To the next person I fall in love with,
wow i am so sorry
Yep, so sorry
Sade Olutola

JBB: An Artblog!
Game of Thrones Daily

if i look back, i am lost

Janaina Medeiros
No title available

oozey mess
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
macklin celebrini has autism
Not today Justin
Cosimo Galluzzi

Discoholic 🪩
todays bird

tannertan36
styofa doing anything
we're not kids anymore.
Claire Keane
Sweet Seals For You, Always
d e v o n
NASA

seen from United States

seen from Brazil
seen from Uzbekistan

seen from United Kingdom
seen from Germany
seen from United States
seen from France

seen from Brazil

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
@jowanderer-blog
To the next person I fall in love with,
wow i am so sorry
Yep, so sorry
Ngano mag stay pa man?
Ingun sila ang relasyon murag bubble gum Sugod ra tam-is, pagkaulahi, ikaw tagam. Pero ngano usapon pagyud ug padayon? Nga pwede naman ang relasyon ipahulayng dayon? Tungod gyud na anang gugma ba. Mga pakilig kilig kuno sauna. Sauna gyud diay, SA UNA. Sa sugod ra, starting ra. Nya ganahan diay ka ana? "Okay ra, love man" ana pa sila. Sus! Ka gugmaan sa bata! Pero siya? Gugmaan pud nimo kaha? "Sige lang. Basta kami mulahutay." Ahhhhh. Lahutay, Magbulag man gani nang nilahutay ug dugay nga bana'g asawa, Kamo pa nga mag uyab ra. Wait murag bitter ra kayo ko. Sige, let's say gugmaan sad kaayo siya nimo, Wala lang kaayo niya mapakita, Kay siguro dili showy siya. Unsa pay point kung ingun ana? Love is a feeling nga di masabtan, So what is love kung di niya maparamdam sa imuha? Feeling nga diba, so dapat iparamdam. Ay wait! Naa diay tuod siyay maparamdam nimo oyy, Mga kasakit nga tagos pa taman sa imung kulamoy. Mga kasakit sa di pagparamdam niya, Mga kasakit sa iyang 'I Love You' nga storya ra, Mga kasakit sa iyang pag biya, Samot pag kasakit kay gibalikan ka niya, Mga kasakit nga dugay na gyud nimong ginaagwanta. Kay love lagi, love man gyud. Tinuod gyud. Pero hantod kanus-a? Taman asa nimo makaya? Sa kadaghag pangutana sa huna2 Sa isa ragyud ka pangutana ang balikan, Ngano mag stay pa man? Lahi lahig sakit, Lahi lahig rason. Isa ra ang buhaton, Muhigugma gihapon. Kay sa gugma walay dili masakitan. So ikaw, ngano mag stay pa man?
Destinasyon
Basang-basa, halos hindi makakita dahil sa walang tigil na pagpatak ng tubig mula sa aking pilik-mata. Ngayon lang din nawari na hindi ko pala alam ang dahilan ng aking sitwasyon ngayon. Wala akong ibang nakikita, kundi mga daan na pasikot-sikot. Gusto kong iangat ang aking mga paa upang ako ay gumalaw mula sa aking pinaroroonan. Ngunit sa aking unang hakbang, tsaka lang nawari na hindi pala alam kung saang daan ang tatahakin. Sa aking isipan, "Bahala na". Sa pagtapak ng aking pangalawang hakbang. Tila hindi na makahinga sa hindi mawaring dahilan, maaaring dahil sa tubig? Unti-unting may nakikitang liwanag, at parang hugis na gumagalaw sa aking harapan. Tao? Parang hindi. Nang tuluyan nang luminaw ang nakikita, tsaka lang napagtanto na si Jasper pala. Ang aming napakalikot at minsan nakakairitang aso. Basang-basa na pala ako sa kakadila niya sa aking mukha. Palagi niya akong ginigising araw-araw pero ngayon lang ako matagal nagising. Malamang dahil sa matagal ako natulog kagabi dahil sa Papel Pananaliksik naming na kinailangan kong tapusin kagabi. Tumahol na si Jasper na nakapagpagulat sa akin na siya ring dahilan na naalala kong Lunes nga pala ngayon. Dali-dali akong tumayo sabay punas sa aking ngayo'y malagkit nang mukha. Tumakbo na si Jasper papalabas ng kwarto na tila may dapat siyang puntahan pagkatapos niya kong gisingin. Buti pa siya, alam niya kung saan siya patungo. Inalis ko na ang aking nalihis na isipan at kinuha na ang aking tuwalya patungo sa banyo upang maligo. Bago tuluyang isinara ang pinto, nahagip ng aking mata ang orasan sa sala na nagpapakitang alas sais na pala. Mahuhuli na ako. Nang tuluyan nang maisara ang pinto ng banyo, sa likod nito, may nakita akong mga langgam na nakapila'ng tila mga sundalo. Saan kaya sila patungo? Alam kaya nila ang kanilang dinadaanan? Pinisil ko ng aking daliri ang isang bahagi ng kanilang linya at sila lahat nagsitakbuhan papalayo sa kanilang linya. Nagulat ako dahil kinatok ng malakas ng aking kapatid ang pinto. Dali akong nagbuhos ng tubig sa aking sarili at naligo na ng tuluyan. Pagkatapos kong maligo, napansin ko bago ako lumabas ay muling naayos ang linya ng mga langgam at nagpatuloy sa kanilang landas na aking inabala kanina lamang. Hindi ko na masyado naobserba dahil kumatok na naman ulit ang aking kapatid dahil siya ang susunod na maliligo.
Nagbihis, kumain at lumisan na ako sa bahay. Bago lumabas, alas sais i-medya ang sabi ng orasan. Nagsimula na akong maglakad patungo sa iskwelahan. Dahil malapit lang ang aming bahay at pwede lang lakarin. Habang naglalakad, bumalik ang aking pag-iisip sa mga langgam at kay Jasper na parehong aking pinangingimbuluhan sapagkat tila dalubhasa na sila sa kanilang mga dinadaanan. Agos ng ilog aking naririnig. Oo nga pala, nandito na ako sa tulay, hindi ko na namalayan dahil sa labis na pag-iisip. Napatalon ako sa tunog ng isang palaka na muntikan ko ng maapakan sa aking daanan. Lumingon ako sa ilog, nandoon ang ibang mga palaka, kasama niya siguro. Nawawala siguro siya, o tinahak lang niya ang ibang daan dahil sa kanyang pagka mausisa, o baka dahil sa kanyang kagustuhan lamang. Ang tapang niya pala, kahit di niya alam ang kahihinatnan niya sa daang kanyang tinahak, patuloy pa rin siya, siguro dahil sa isang hindi na matatawarang tunguhin sa buhay. Inangat ko na ang aking paa at humakbang ng malaki upang hindi ko siya maapakan. Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad. Sa pagpapatuloy ko sa kalyeng dinadaanan, aking nahulo na may pigura na sa pagpapatuloy ng aking pagtahak sa daan, lumalaki. Nang ito’y naging malinaw, ito pala’y aking kaibigan na hinihintay ako. Si Shane na madalas kong kasabay tuwing umaga papuntang eskwelahan. Hindi man kami magkaklase pero masasabi kong magkalapit kami. Talagang hinintay niya ako, kahit medyo huli na kami para sa seremonya ng pagpapatas ng bandila. Lunes kasi eh. Nang maabutan ko na siya sa kaniyang kinaroroonan, nagpalitan agad kami ng mga karaniwang pagbati naming tuwing nagkakasabay kami. Sa daming beses na naming naglakad nang sabay, ang palagi niyang bukambibig sa akin ay gusto niya talagang magpatayo ng negosyo balang araw. Isipin mo mula elementary palagi na kaming magkasabay, at mula pa rin elementary niya bukambibig ang pagiging doctor. Buti pa si Shane, napakalinaw ng kanyang layunin sa buhay mula pagkabata pa. Samantalang ako, parang bala ng isang lasing na may baril. Sa oras na kalabitan niya ang kanyang baril, ako ay magiging ligaw na bala na walang patutunguhan sa buhay dahil sa malabong tunguhin ng lasing na nagpaputok ng kanyang baril. Nalilito na ako, sa mga diwang paikot-ikot sa aking isipan. Nalulunod ako sa umaapaw na pagkabahala ko sa lahat ng bagay. Sa aming pasulit mamaya, sa aming presentasyon sa PE sa makalawa, sa babayarin naming sa bahay, sa depresyon na maaaring dinadanas ng aking ina ngayon, sa aking hinaharap. Hindi ko na nabatid na nagpapahayag na naman pala si Shane tungkol sa mga maaring gusto niyang ipatayong mga negosyo. Napansin niya ang pagka walang malay ko sa kanyang mga pinag sasabi. Nawari niyang napakalalim ng aking iniisip at binatukan ako sapagkat eto na naman daw ako, palaging nag-aalala sa mga bagay-bagay na kahit hindi naman kailangan pag alalahan. Kaya ayun, tumawa nalang kaming dalawa sabay ganti ng batok sa kanya. Pagdating naming sa eskwelahan, malapit nang magsimula ang seremonya kaya paunahan kaming tumakbo patungo sa aming mga kani-kaniyang mga linya.
Sa seremonya, nagmamasid ako sa lahat ng estudyante na naririto. Mayroong mga may bitbit na mga photocopy, nag-aaral siguro para sa pasulit na unang asignatura siguro. Mayroong tutok na tutok sa kanyang telepono sabay ngiti, nagbabasa siguro ng wattpad at kung ano pa iyan. Mayroong mga grupo ng magbabarkada na labis ang tawa tungkol sa isang bagay na sinabi ng isa nilang kasama. Sa sandaling pagmamasid ko, aking napagtanto na lahat pala tayo ay hindi alam kung anong kahihinatnan natin sa hinaharap. Lahat tayo bulag na tinatalima ang daang madilim at hindi pamilyar sa atin. Tungkulin lang natin na paliwanagin ang daang ating tatahakin sa pamamagitan ng mga tao sa ating buhay at ating mga pangarap sa buhay na magiging gabay natin sa ating paglalakbay patungo sa ating destinasyon dito sa walang habag na mundong ito.
JOIN THE INTROVERT NATION MOVEMENT