WHY O WHY?!
Bago pa mag file ng candidacy yung mga tumakbo sa pagka Presidente ngayon, maingay na ang usap-usapang tatakbo rin daw si Senator Miriam Defensor Santiago. Inalam ko kung sino-sino pang tatakbo na nakapasa sa Comelec at dun pa lang sa puntong iyon nang nalaman kong 100% ang pagtakbo ni MDS, sya na agad ang tipo kong PRESIDENTE. Hindi lang dahil sa alam ng lahat kung gaano sya kagaling at katalino o dahil mas hinangaan sya ng karamihan lalo na ng mga kabataan dahil sa na publish nyang libro na "Stupid is Forever", bagkus naiimagine ko na sya bilang isang PRESIDENTE. Nung HS ako, napapanood ko sa balita kung gaano nya nilalampaso yung mga kapwa nya senador sa pamamagitan lamang ng kanyang mga salitang punong-puno ng kumpiyansa. Hinangaan ko sya at nagkaroon ng punto sa buhay ko na ginusto kong maging kagaya nya, yung magkaroon ng kasing taas na IQ gaya nya. So there, naging buo yung desisyon ko nung mga unang buwan after malaman kung sino-sino ang tatakbo. Walang gumulo sa utak ko. Panatag na ako sa choice ko nun eh until one day nakilala ko si Mayor Du30 from Davao dahil sa Gandang Gabi Vice (GGV) and everything was all ruined. Ginuest kasi sya ni Vice dun sa show na yun. He's so funny. I can still remember how I laughed my ass out back then because of his dirty green jokes. So simula nun, naging interesado ako sa pagkatao nya at kung paano sya bilang Mayor sa Davao. Ang dami kong binasa na mga articles from different website at mga status sa social media ng mga patotoo sa kung gaano sya kagaling mamuno. Tapos sumabay pa dun yung usap-usapan na marami daw mag ba back out kay Miriam 'pag tumakbo si Du30 dahil sa may sakit nga si Miriam. Ito pa kasi yung mga buwan na hindi pa nag fa file ng candidacy si Du30. Naiinis pa nga ko sa kanya nun kasi parang ang pabebe nya. Push and pull sya kung magdesisyon. Kesyo tatakbo na daw kesyo wala naman daw syang sinabi. Ang gulo!!! Pero ang ingay na ng pangalan nya sa social media, halos lahat ata pinipilit syang tumakbo at honestly kaya ako naiinis sa kanya nun kasi deep inside, isa na rin pala ako sa mga taong gusto syang patakbuhin. Sinabi ko pa nun sa sarili ko na kapag pumayag na sya, sya na lang iboboto ko kasi malaki ang potensyal nyang magpatino ng mga Pilipino. Desperadong-desperado na kasi talaga ako nun sa pagbabago. Ayoko na sa nakasanayan. Ayoko na sa bulok na sistema. Kaya ayun, sa tinagal tagal ng mga araw at buwan na nagdaan, sure na sure na ako sa kung sino ang iboboto. Lalo pang naging matibay yung desisyon ko nang pinaalala ko sa saril ko na kaya hindi ko na iboboto si MDS dahil MAHAL ko sya at hindi dahil lang sa may sakit sya. MAHAL ko sya at ayokong mamatay sya agad kapag sya ang nanalo. Masyadong mahirap at magulo ang Pilipinas para pamunuan nya. Ayoko syang ma stress at mabinat kasi kapag ganun ang nangyari, sisisihin ko lang yung sarili ko. Isa ako sa mismong maglalagay at magluloklok sa kanya sa bingit ng kamatayan. Hindi pwede yun! Hindi sya pwedeng mamatay! Hindi ko kayang i-risk yung buhay nya para sa Pilipinas. We are not worth the sacrifice! Kaya natapos ang 2015 ko nun na kay Digong na ang boto ko .. hanggang sa dumating ang 2016 specifically, MARCH. I'm so stressed sa hindi ko malaman na dahilan. Bigla akong nalito at nakaramdam ng confusion. Nung mga umpisa, puro about Du30 yung shineshare at nababasa ko pero nung nag March na, unti-unting napupuno yung news feed ko ng facts about Miriam na; kung bakit sya ang dapat na iboto, kung gaano sya ka overqualified sa mataas na posisyon, na sa lahat ng tumatakbo sya ang may pinakamaraming achievements at naipasang mga batas, na sya lang ang katangi-tanging presidentiable na walang maibatong baho o issue yung mga kalaban nya kundi yung sa sakit nyang matagal naman na nyang napagtagumpayan, kung gaanong nagbabaga ang apoy ng kagustuhan nyang mapaglingkuran ang mahal nyang kababayan, kung paanong pinag-aagawan sya ng iba't-ibang bansa sa Asya at binansagan ng panibagong title na "Iron Lady of Asia", kung paanong paulit-ulit kong nakikita ang phrase na "Why do we settle for the better, if we have the BEST?" at marami pang iba. Ang mga madalas na nag she share ay mga kapwa ko college students/PUPian/youth/co-thespian/teachers/professors/estudyante, lahat sila maka Miriam. Todo at umaapaw na suporta ang ibinibigay nila dito. Bigla akong nakaramdam ng inggit sa kanila. Gusto ko rin biglang suportahan si Miriam pero diba nga nakapag desisyon na ko nung 2015 pa lang? Ewan. Bigla akong naguluhan. Tumigil na ko sa pag she share ng about kay Du30 o sa kahit na sino at ano. Nagbasa na lang ako ng nagbasa tungkol sa kanilang dalawa. Nung dumating ang April, isang buwan bago mag eleksyon, naglipana ang iba't-ibang black propaganda against kay Digong dahil sya yung nangunguna sa surveys. Siguro nga ganun na kadesperado yung iba para mapababa yung tiwala sa kanya ng tao. Bawat maling galaw ni Digong ginagawa na nilang big deal na hindi naman ganun dati. Nagsimula sa ginawa nyang pagmumura sa Pope, sinundan nung joke nya sa babae from Australia, yung bintang ni Trillanes at ang pinakamalala nga ay yung commercial laban sa kanya na gumamit pngng mga inosente. Actually, hindi naman nun natitinag yung paniniwala ko kay Du30 bilang isang mabuting tao eh pero naapektuhan nun yung insights ko sa kanya sa pagka presidente . Hindi ko namamalayan na unti-unti na namang bumabalik yung loob ko kay Miriam. Nagi guilty ako sa tuwing may nagpopost na ang dahilan lang daw ng karamihan kaya ayaw sumugal kay MDS ay dahil sa sakit nito at sa mababang nakukuhang porsyento sa mga survey. Hindi naman ganun yun eh, hindi ganun yung rason ko. Hindi totally yung sakit at lalong lalong hindi yung sa survey. MAHAL ko lang talaga sya kaya ayaw ko pero sa tuwing napapanood ko yung mga videos nya na nangangampanya at naririnig ko yung mga sinasabi nya, naiinis ako sa sarili ko. Gustong-gusto nyang manalo at maglingkod sa mga Pilipino dahil hindi nya nakikita yung harm sa future na kung sakaling sya ang manalo at mamatay sya habang nasa termino nya, hindi nya pagsisihan. Lahat naman daw kasi tayo mamamatay, una unahan lang at binigyan pa sya ng pagkakataon ni God na mabuhay. Hindi sya pinatay ng cancer kaya bakit yun daw ang ikinakatakot? Para akong nauntog sa katotohanan na yun. Oo nga naman, why don't we give her a chance? Bakit ko nililimitahan ang mga kaya nyang gawin sa bansa? Bakit ko pinangangambahan ang isang matapang na babae, ang isang napakatalinong babae? Buong buwan ng April akong nanaliksik at doon ko napatunayan kung sino talaga ang karapat-dapat. Ang dami kong mineasure at sa huli mas matimbang talaga para sa akin si MDS. Pagdating ng May 1, sigurado na ako sa presidente ko at wala akong pagsisihan kahit na anong mangyari. This time, I won't back out. Hindi ko na ulit pa iiwan si MDS. Matagal nya kong hindi nakasama sa laban nya kung kaya't kahit ito na lang. Yung pagbibigay ko ng karapatan ko para sa kanya. Wala rin akong pakealam sa mga surveys na yan. Duwag silang mga walang sariling paninindigan at desisyon, silang nakadepende sa iba ang bawat gagawin! Patawarin kayong mga sumusugal lang sa kung saan ang tingin nila ay may tyansa silang manalo. Ga*go, hindi 'to karera ng kabayo o kaya naman sabong na ang pipiliin nyo eh yung malakas at kayang patayin ang kapwa nila hayop. HALALAN 'to! ELEKSYON!!! KINABUKASAN ng bansa ang nakasalalay dito. Kung wala kang pakialam, umalis kana lang dito sa Pilipinas. Hindi natin kailangan ng 'pwede na', ang kailangan natin ay yung kayang magpabago sa bansa, yung may malasakit at mahal ang lahat ng tao (hindi mayayaman lang), hindi puro pangako lang. Dapat yung marami ng nagawa at napatunayan na ng paulit-ulit yung sarili nya. At lalong-lalo na hindi dapat corrupt, hindi magnanakaw!!! And the most qualified among all the other candidates is her, the Iron Lady of Asia, Senator Miriam Defensor Santiago. Kung kaya't nung mismong araw ng eleksyon (May 9, 2016) buong buo na yung desisyon ko. I GO FOR MIRIAM. #MIRIAMforPRESIDENT. Bumoto ako ng maayos at ilang beses kong chineck yung ballot ko, maging after ilagay sa machine natagalan ako i check para lang masigurado kong hindi ako nadaya and also to make sure that my vote will be counted. Naghintay ako ng resulta magdamag at puch* nadisappoint at nafrustrate ako ng lubusan sa kinalabasan ng eleksyon!!! Honestly, alam ko namang malakas talaga si Digong sa masa kaya nga sya nangunguna sa surveys diba at wala kong sama ng loob sa kanya kung bakit sya ang nangunguna at may malaking tyansa na manalo bilang Presidente. Meron lang talaga akong tanong, BAKIT?! Bakit si Miriam nasa second to the last? Bakit maraming hindi bumoto sa kanya? Bakit mas naungusan pa sya nila Poe, Binay at lalong-lalo na ni Mar? Bakit hindi man lang nangalahati sa boto ni BBM yung boto kay MDS? Bakit kayo ganyan people? Bakit hindi nyo man lang sya binigyan ng magandang laban? Bakit hindi na tayo natuto? 💔💔💔💔💔💔💔💔💔😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭 Ang ineexpect ko na mag-aagawan lang sa pagka pangulo ay between Du30 and MDS pero bakit? BAKIT GANITO?!!! BAKIT NYO PINAPATAY YUNG PAG-ASA NG BANSANG 'TO? BAKIT AYAW NYONG MAGAMOT YUNG MALALANG KANSER NG PILIPINAS? BAKIT PALAGI NA LANG NATIN SYANG BINIBIGO? 😭😭😭😭😭 BAKIT? BAKIT TAYO GANITO? Ano bang wala sa kanya na meron sa mga binoto nyo? Bakit nyo ko sinasaktan ng ganito? MASAKIT. Sobrang sakit! Para kasi syang ina for me na walang ibang hinangad kundi ang ikabubuti ng mga anak nya. Nagmahal lang sya pero bakit natin sya dinurog ng pinong-pino? Bilang isang anak na namatayan ng totoong ina dahil sa CANCER, naiiyak ako dahil para na rin nating pinatay ang natitirang pag-asa ng Pilipinas dahil din sa KANSER ng lipunan. Masyado na tayong malala. Ibang klase yung pagkawatak-watak natin. Nasan na ang pagkakaisa? Nasan ang talino? Masyado na tayong nilamon ng sistema. Naiiyak at sobra akong nasasaktan dahil may parte sa akin na naiinis ako sa sarili ko dahil naligaw pa ko ng daan bago makabalik sa kanya. Kung sana, yung mga buwan na nawala ako ay nagamit ko sa pagkampanya sa kanya at pagtulong sa pagbabago ng desisyon ng iba kong mga kakilala at kaibigan. . Kung sana hindi ako nagpadala sa puso ko at labis na takot, edi sana marami ang hindi nasasaktan at nagluluksa ngayon dahil sa lungkot ng pagkatalo nya. 😭😭😭😭😭 Gayunpaman, magtitiwala pa rin ako sa bagong mamumuno kahit masakit na, Pres.Digong please hear us out. Bigyan mo po sana ng magandang pwesto o posisyon si MDS. Wag nyo pong hayaang masayang ang isang hindi pangkaraniwang babaeng gaya nya. Please. It's not her lost. It's ours'. 😢😢😢 -Shie Jaz Kent Moovon










