I am dedicating this simple poem to a great personality of the Philippines - SENATOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO. Farewell Madam senator. Click here to read the the original post “IRON LADY, BIG HEART”.
seen from China

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from Austria
seen from Malaysia
seen from United States
seen from China

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from United States
seen from China
seen from Netherlands
I am dedicating this simple poem to a great personality of the Philippines - SENATOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO. Farewell Madam senator. Click here to read the the original post “IRON LADY, BIG HEART”.
Liham para sa unang babaeng iniyakan ko.
Kamusta? Lubos ang aking paghanga sa’yo. Ikaw ang isa sa nagbibigay ng kulay sa buhay ko. Matapang at palaban kang babae at higit pa riyan isa kang ubod ng talinong tao. Sa iyong kariktan at angking ganda, hindi biro na isa ka sa mga unang babaeng bumighani sa akin. Bata pa lamang ako nung una kitang makita sa telebisyon, isang matibay at intelehenteng babae ang isinusulong ang kapakanan ng bansa. at dahil doon agad akong namangha sa iyo, ikaw lang at wala ng iba ang aking hinihintay kapag ang usapin ay pulitika. Lumaki akong may malaking admirasyon sa’yo at ipinangako ko sa sarili ko na ikaw ang gusto kong maging presidente ko kung kaya’t hindi ako nag-atubiling magparehistro upang suportahan ka sa iyong pagtakbo mo upang mahalal na pangulo ng bansa. isa ako sa mga nanabik, noong nakaraang taon pa lamang ay sabik na akong bumoto para sa iyo. Heto nga’t dumating na ang araw ng pangangampanya, walang sawa akong nakipagtalo at nakipagdiskusyon upang makilala at tuluyan ka rin nilang piliin bilang kanilang susunod na pangulo. Nakakalungkot lamang na sa huling laban mo para sa bansa ay hindi kami naging sapat upang dalhin ka sa Palasyo, upang iluklok ka sa upuan na dapat ay dati mo pang pinaroroonan. Inaamin kong lubos akong nalungkot at nahabag noong nakita ko ang kinahanungan mo ngayong halalan, lubos kong kinuwestyon ang lagay mo, kung paanong ang pinakamagaling, makabayan at magandang senadora ang nahuhuli sa bilangan ng boto. Hindi ko matanggap at labis akong naghinagpis, tumulo ang luha sa aking mata. Hindi dahil hindi ka maluluklok bilang pangulo ngunit dahil sa aking mga kilalang kabataan na hindi na mamumulatan ang talino, tapang at galing mo. Gabi ng Mayo 9, ay nanlabo ang aking paningin gawa ng tubig na dumadaloy sa aking mata, Hindi ko na masisilayan ang presidenteng inaasam ko, binigo ko siya, patawad.
Humihingi ako ng pasensya sa iyo dahil hindi ako naging sapat. Hindi ko nagawa ng maayos ang parte ko. Salamat sa lahat. Salamat at hindi ka bumitaw hanggang dulo, salamat at patuloy ka pa ring lumaban, Hindi para sa iyo kung hindi para sa amin. Matagal mo nang pinaglingkuran ang bansa natin, sapat na ang iyong mga nagawa para sa amin, panahon na upang ipagkaloob mo na ang oras mo sa sarili mo. Mahal kita, namin ng mga taong walang humpay at walang sawang sumosuporta sa iyo. Si Digong man ang naihalal nila ngunit sa puso ko ikaw ang Ika-labing anim na presidente ng republika natin. Muli lubos akong nagpapasalamat sa iyo. Mahal kita at patuloy kitang titingalain at hahangaan.
Nagpapasalamat ng buong puso,
Jirikow27
Kung baga sa relasyon, si Miriam yung package deal na gerlprend. Kaunting kembot, perfect na. Pero mas pinili mong saktan, lokohin at iwanan.
Mas masakit pa yung pagkatalo ni MDS kesa sa pag-ignore sakin ng boyprend ko.
Get out. VOTE. At the end of the day, we all want a better country. Lord, sana'y patuloy niyo kaming gabayan. Ipinapaubaya na po namin sa inyo ang magiging resulta. God bless the Philippines. #PHVote #Election2016
My voice has been heard thru this indelible ink laid on my right index finger. May God help the Philippines in choosing the rightful leaders! ❤💛 #MIRIAMforPRESIDENT #SiMiriamAngSagot #LeniRobredoForVP #LabanLeni #SantiagoRobredo2016
A tribute to the 16th President of the Philippines. Everything’s RED 😊😊😊
Sen. MIRIAM: Kapag ang ihi ay Dilaw, ibig sabihin may mali sa katawan mo. Parang pulitika yan, ang daming Dilaw kaya may mali sa gobyerno!