ADULTING TIPS 101
Eto para sa mga bagong graduate d'yan at sa mga maglala-land sa first job nila.
1. Kada sasahod kayo iparte-parte niyo yung sahod niyo at simulan niyo bumuo ng emergency funds (6 months [or more] of your basic salary). Para kung sakaling magkatanggalan sa trabaho ng hindi inaasahan, eh masu-survive niyo pa rin yung ilang buwan niyong unemployed hanggang sa makahanap kayo ng bagong work.
2. Matuto rin kayo gumawa ng savings account sa mga high interest digital banks like Maribank at Maya. Kung kaya niyo rin mag-save sa MP2, much better! Para kung sakaling gusto niyo na mag-settle down ng magiging partner niyo in the future, at least confident ka kasi may ipon ka.
4. Kung kaya na rin ng sahod mo mag-invest sa gold, gawin mo! Mag-invest ka sa gold kasi ang gold habang tumatagal, lalo lumalaki ang interest. Kung magka-gipitan man at least may gold ka na pwede mong isangla or ibenta.
5. Kung kaya ng sahod mo, kuha ka na rin ng life insurance. H'wag naman sana ano. Hindi kasi natin masasabi ang aksidente. Alam mo na—weather-weather lang.
6. Pero syempre, h'wag mo naman pabayaan sarili mo. I-treat mo rin sarili mo minsan basta h'wag na h'wag mo gagalawin ang life savings mo at emergency funds mo kasi hindi naman yun nakalaan para doon.
7. H'wag na h'wag kang magta-try mag-sugal. Baka sa una ipapatikim lang sa'yo niyan ang panalo. Hanggang unti-unti ka niyang ubusin. Kaka-"bawi" mo, magalaw mo pa ipon mo at magka-utang-utang ka na. Any forms of gambling—hard pass!
8. Get a credit card yung walang annual fee. Always use your credit card to earn points tapos ipunin niyo lang. Magagamit niyo yun in the future to redeem some rewards. The higher the bill, more points ang maiipon niyo.
9. Ingatan niyo ang credit score niyo para madali kayong ma-approve sa mga loan application niyo lalo na sa bank loan. Maintain a good credit score by always clearing your debts. Yung Shopee Pay Later niyo? Yung Tiktok Pay Later niyo? Bayaran niyo siya lagi on time!
















