Old times
I miss the feeling of heading into the unknown, not knowing what to expect and what to see and feel.
Nate-taken for granted na lahat ngayon - to the point na kaya mo na i-google ano itsura ng pupuntahan mo, ano yung mangyayari doon at kung ano yung dadatnan mo.
Hindi katulad dati, kapag sinabi ng Tita o ng magulang mo na pupunta kayo ng Enchanted Kingdom, tapos first time mo, walang google, walang pictures, yung excited ka puntahan yung isang lugar na bago para sa iyo. Tipong kahit next week pa yung alis ninyo, nagde-day dream ka na ng ano itsura ng Ferris Wheel, roller coaster, at kung anu-ano pa.
O kahit na ano, kainan na hindi mo pa alam kung saan, tourist spot na hindi mo pa nakikita sa larawan, nadidinig mo lang sa mga pinsan at mga kapitbahay mo: "Uy! Ang ganda sa Boracay! Ang pino ng buhangin sa beach, puti pa tapos hindi mabato!"
Ngayon kasi, nase-search mo na lahat. Makikita na ng mata mo sa cellphone o sa computer kung ano ang itsura ng Boracay.
Kahit nga yung simpleng kainan o restaurant; ano ang menu, ano ang ambiance, mahal ba doon o mura? Noon, talagang pag napagusapan ninyo na kakain kayo don sa malayo, maeexcite ka. Wala kang ine-expect na kahit na ano, makakain ka lang sa malayo - masarap o hindi, mura o mahal, maganda yung paligid o hindi mo trip.
Gusto mo pumunta ng Japan? Dati, alam mo lang yung Mount Fuji dahil sa mga books noon sa school. Kaya pangarap mo na pumunta doon para makita mo ng personal. Ngayon, i-goo-google mo nalang.
Rome. Pangarap ko puntahan simula pa noong bata pa lamang ako. Until now, hindi ko maalis sa isip ko na someday soon, pupuntahan ko yon - kahit abutin ako ng 50 years para magipon. At until now, surprisingly, hindi ko ginu-google. Kasi gusto ko padin maging sabik. Gusto ko padin maramdaman na maging isang bata.
Noon, ang astig lang tignan na dadalhin ka ng mga tao doon sa paroroonan mo kasi nakapunta na sila doon at gusto nilang makita mo din ang nakita nila. Sabik sila para din saiyo.
Ngayon, google mo lang - makakapunta ka na. Wala na yung "human part" din - magtatanong sa nasa kalsada, "Manong/Ate, saan po yung daan papuntang ...."
Noon, wala kang alam sa puputahan. Excited ka lang.
Ngayon, alam mo na yung pupuntahan kaya walang kalatoy-latoy yung emosyon.
Taken for granted literal. Everything is in the palm of your hand, ika nga nila.
Hay buhay, masyado ka nang advance. Ibalik mo yung kamusmusan ng tao. Ibalik mo yung mabagal na takbo.















