Madaming pagkakataon na mawawala yung âsparkâ o yung kilig sa relasyon, lalo na kung matagal na kayo. Ito ang 4 steps para mabalik yung spark sa relationship nyo.
1. Alamin ang setup niyo - magkasama ba kayo or magkahiwalay? Kung magkasama kayo, ang saya naman diba? bakit naman mawawala pa yung spark? Kung magkahiwalay kayo or hindi kayo magkasama or hindi kayo magkasama everyday, madaming paraan.
2. Communication - Isa sa pinaka-importanteng bagay sa relationship is communication. It can make or break a relationship. Ang communication, yung magttext ako tapos magrereply ka hindi yung hindi ka magbabasa o seen zone. Yung pag mag kausap kayo sa phone e siya puro tanong ikaw puro sagot. Dapat two-way ang pag-uusap.
âąMag-isip ng topic, di naman kailangan e kung anong nangyari lagi sa araw mo o araw niya. Tantanan mo niyo na din yung âkumain ka na? Ano gawa mo?â for the sake na may mapag-usapan kasi sobrang boring ng tanong na yon, para mo na din sinabi na âtinatamad ako makipagusapâ.
âąIwasan mo na yung mabababaw na topics, lawakan niyo pag-uusap niyo. tanungin mo kung anong beliefs niya sa galaxy, ano mas maganda sunrise o sunset, etc.
âąKailangan mo ng icebreaker, lalo na kung may long gap bago ka magsalita. Mag knock knock joke ka, banat, kanta ka o kahit simpleng âbaby, iloveyouâ out of nowhere, para sweet.
3. Interaction - madaming paraan para makipag-interact, kahit magkasama o magkalayo pa kayo. Kung magkasama kayo: pwede kayo mag-date, manuod ng cine, kumain sa labas o kahit manuod lang ng tv, maglaro ng video game, magluto o maghugas ng pinggan para naman mapakinabangan kayo hindi puro kalandian. Kung magkalayo naman kayo, pwede kayo mag skype, facetime or video call sa messenger--parang katulad lang ng phone call pero siyempre iba pa din yung nakikita niyo isaât isa. Pwede rin maglaro kayo ng online games na 2 player like 8 pool, tetris ganon. kahit ano para makapaglibang at mag-interact kayong dalawa.
*Always find time para mag-bonding kasi dun nabubuo ang relasyon. Kailangan mo talaga mag invest ng time. Sabi nga nila,âwalang taong sobrang busy, taong ayaw ka lang talaga bigyan ng time meron.â
4. Intimacy - pag sinabing âintimacyâ iniisip agad sex. Hindi ganon, madaming type ng intimacy. Pwedeng holding hands, kissing, hugging, cuddling pero kung wala pa kayo sa ganun na stage, pwede rin maging intimate yung words. Yung mga kakornihan niyo, pwede nyo gamitin dito. Simpleng mga bitaw ng salita pero yung seryoso at galing sa puso yun ang mas nararamdaman, mas tumatagos, mas tumatatak.
âąWag kang mag promise ng kung anu-ano, wag mong bilugin ang ulo niya kasi magmumuka siyang bola.
âąWag kang mag gawa ng mga plano para sa future niyong dalawa, baka masaktan lang kayo pag nagbreak kayo sa 23. Jk. Pero seryoso, just live in the moment.
âąAlways say âI love youâ o âMahal Kitaâ hindi para masabi lang, sabihin mo kasi yun talaga nararamdaman mo at gusto mo siyang maremind everyday na yun pa rin ang nararamdaman mo.
Ayun lang, apat na steps lang. Mahirap ba? Hindi naman diba. Pero madalas dito sumasablay, sa mga simpleng steps. Madalas kasi pinapa-kumplikado. Madalas nagpapatalo sa init ng ulo. Madalas pinagpapalit sa ibang bagay, sa dota, basketball, instagrm, twitter. Subukan mo lang tong steps naâto, sabi ng matatanda âKung ayaw may dahilan, kung gusto may paraanâ kaya tigilan mo na pagdadahilan sa gf o bf mo, di naman kailangan ng 24 oras para gawin to. Ilang oras lang sa bawat araw mo. â„