if iyani ko kabuang? 😂🐷🐷 #Jejepose✌
It takes span of time to heal the scars 💔🔫
Summer feels 🏊🏄🌅 Back view 😂👙
Really?👏😂👊 Is there really a difference? HAHA😂😂😂
The conviction of freedom❤👌💋
Do you need a qualified accountant? Well just wait, I'm still preparing to be one 😁😂😍😄
I like the way you look at me. But hey don't you dare to stare at me. Okaay?😄😊😍
Yes, I've been left out so many times but I'll just sit here and wait for you to come back 😂💔
NEW YEAR ka ba? Co'z I NEW YEAR the One 😍😄❤
Hey? They say you're in South? I think I would miss you out if I let you go 😳✌😁 #GoingSouth👇
More quotes here
Indeed. Kaya nga don't judge a book by it's cover. Kailangan mo muna kilalanin ang tao bago mo husgahan.
More quotes here
MAsAkit :(
Interest + Ability = Happiness + Success
Reblog if you think your Mother is a blessing to You.
My queen 👑
PAINT YOUR POETRY / SLAM AND OPEN MIC #SATINKA NATURALS #RAYMOND PANGAN FILMS
Naniniwala ako sa aswang, lumaki ako na kinkwentuhan ng mga tiyuhin ko na galing Capiz at Aklan tungkol sakanila kaya oo, naniniwala ako sa aswang. Naniniwala ako na kaya nilang magpalit ng anyo Na dapat mapayapa ang aking dibdib na marinig ang pagpalatak ng bibig ng tiktik dahil pag malapit daw ang tiktik ibig sabihin malayo ang aswang. At oo malamang iniisip mo nababaliw na ako o napakadali ko namang mauto pero hindi ako nagsisinungaling. Naniniwala ako sa aswang. At naniniwala rin ako sa nuno. Naniniwala ako sa nuno, yung maliliit na nilalang na nakatira umano sa mga punso. Na posibleng nandiyan lang nagtatago sa likod ng puno at kinakagat ko ang daliri kong tuwing nalilimutan ko na ayaw nila ng tinuturo Dahil baka kunin nila ko sa gabi at tangayin sa kaharian nila. At oo, alam ko wala pa kong kilala na kinuha nila pero mahirap ng sumugal. Kapag ako ay nagturo sa isang masukal na gubat kinakagat ko agad ang aking hintuturo dahil madali akong maniwala at naniniwala ako sa mga nuno at tutal rin lang sinasabi ko na sa'yo ang kalokohan na ‘to. Siguro, panahon na rin para malaman mo. Ang dami pang mga bagay na walang basehan ang pinaniniwalaan ko. Katulad ng kapag tayo'y magkasama, kumakain tayo ng magkasama at kailangan mong umalis ng maaga, ay iniikot ko ang mga plato para hindi ka mapahamak sa kalsada. O kapag kumakain ako ng mag isa at nalaglag ang aking tinidor o kutsara ay hinihiling kong susurpresahin mo ako sa iyong pagbisita. nakagat ko ang aking dila kanina at binigyan ako ng numero na sakto sa unang letra ng pangalan mo At inisip ko na sana nasa isip mo ako. At oo, kung nakagat mo ang dila mo kanina malamang kasalanan ko yun dahil nasa isip kita. Nasa isip kita sa umaga, kapag nakita ko kung anong oras na, iniisip ko kung nakarating ka na ba sa opisina. Nasa isip kita sa tanghali, alam kong nagtitipid ka pero kumain ka naman ng sapat para hindi ka nagugutom sa trabaho diba? Nasa isip kita sa hapon,malamang pagod na pagod ka nanaman sa dami ng pinapagawa nila sa'yo na hindi mo kayang tapusin bago magdilim At nasa isip kita sa gabi, Saan ka pupunta pagkatapos ng trabaho. Nagbabakasakali na baka pwede tayong magkita dahil, pasensya na. Huwag ka sanang mairita pero gusto kitang makita dahil maniwala ka, gusto kita makita dahil minsan nakakasawa na, na nasa isip lang kita. Oo, siguro nga hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa'yo ‘to bilang puro maligno tsaka lamang lupa yung kaninang mga binabanggit ko. Pero intindihin mo, kung kaya ko maniwala sa mga bagay na walang basehan katulad ng mga 'to. Bakit ako hindi maniniwala sa'yo, sa atin, sa tayo. Kapag nginingitian mo ako naniniwala ako. Kapag hinahawakan mo ang kamay ko, naniniwala ako. Kapag inaakbayan mo ako, naniniwala ako. Kapag hinahalikan mo ako, naniniwala ako. Naniniwala ako dito. Naniniwala ako dito. Hindi ito laro. Hindi 'to hanggang dito na lang at maraming salamat. Naniniwala ako na kaya natin ito. At naniniwala ako na kung maging masakit man. Kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo. Magiging sulit ang lahat dahil naniwala ako sa'yo. Oo, ikaw ang tinuturo ko At hindi ko kakagatin ang daliri ko dahil gusto kong tangayin mo ako sa kung saan mang kaharian o kagubatan mo gusto. Oo, ikaw ang sinisigaw nitong dibdib ko at hindi ako matatakot kung lalapitan mo ako dahil naniniwala ako sa'yo. Naniniwala ako dito. Naniniwala ako na kaya natin ito. At naniniwala rin ako sa karma na kung ano mang ibigay mo sa kalawakan ay siyang ibabalik sayo na may interes pang kasama. Ilang beses ko na lang isinilid ang puso ko sa garapon at itinapon ito sa dagat sa pag asa na may magbabalik nito sa akin na buo pa pero ang tagal na at wala pa kong nakukuha. Kaya kung sakali lang, na makita mo ang puso ko na inaanod sa Aplaya. Iniisip kung anong gagawin sakanya. Itatapon, itatabi o ipagsasawalang bahala. maghihintay ako sa desisyon mo. Maniwala ka. Maghihintay ako. Ibalik mo sana.
Aww. Ang galiiiiiing :)
Chill at Abaga falls with these amazing people ♥
Kung May Karapatan Lang Ako.
Kung may karapatan lang ako, lagi akong hahanap ng oras para sa’yo. ‘Pag nalilito ka sa isang bagay, o kung may mabigat kang nararamdaman, gusto ko ‘andun ako. ‘Di ko man masolusyunan ang mga problemang dinadala mo, gusto ko ‘andun ako para samahan ka. Para may balikat kang maiyakan, mga kamay na mahawakan, at likod na masandalan. Gusto ko, ‘andun ako para punasan ang mga luha mo. At para palitan ng ngiti ang lungkot sa mga labi mo.
Pagkukwentuhin kita ng maraming bagay tungkol sa sarili mo. Mga bagay tungkol sa Papa mo, sa Mama mo, mga kapatid mo. Pati na rin mga bagay na gusto at ayaw mo. Gusto ko kasi, alam ko ang mga bagay na maaaring makapagpasaya sa’yo, ganun na rin ang mga bagay na makakapagpalungkot sa’yo, para maiwasan ko ang mga ito. Gusto kong malaman mo na interesado ako sa mga detalyeng ‘yan ng buhay mo.
Antukin man ako, rereplyan pa rin kita kahit makatulog ako na hawak ang cellphone ko. Tutugtugan kita ng gitara kahit matadtad ng kalyo ang mga daliri ko. Kakantahan kita kahit sintunado ang boses ko. At patatawanin kita maging corny man ako. Gusto kong malaman mo na ginagawa ko ang mga ito, hindi dahil obligado ako, kundi dahil gusto ko. Dahil mahal kita, at gusto kong maging masaya ka sa tabi ko.
Ipapakila kita sa mga kaibigan ko, lalong lalo na sa pamilya ko. Totoong hindi lang sa’yo umiikot ang mundo ko, pero isa ka sa mga pinakamahalagang parte nito. Sa dami kasi ng meron ako sa buhay ko, isa ka sa mga pinakainiingat-ingatan ko. Ipagmamalaki ko na ang isang simpleng lalakeng katulad ko ay minahal ng isang espesyal na babaeng katulad mo. Gusto kong malaman mo na kuntento na ako at hindi ko gugustuhing masira ang tiwalang ibinigay mo. Maliit na bagay man ito para sa iba, alam kong malaking bagay ito para sa’yo.
Hinding-hindi kita ikukumpara sa ibang babae. Oo, alam kong marami pang mas higit sa’yo, pero ikaw ang dahilan kung bakit masaya ako. Kahit na madaldal ka, wala akong sawang makikinig sa’yo. At sa mga panahon na ayaw mong magsalita, magiging pasensyoso ako.
Wala akong babaguhin sa’yo. Hindi ang itsura mo, at lalong hindi ang timbang mo. Sasamahan kitang manood ng mga romantic comedy na gusto mo. Magagalit ako ‘pag kumain ka ng maraming chocolate, hindi dahil sa tataba ka, kundi dahil baka magka-Diabetes ka. Siguradong magkakaroon ng pagkakataon na may mga tampuhan o away tayo, pero magkasama nating aayusin ang mga 'yun.
Gusto ko sanang gawin ang mga ito kung may karapatan lang ako. Gusto ko sanang gawin ang mga ito kung ako ang boyfriend mo.
Yung lalaking ganito ♥♥♥