Vision

titsay

roma★
Cosmic Funnies
YOU ARE THE REASON
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
we're not kids anymore.

shark vs the universe
🪼
tumblr dot com
styofa doing anything
i don't do bad sauce passes
Keni
Peter Solarz
Stranger Things
KIROKAZE
Today's Document

No title available
Game of Thrones Daily

Kaledo Art
Three Goblin Art

seen from United States
seen from Türkiye

seen from United Arab Emirates
seen from Germany
seen from Canada

seen from Türkiye
seen from Japan

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from South Africa

seen from Germany

seen from Germany
seen from United States
seen from Malaysia
seen from United States

seen from Indonesia

seen from Denmark

seen from Germany

seen from South Africa
@jovellvg
Vision
I miss being me.
I pray na lahat ng bigat na nararamdaman ko pati ng ibang tao ay kunin na ng Panginoon. Ang hirap!
Last year was the campus leaders rev 2020. Ako pa ang youth leader nun. Ngayon, naiba na mundo. Am I still confuse kung saan ako papunta?
Life is so uncertain.
I am so down because of my frustrations in life. Nawawalan na ako ng gana sa buhay. Ayoko ng makipag-usap sa churchmates, sa in-laws ko, pati na sa asawa ko.
Today, pumunta ako sa site, dito sa isang condo bldg sa Mandaluyong. As usual, nakipagkwentuhan ako sa kanila (sa mga security officers dito sa bldg). Kinumusta ko sila lahat. Tinanong ko kung wala bang nagkakacovid sa kanila. Wala naman daw, ang sabi nila, pero namatayan sila ng kasamahan. Noong Sabado lang. Cardiac arrest daw. Tinanong ko sila kung nakita ko na yun. Nakita ko na daw sya. Bigla na lang daw natumba sa upuan nya. Tinignan ko pa yung org chart nila para icheck kung nakita ko na ba sya. Di ko sya matandaan. Baka nga. Pinakita nila sa akin yung mismong video nung pagkabagsak nya. Nakakagulat.
Nadala naman daw sa ospital, narevive pero kinabukasan, namatay na din sya. Nakakalungkot lang. Ang bilis ng buhay. Ano bang dahilan ko pa para di magpatuloy na lumaban sa buhay. Mahirap pero kailangan kong kayanin. Maraming tao ang gusto pang mabuhay pero di na nila kaya. Ako iting kayang kaya ko pang mabuhay, bakit ko aayawan?
I had a rough day today. Dahil holiday ngayon dito sa Pilipinas, nasa bahay lang ako maghapon. Nakatulog ng mahaba, nakapagpahinga naman ng maayos. Di din ako ginutom, nakabawi naman kahit papaano. Pero di ako masaya. Mabigat pakiramdam ko. Nagpa-pile up ang mga bigat na nararamdaman. Umiyak. May nakakausap kaso limitado. Rejected. Ignored. Disappointed. Sabi ni AJ, magpray lang daw ako. I did. I am begging God to change me. I know He loves me. Baka ako lang ang umiignore at nambabalewala. Pakiramdam ko walang nakkaintindi sa akin. Walang may pakialam. Walang may care. People only send messages kapag ako nauunang magmessage sa kanila. Ako laging nangungumusta. Ako ang laging nagcocomfort. Ako ang madalas na dapat may care. Paano naman ako? Di ba ako nadodown? Di ba ako nagsa-struggle? Hindi ba ako nangangailangan ng atensyon at pansin? Baka kasi akala nila ok lang ako. Kaya walang may pakialam. Kbye.
Anong mundo ang dadatnan ng mga magiging anak natin?
Its been 69 days mula nung umalis ang asawa ko. Ito na ang pinakamatagal na 2 months ng buhay ko. Nakakainip, nakakalungkot, nakakaiyak na nakakasabik ang mga araw na magkikita kami ulit at magkakasama. Sa sitwasyon ng bansa ngayon na lahat ng mga darating na OFW ay kailangan pang mag-quarantine ng at least 10 days, matatagalan pa ulit bago kami magkita. September 25th is the earliest possible date na magkikita na kami ulit.
Gayunpaman, alam kong darating yung araw na hindi na namin kailangang magkalayo dahil lng sa trabaho. Bibigyan kami ng Panginoon ng source of income na hindi na namin kailangang pumunta ng maynila at ibang bansa para matugunan ang lahat ng pangangailangan namin. Mabuti ang Diyos. Faithful Siya. Gusto naming mag-asawa na makapaglingkod sa Panginoon ng magkasama at bumuo ng pamilya nang magkasama. Gusto naming tumulong sa ibang mga kabataan na ilalagay ng Panginoon sa buhay namin. Kaya naniniwala ako na ibibigay ng Panginoon ang mga dalangin namin. Gusto namin itong matanggap para din sa kapurihan Nya at lalo pang mapalaganap ang Salita Nya sa iba.
I came across this passage tonight in Isaiah 54:5, "For your husband is your Maker, Whose name is the Lord of hosts; And your Redeemer is the Holy One of Israel, Who is called the God of all the earth." I remembered the story of Ruth when Boaz redeemed her. I don't understand what redeemer means up to this day so I browsed the internet to enlighten myself.
Goel (Hebrew: גואל, lit. "redeemer"), in the Hebrew Bible and the rabbinical tradition, is a person who, as the nearest relative of another, is charged with the duty of restoring the rights of another and avenging his wrongs. One duty of the goel was to redeem (purchase back) a relative who had been sold into slavery. (via Wikipedia)
Jesus is our redeemer. He bought us back from slavery. I just thank God that if He didn't redeem us, we will still be in sin right now and our destiny will be straight to hell.
Thank You, Jesus, for the hope and redemption that You gave us. Glory to God in the highest!
My roommate get mad at me. Akala ko for no reason, mayroon palang dahilan ang pag-aalburoto ng bulkan kanina. I became insensitive sa feelings nya. Akala ko ok lang yung mga biro ko o yung mga bagay na sinasabi ko na wala namang malalim na meaning sa akin, mayroon palang issue sa kanya yun. Yung pagtawa ko habang nagwawalis sya, minasama nya. Parang ipinararating ko daw na noon lang sya nagwalis. Noong minsang may itinapon syang munggo na punong puno ng ipis, sinabi ko sa kanya na tinapon ko na yung mismong basurahan kasi nga pati pagkain nya ay dinadapuan na ng ipis. Yung mga simpleng bagay sa akin, hindi pala simple sa kanya. Lesson learned. Hindi ko pa talaga lubusang kilala yung tao kaya di ako dapat laging feeling close. I should know my limits. I said sorry kasi aminado naman akong naging insensitive ako sa part na yun. At the end of the day, naayos naman na yung gusot. Nangatog talaga ako kanina nung bigla na lang nya akong sinabihan ng "Ikaw Jovs, may issue ka ba sa akin?!" Hehehehe. Okay na 'yun. Ang mahalaga ay naayos naman na yung problema and I will not do it again. :)
1st time magdrive sa Metro Manila. 🥰
Nakakatuwa. From 80kg, 74kg na lang ako today. :) Push pa. Kaya to.
Gusto kong mabati na ng Happy Father's Day ang asawa ko next year. God, you know my heart.
One of my dream is to have a business on our own so that my husband and I don't need to go overseas (for him) and to the city (for me). I want us to be together always, creating more memories that we can share our children and our grandchildren.
In exactly one month from now, it will be our 2nd anniversary. I am blessed because of you, Love. Ang dami na nating pinagdaanan, hirap at saya, at I am so proud of what you've become and what kind of person you will be. Kahit na magkalayo tayo sa ngayon, I will always be here for you, to listen to you, to love and support you all the way. Aabutin natin kasama si God ang lahat ng inilaan na Nya para sa atin. I can't imagine my future without you in it. Excited na ako sa mga bukas na lagi kang kasama. I love you, My God's Best. ❤️
Ang dami kong pangarap. Ang dami kong gustong gawin. Pero ang tanong kasi, iyon ba ang gusto ng Lord na gawin ko? Iyon ba ang pangarap/plano Nya sa akin? Matutong makinig, matutong sumunod.
Tandaan mo itong araw na ito. Ito yung araw na na-zero ka. Umasa ka lang lagi sa Panginoon. In riches and in poverty, God is still God.