Natanggap ako sa scolarship this SY :') small wins yahu

Discoholic 🪩
Today's Document

shark vs the universe
No title available
No title available

Origami Around
will byers stan first human second
Misplaced Lens Cap
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

Andulka
Noah Kahan
occasionally subtle
TVSTRANGERTHINGS
KIROKAZE
tumblr dot com
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

Janaina Medeiros
Cosimo Galluzzi
Game of Thrones Daily
he wasn't even looking at me and he found me
seen from Canada

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from Australia

seen from TĂĽrkiye

seen from Malaysia

seen from United States

seen from TĂĽrkiye
seen from United States

seen from Russia

seen from United States

seen from TĂĽrkiye
seen from Australia

seen from Belarus

seen from Singapore

seen from United States
@juanamagsaysay
Natanggap ako sa scolarship this SY :') small wins yahu
TW: death
It's my lola's death anniversary today. Ang bilis ng panahon, naaalala ko pa pano humagulgol si mama nung nalaman niya na mukhang di na kakayanin ni nanay. Nasa US siya tapos kami nandito sa Pilipinas. Nag-positive siya sa COVID, gumaling, pero hindi na kinaya ng katawan niya yung complications. She was supposed to be transferred to another hospital pero ayaw niya na.
Si mama dapat pupunta pa ng US non, pero yung mga uncle ko sinabi na 'wag na kasi graduation ko rin non ng August 31.
Nung pinadala dito yung mga natirang gamit niya, naiyak ako kasi meron siyang greeting card ng "Congratulations Batch 2022", pero hindi niya na nasulatan. Si nanay super hilig niya magpadala ng letter, new year, birthday, saka pag mga special occasion. So ayun, alam ko na para sakin yung greeting card kasi sa aming mga apo niya ako lang din naman yung pa-graduate non.
Sayang lang kasi hindi ko na nalaman kung ano sana yung isusulat niya dun sa greeting card. Pero sana proud siya sa akin :)
Narealize ko lang, sobrang suppressed nung feelings ko last year kasi ayoko rin makita ako ng nanay ko na umiiyak hahaha pero tuwing mag-isa ako sa kwarto ko dun ko binubuhos lahat.
Nakaka-miss si nanay. Sabi ko pa naman pagka-graduate ko ng med gusto ko siya bisitahin ulit sa US, di ko na pala magagawa.
Hug your lolas for me! Cherish every moment with them, tumatanda tayo pero mas tumatanda sila. May nabasa ako dati, "Time is a thief. As we feast on time, it feast on us."
Gusto kong matutong mag-spanish, may app na ako sa phone nung basic spanish pero hindi ko naman matutukan kasi busy sa school T__T
05/07/23
Rant lang.
Frustrated na ako sa neuroanatomy :’( grabe, habang nag-aaral feeling ko ginagaslight ko na lang yung sarili ko HAHAHAHA. Love-hate relationship kasi super interesting and fulfilling kapag nagets mo pero nakakahilo :(((
SANA MAGING MAAYOS EXAM KO BUKAS PLEASE KASI KAKAIN KAMI NINA NELLENE AND JULIANNE BUKAS TAPOS HINDI KO ALAM KUNG DESERVE KO BA AHAHAHAHA. Hindi na nga ako nagcheck-out nung 5.5 kasi feeling ko wala pa akong nagagawang matino sa buhay ko :) :) :)
04/22/23
Bago ako mag-aral ng anatomy, gusto ko lang ilagay dito yung small win ko this week. Nung wednesday, nirelease yung pre-final grade namin sa biochem and medyo di ko inexpect yung grade ko HAHAHAHA (naka-line of 9 ako). Consistent na 88 yung grade ko don kaya nagulat ako nung nag line of 9 yung pre-final grade ko. Tapos sabi ni Kang pagkakita niya (alam niya student number ko), “grabe nads lumalabas pagiging cum laude mo” HAHAHAHAHA, natawa rin ako kasi unexpected talaga. Kahit na BS Biochem undergrad ko, nakakahilo na siya pag may kasamang clinical correlations. Nakakatuwa rin na lahat kaming magt-tropa maayos grade sa biochem, bawas na ng isang subject pproblemahin ko, anatomy na lang talaga sakit ko sa ulo ngayon HAHAHAHA good luck to meÂ
04/12/23
Ola! <3 I just turned 22 today :) I wasn’t able to really celebrate my birthday kasi may exam ako bukas, so I just studied the whole day. I am looking forward to Sunday since yun yung magiging free time ko to celebrate my birthday with my parents.Â
Appreciation post din to my friends who remembered my special day, two consecutive years na akong hindi nakakapag-celebrate sa mismong birthday ko dahil laging may exam, kaya masaya ako makabasa ng birthday greetings. At the same time, dahil two years na akong nage-exam nang ganitong panahon, nakikita ko growth ko sa career kasi last year, biochem exam yung tinake ko, bukas naman, evals naman sa medicine HAHAHAHAÂ
Today is a good day kahit papano, nagkulong lang talaga ako sa kwarto para mag-aral pero as an introvert, it’s just the perfect way to spend your birthday hahaha, at least for me.
I will kind of celebrate it tomorrow with my friends, free food na raw ako bukas since birthday ko naman ngayon, celeb na rin kasi tapos na ulit kami ng isang module ahahaha
Less than two months na lang then tapos na ako ng first year medicine, time flies! :)Â
Adios~
01.10.23
Ola! Happy new year! <3 Sana masarap ulam niyo nung media noche at sana naging masaya ang pagsalubong niyo nung bagong taon! :) Ang daming nangyari pagkatapos nung last kong enter dito, hindi ko alam kung paano ko ire-rate yung mga natirang buwan ng 2022 starting from September, pero naging okay naman ata? May phase ako na nagkulong sa dorm dahil wala akong maramdaman, nag-worry yung mga kaibigan ko pero nag-sorry na lang ako pagkatapos kasi hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin HAHAHA
Nakatapos na ako ng 1st sem sa Medicine, kinakaya ko pa naman hanggang ngayon, minsan may mga araw talaga na parang ayaw kong kumilos at gusto na lang magpahingang mag-aral, ang kaibahan lang ngayon, ina-acknowledge ko yung pakiramdam na yon at wala talaga akong ginagawa. My younger self would be in panic, pero natutunan ko na importanteng magpahinga kung ayaw mong ma-burnout.Â
Ngayong 2023, gusto kong magkaron ng maraming core memories para masaya ko siyang aalalahanin at babalikan sa susunod na taon, 22 na ako this year, kaya sana magawa ko yung mga nasa bucket list ko for 2023 hehe
Ayun lang, back to regular programming na naman tayo! Hahahahaha
08.29.22
Ola! Ang tagal ko ulit nawala, sobrang daming ganap nung July, pero after finals, nag-adik lang ako sa stranger things tapos ayun nagtulog lang ako nang nagtulog. HAHAHA. Nag-ayos din ako ng medicine so ayun guys official na, med student na ako! yaaaay
Napa-open ako tumblr kasi study break ko, pangalawang evals na namin bukas, tapos sa wednesday g-graduate na ako as a biochem student. Ang bilis ng araw! Parang di ko namamalayan, siguro kasi marami ring ginagawa at iniisip.Â
Sana okay lang kayo, and mag-iingat kayo parati, nakakatakot panahon ngayon parang ang daming nadudukutan saka nakikidnap huhu nung isang beses may na-biktima sa amin ng riding in tandem :( malapit pa naman sa dorm ko.
Inom din kayo vitamins kung mahina ang resistensya, kung ayaw niyo vitamins kumain kayo maraming gulay at mag-prutas din. Kakaiba panahon ngayon kala mo may mood swings lagi HAHAHAHA
Kakamiss mag-enter dito pero laging busy hindi ko maikwento lahat HAHAHA minsan lumilipas na lang yung masasayang araw na hindi ko nai-document nang mahaba pero sige core memory naman yun, etched naman siguro siya sa utak ko hehe
Sana okay lang kayo in general! Adiooos~
06.26.22
Olaaaa~ Life update dahil sobrang naging busy ako hahaha. June was hardcore. Ito na ata yung month na ang dami kong ginawa/na-accomplish. Yung first and last week ng June chill lang, pero yung everything in between, napakaraming ginawa.Â
Start sa week ng June 6, naging busy kasi may Long Exam 2 sa Histology, kasabay non yung limang quiz na tinake namin nang sabay-sabay :D
Weekends, lumabas na yung midterm grades, natuwa naman ako kasi nakita ko yung magandang resulta hahahaha
Week ng June 13, every other day akong nasa school gawa ng lab workshop. Masaya naman tong week na to, kahit super nakakapagod dahil hindi ako nadodorm at nakakapagod magcommute. Kasabay nito, nagfinalize kami ng manuscript at thesis powerpoint kasi yung sumunod na week, thesis defense naman hahahaha
June 20, nasa school na naman ako ng Monday, Wednesday, and Thursday. Practice ng defense na f2f, thesis defense ng Wednesday, NA PUMASA NAMAN AWA NG DIYOS WALANG REDEFENSE NA MAGAGANAP HAHAHAHA. Tapos same day, natanggap ko acceptance letter ko sa HSI CM T_T Grabe sobrang nagsabay yung saya ko ng Wednesday hahahaha. Thursday, exam naman sa immunology.
Nung weekends nagtulog lang ako, ito yung tulog ko na kahit lagpas 8hrs na kong tulog di pa rin ako nagigising hahahahaha. Ang sarap magbawi ng pahinga. Deserve din naman, and last 3 weeks na lang, for sure sobrang busy na naman gawa ng finals.Â
Konti na lang ggraduate na ako AAAAAAAA adios~
06.14.22
Olaaaaa! Life update, I was able to see my midterm grades yesterday, and I must say na hard work really pays off. :) I was satisfied with my grades, except siguro sa histology, pero I was surprise na ganon pa yung grade ko since nage-expect ako ng mas mababa since hindi ko nakita yung result ng 2nd exam and I don’t know if I did well or not hahahahahaha
I also got my target grade so kailangan ko na lang i-maintain sa finals para umabot ako ng latin honors HAHAHAHA
5 weeks left and I will be finished with college, feel ko maiiyak ako kasi at last tapos na yung pagod ko T___T Pero at the same time I can’t believe na med school na yung sunod. One step closer to my dream!!! <3
I hope you guys are generally okay, sana masarap ang ulam niyo parati! :)
Adios!
05.25.22
Ola! My pharma exam went well, tho wala pa results pero medj confident naman ako HAHAHAHA.
ANG HIRAP ARALIN NG IMMUNOLOGY T_______T nakakaiyak pa kasi hapon exam namin ng pharma tapos kinabukasan ang aga ng exam sa immuno so sobrang cram ng aral naming lahat, tapos ang dami pang cascades naiiyak na ako jusko po
Sana talaga maging maayos din to kasi ang ayos ng 1st LE ko don huhu pls lang kailangan ko mapataas midterms para pag nawalan na ko ng motibasyon sa finals ok lang HAHAHA
Goodluck to me, and sana okay kayong lahat! :D
Adios~
05.23.22
Olaaa~ Update sa Histo exam ko, pang third ako sa top scorers HAHAHAHA, nag pay-off naman yung aral ko don, and ngayon, pharmacology naman inaaral ko dahil yes po opo, may exam ulit ako bukas. Balik na naman ako sa pagka-kape. Tapos sa wed naman, immunology naman exam, so may pasok ulit.
Nakakapagod pero around 50 days na lang ako magtitiis then tapos na. Paulit-ulit kong sinasabi na sana wag akong mawalan ngayon ng motivation kasi hinahabol ko talaga latin honors. Good luck talaga sa akin jusko.
Quick update lang kasi nag break ako tapos aral ulit, ganon naman parati hahaha. Sana okay kayong lahat! :)
Adios~
Cropped my name for privacy, I passed UERM!!! AAAAAAAAAAA. Nawala na yung kaba ko na wala akong med school this upcoming school year.
Received a text message yesterday, in the middle of our pharmacology lecture, hindi na tuloy ako naka-focus after HAHAHAHAHA
Didn’t expect that I will be eligible to continue in this school :( Thank you rin kay Doc Reyes from Biochem na nag-interview sa’kin. 1/2 na yaaaayyy
03.11.22
How are you guys? Ang daming nangyayari ngayon sa paligid, di ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Alam mo yung malungkot ka, disappointed ka, may halong galit, tbh, halo-halo na talaga. May iba ka pang iniisip, siguro yung iba sa work, ako bilang estudyante may pasok pa rin.
Alam mo yung gusto mo na lang magtago, manahimik, magkulong at matulog nang matulog, pero hindi naman hihinto ang mundo. Kailangan pa rin nating bumangon, kumayod, at magpatuloy.
Hindi ko alam kung pano ko nasurvive umattend ng klase ko ngayong araw kasi halos hatakin ko na yung sarili ko sa kama para lang bumangon. Yung prof ko nung lunes nag asynchronous na lang siya na class kasi nag health break sa college nila. Bukas, may exam ako pero hindi ko alam kung pano ko sisimulang mag-aral.
Sana sa mga susunod na araw may magandang mangyari sa bawat isa sa atin. Yakap with consent sa lahat ng makakabasa nito!
Sa ngayon, iiinom ko na lang yung nararamdaman ko. Kaso ito lang kaya ko kasi may exam bukas HAHAHAH.
Mag-iingat kayong parati. :)
Adios!
2 weeks ago, I started reading books again, and I have already finished five! And now I can’t stop reading and I need to stop (or take a break, maybe) because I have other things to do.Â
I stopped reading around when I was in 11th grade because my phone was robbed and I was in the middle of reading Harry Potter, and I remember being so upset that I had no motivation to read again.Â
I’m a college senior now and it feels good to be back.Â
Being insanely busy comes with perks. Your mind becomes less crowded. No time for useless thoughts. But why do I bother to work so hard? My body recovers after resting but my heart doesn’t.Â
Ang hirap pala kapag nakasanayan mong mag bottle up ng feelings simula bata. Tapos hindi ka sanay mag-open kahit sa mga kaibigan mo kasi ayaw mong maging burden sa kanila. Although nagkkwento naman ako kapag hindi ko na kaya, pero lahat in between nung maramdaman ko kung ano man yung nararamdaman ko hanggang dumating yung point na hindi ko na kaya, lahat naiipon lang.