Gusto kong maging financially stable. Gusto kong pumayat. Gusto ko magtake ng international exam. Gusto ko mag-abroad. Gusto ko ng farm house at ng business. Gusto kong tumakbo ng 10KM. Gusto ko na magpakasal. Gusto ko kumain ng ramen sa Japan. Yan yung mga bagay na naiisip ko kapag may free time ako or day off ko habang nakahiga sa kama at nagpapahinga. Kapag galing kasi akong hospital duty lalo na kung 12 hours parang ayaw ko mag-isip. Matic paghiga ko tulog na agad ako tapos panibagong araw na naman para magsuot ng scrubs at humarap sa mga pasyente. Manifesting na maging successful tayong lahat sa buhay.













