Ang Kabastusan ng mga Filipino
Ang kabastusan ng mga Filipino na likha ni Isagani R. Cruz ay likhang tumatalakay at umaatake sa tinatawag na Popular Culture na dumidikta sa mga masa. Mapa sikolohiyal man o ekonomikal. Sa tekstong ito inilahad ang uri ng popular culture na ating maaaninag sa kasalukuyang sibilisasyon. Mga paniniwalang patuloy na tinatangkilik pa rin ng mga masa hanggang ngayon.
Sa pamamagitan ng pag-susuri, isa sa ating mahihinuha na isa popular culture o kabastusan ng mga Filipino ay ang maka-mayamang kultura. Mga tanong utak burgis na mapang api sa mahihirap. Ang ating mga manggagawa na silang nasa laylayan ng lipunan at tila isa lamang kasangkapan para sa mga nakatataas. Ito ang itinatatak sa ating mga kokote ng popular culture. Mga teleseryeng iyong napanonood ay inihihimlay sa iyong utak na ganito dapat ang mga nasa laylayan. Mga madudumi, mga pabigat, dapat inaapi. Araw- araw natin itong nakikita kaya’t si Pedro sa masa ay tila ba nagiging utak burgis na. Dahil ito ang uso tamang sabay lang sa alon sina totoy at nene sa idinidikta ng nakararami. Tila ba mga robot na naghihintay lang ng utos ng kanilang mga amo.
Nabanggit din sa teksto ay ang patriarchal na pagtrato sa mga kababaihan. Hindi pantay na pagtrato sa salungat na kasarian. Ang mga pang-aabuso sa mga kababaihan mapa pisikal man o sekswal ay hindi na bagong kanta sa pilipinas. Miski nga panggagahasa sa mga kababaihan ay normal ng balita na sadyang nakababahala. Ang pilipinas ay ukiikot sa makalalakeng kultura kahit nga mga bata palang ay naisasabuhay na ito. Sa tuwing mag-lalaro ang mga bata eh tatawaging bading ang kalaro nang walang dahilan eh.
Sa panahon ngayon, marami ng bumoboses na kababaihan sa para sa kanilang mga karapatan, ngunit medyo malayo pa ang dapat nilang tahakin para tuluyang mapabagsak ang patriyarkal na uri ng lipunan. Hanggat wala pa tayo sa katayuang ito nararapat lamang galangin at bigyan nang pantay na pagtrato ang mga kababaihan bilang isang taong nakaaalam ng kamalian ng sistema.












