Suko na.
Bakit ba parang napaka dali sayo magbitaw ng salita? Salitang akala mo hindi masakit pero tumatagos pa. Tumatagos mula utak hanggang puso. Pusong nasasaktan, At utak na nalilito. Patuloy parin ako sa pag ahon ko sayo, Pag ahon sayo sa kalungkutan, Pag ahon sayo sa kamundohan, Na wag gawin ang hindi tama, At wag isipin na lahat ay mali. Mali ang lahat sa paningin mo. Mali ang lahat sa pananaw mo. Mali na sumubok uli, Dahil akala mo ikaw ay matatalo. Pero hanggang saan ka ba sumubok? Hanggang saan mo nalaman ang limitasyon mo? Na ito na ang huli? Na ito na nga ang dulo? Kasi ako hanggat kaya ko lumalaban ako, Lumalaban para sayo, para sa atin. Para sa pagmamahalan natin. Pero kung ikaw nga'y nakikita na ang dulo, At parang handa ng sumuko, Sabihan mo ako, At magsasabay tayo.













