I Love You. Goodbye. :,(
Zy. Kung nababasa mo man 'to. I just want to clear up everything for you. First of all, I'm really sorry kung pinili ko ng makipagbreak sa'yo. Hindi naman ako nagdecide lang basta basta at nakipaghiwalay sayo agad. Ilang araw ko 'tong pinag-isipan. Tinimbang ko ang mga bagay bagay. Inisip kung ano ba talaga angmas makakabuti o makakasama kung ipagpapatuloy pa natin yung relasyon na 'to. Sobrang masakit mang isipin pero kailangan ko na talagang gawin yun. Tulad nga ng sinabi ko sayo, wala na akong nararamdamang spark, kilig at excitement sa relationship natin. Siguro dahil sa mga paulit-ulit na routine na nangyayari satin araw-araw. Nagsawa lang ako. Siguro dahil mas gusto ko ng isang natural na relationship. Yung hindi written. Mas gusto ko ng hindi expected. I want surprises. Gusto ko yung feeling ng araw-araw in love. Unfortunately, di ko na kasi talaga maramdaman yun these past few days. Maybe isang factor na naka-affect dun ay yung dahilan na malayo ka sakin. I want someone who can always stay beside me when I needed him the most. I want someone who can give me warmth when I want it immediately. Hindi na kasi ako kuntento ng nararamdaman ko yung presence me through text. I wanted YOUR BODY PRESENCE. Pero I couldn't, you couldn't do anything. It's given. Wala na tayong magagawa dun. Kinailangan ko na lang hintayin yung mga araw kung kelan ka pwedeng lumuwas at kung kelan tayo pwede magkita. And that routine made feel tired. Zy, I wanted to spend my living na kasama ka palagi PERO HINDI NGA PWEDE. And kinailangan kong intindihin na lang at tanggapin ang mga bagay. Dahil nga dun, unti-unti akong nawalan ng gana hindi sayo, kundi sa takbo ng relasyon natin. PERO ZY, believe it or not, tinry kong bumalik yung spark na naramdaman ko nung una sa relasyon natin, pero hindi na talaga. Hanggang dito na lang ako. Kung ipagpapatuloy ko pa 'to with you, it will looks like I am fooling myself and mostly, I am fooling you. HINDI ko na kayag gawin pa yun ulit sayo Zy. Mahal pa din kita at ayokong lokohin pa kita at paniwalain kita araw araw na I will be yours FOREVER. We will be forever, na hindi ako mawawala sayo kahit kailan. You know what, those 'FOREVER' promises na ginawa nating bitawan sa isa't isa, nung una akala ko it won't last, pero yun pala yun pa yung magpaparamdam sakin ng pagkasakal. Hindi ako makahinga Zy. Sobra mo kong mahal and like what I've said, lahat ng sobra nakakasama. Masyado na akong nakatali sa relationship natin Zy. Ang hirap gumalaw. I couldn't talk and make friends freely. Parag sating dalawa lang umiikot yung mundo. Kahit hindi tayo magkasama parang feeling ko, lahat ng gagawin ko na hindi mo alam, makakasakit sayo. Feeling ko kapag nakipagkaibigan ako sa ibang butch and femme na hindi mo alam, masasaktan kita ng sobra sobra. And sobrang nakakalunod yung feeling. Zy, sobra sobra akong nagpapasalamat sayo dahil sa wagas na pagmamahal na binibigay mo sakin. Ako na siguro ang pinakaswerteng tao sa mundong ito dahil nakatagpo ako ng tulad mo na magmamahal sakin ng very unconditional. And everything seems perfect Zy, kulang na nga lang pakasalan kita para habang buhay kong masecure na habang buhay may magmamahal sakin ng totoo na katulad ng binigay mo sakin. Pero I realized na hindi yung mga sweet messages mo ang kailangan ko talaga, hindi yung araw-araw na magkatext tayo yung magpapakunteto sakin, kundi yung relasyon na imperfect. Yung relasyon na parehas hindi perfect yung dalawang taong nasa loob nun. Yung relasyon may spark and excitement. Gusto ko yung araw-araw akong in-love. Kung tatanungin mo ako kung minahal ba kita, ZY, maniwala ka, MINAHAL KITA at MAHAL pa din kita hanggang ngayon. Pero yung pagmamahal na yun ay may kahalo ng awa akong nararamdaman. Nabuo yung pagmamahal na yun pero unti - unti siyang nabawasan sa paglipas ng mga araw, hindi na yun yung pagmamahal na may kasamang romance. MAHAL pa din kita dahil mahalaga ka pa din sakin. That didn't change the way how much I care for you. Umaapaw pa din yung pagiging importante mong tao sa buhay ko. Alam mo yan Zy. Mahalagang mahalaga ka sakin at yun ang katotohanang hinding hindi na mawawala at mababago kailanman. Buksan mo ang isipan mo Zy. Sana maintindihan mo kung bakit ko to ginawa. I know, you wanted na magtagal tayo. Na umabot tayo ng Decade or ng walang hanggan. Ginusto ko din yun. Pinangarap ko din yun. Pinangako ko din yun. Pero lahat ng bagay sa mundong ito ay nagbabago. Tulad nga ng sinabi ko sayo, hindi naman yun sa kung ako or ikaw yung pinakamatagal mong / kong naging karelasyon. It's how strong, happy and contented your relatioship is. Mas gugustuhin mo bang umabot tayo ng ilang taon at dekada kahit hindi na ako / tayo ganun kasaya at kakuntento sa isa't isa just for the sake na tumagal tayo? It wouldn't make any sense Zy. Maraming panahon at oras ang masasayang kapag nangyari yun. Imbis na maging masaya na tayo sa piling ng iba, mas pipiliin ba nating maramdaman yung worst sa piling ng isa't isa? Mas masakit yun Zy. Kaya hangga't maaga pinapalaya na kita. Binibigyan na kita ng panahon para makahanap ng mas better sakin. Yung makukuntento sa way ng pagmamahal mo. Alam ko Zy kung gaano mo kagustong ako lang ang mamahalin mo pero hindi na kasi pwede yun sa ngayon. Hindi na natin pwedeng ipilit pa yung mga bagay na hindi na pwede. Sana maintindihan mo Zy. Please. Alam kong mahirap pero please, intindihin mo sana yung point ko. I believe na we just had the right love at the wrong time. Hindi siguro naging tugma yung relationship natin ngayon sa panahon but we don't know, malay natin. Kapag naging mas better na tayo baka dumating yung panahon na pagtagpuin pa din tayo at maging tayo ulit. Kasi kung tayo naman talaga Zy, magiging tayo hanggang huli. Kung ikaw yung para sa akin at ako tlaga yung para sayo, time will decide kung kelan ang tamang panahon para sa ating dalawa. Isipin na lang natin na kaya tayo nagkakilala at naging magkarelasyon ay dahil ito yung unang hakbang para sa future nating dalawa kung sakaling tayo talaga para sa isa't isa. I believe na kaya nangyari lahat ito ay dahil we're meant para maging magkakilala. Maybe someday, somehow magiging part tayo ng buhay ng isa't isa. Hindi man pagiging mag-asawa yung part natin na yun, pero I know, meron. Let's just both look at the bright side Zy. Hindi kita pipilitin na magpromise sakin na wag ka ng abalik sa pagyoyosi at pag-inom at i-continue pa din yung buhay mo kahit hindi na tayo at wag kang magbulakbol sa pag-aaral kasi IT'S UP TO YOU kung gusto mong bumalik or hindi na. Unang una sa lahat, kaya kita pinatigil sa pagyoyosi mo ay HINDI DAHIL PARA SAKIN YUN, hindi dahil iiwan kita pag di ka tumigil. Hiniling ko yun PARA SAYO. Hiniling ko yun as contribution to make you a better person. Wala namang masama sa pagyoyosi PERO MUCH BETTER if you're not. Nasa sa iyo yan Zy. Pero kapag ginawa mo ulit lahat ng yan, para mo nang binalewala yung presence ko nung tayo pa. Para mo ng binalewala kung gaano ka kahalaga sakin. Pero like what I've said, EVERYTHING IS UP TO YOU. Continue your life Zy, start from the scratch. There's nothing wrong with that. Marami akong natutunan sa relasyon natin and I know, ikaw din may natutunan. Wag mong gawing source yung break up natin para sirain mo ang buhay mo. Naman! Hindi hamak na mas mahalaga yung buhay na binigay ng Diyos sayo kesa sakin. Marami pang iba diyan Zy. Mas maganda, mas mabait, mas sexy, mas hot, mas understanding, mas tatanggapin yung way ng pagmamahal mo, MAS BETTER SAKIN. Marami pa Zy, hindi lang ako yung nag-iisang femme sa mundong ito. I know, in no time makakamove on din tayo at mas magiging masaya sa piling ng iba. Hinding hindi kita makakalimutan Zy. Lahat ng memories natin together, forever kong i-checherish yun. FOREVER. Habang buhay yun magbibigay ng ngiti sa mga labi ko. Hinding hindi ko pinagsisisihan na nakilala kita at naging bf kita kahit sa sandaling panahon. Di ba nga, ang dami ko ding first time sayo? And I'll be forever thankful sayo because of that. Hindi ko alam kung matatanggap mo pa ko bilang isang kaibigan ngayon, pero hinding hindi ako mawawala. Hindi man ako meant na maging gf mo ng matagalan, pero baka I was meant to be your bestfriend forever. Forever kang magiging special sa buhay ko Zy. Alam ko kung gaano kasakit sayo to Zy, ayaw lang kita masaktan pa ng sobra sobra. Hindi ko kakayanin. I'm really sorry kung nasaktan at pinaiyak kita FOR THE VERY LAST TIME. Hayaan mo, last na naman to. Kung galit ka man sakin o sobra man kitang nasaktan, sana mailabas mo na lahat yan sa lalong madaling panahon para maging okay ka na din kagad. I'm really sorry Zy. Sincerely, I'm very sorry. Hanggang dito na lang Zy. Ikaw na bahala kung gusto mo akong i-unfriend sa FB at kalimutan at tuluyan ng mawala ako sa landas at buhay mo. Desisyon mo yan Zy. Hindi kita pipigilan, wala naman akong karapatan. Pero pangako ko sayo, kapag handa ka nang makipagbati sakin at kung handa ka ng tanggapin ako ulit maging part ng buhay mo bilang isang matalik a kaibigan, hinding hindi ako mawawala. I will always be there for you. PROMISE. Mag-iingat ka palagi Zy ha. Palagi kang kakain sa oras. Wag kang magpapagutom. Kapag basa ka ng pawis wag kang magpapatuyo ng pawis. Wag kang magpapaulan. Hilig mo pa naman mapaulan. :( Wag ka sanang magbabago. Sana habang buhay magstay yung Freizy Faith Dela Cruz Gunio na nakilala, minahal at nakasama ko. Mag-aral ka ng mabuti Zy. Promise me to become a better person, not for me but for yourself. I will always wish you happiness. MARAMING MARAMING MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT LAHAT ZY. You will always be a special part of my life Zy. Mamimiss kita ng sobra sobra. I love you. Goodbye. :'( Love lots, Jhaney Lauan


















