Pag-uugnay ng Unemployment at Reaksyon sa mga Dokumentaryo
Ang aking pinanood na dalawang bidyo ay ang I-Witness: Minsan sa isang taon” ni Kara David at ang I-Witness: “Kapit sa patalim“ ni Atom Araulo. Ang dalawang dokumentaryong ito ay patungkol sa pinagdadaan na pagtatrabaho ng ating kababayan upang sila ay magkaroon ng pangtustos sa kanilang pamilya at itong dalawang dokumentaryo ay ating iuugnay sa unemployment.
Sa dokumentaryong aking pinanood na “I-Witness: Minsan sa isang taon” doon inilahad ang pamumuhay ng pamilya ni Mang Tusan sa isang sitio sa Saranggani Province, Mindanao na kung saan ang kanilang pangkabuhayan ay ang pagtatanim at pag-aani ng mga Abaca. Ang mga Abaca ay mahirap patubuin dahil ito ay nabubuhay lamang sa malalamig at malililim na lugar at hindi lang ito mahirap patubuin mahirap din itong anihin sapagkat kakailanganin mo ng kalakasan upang maging isang sinulid ito at ang pag aani nito isang beses sa isang taon lamang at dahil isang beses lang isang taon ang kanilang anihan naapektuhan nito ang kalusugan ng pamilya ni Mang Tusan dahil wala silang ibang pagkukuhanan ng pera, at kung walang ani hindi sila nagkakapera kung kaya ang kanilang kinakain sa araw-araw ay kamote lamang o di kaya ay kamoteng kahoy. Ako ay nakaramdam ng awa dahil pana-panahon lang ang kanilang pag-aani at kakaunting pera lamang ang kanilang kikitain at ang mga bata na nakakaranas ng kulang sa nutrisyon dahil kamote lang ang kanilang kinakain kapag hindi tag-ani ng abaca at kakailanganin pa nilang maglakad ng ilang oras para lamang ibenta ang kanilang inani.
Sa dokumentaryong pinamagatang “Kapit sa Patalim” doon inilahad ang mga pinagdadaan ng maraming OFW o mga domestic worker bago sila makapagtrabaho sa ibang bansa at ang mga karanasan nila noong nakapunta sila sa ibang bansa na kahit mahirap at delikado gugustuhin nilang magtrabaho sa ibang bansa dahil mas maraming oportunidad roon at doon sila mas kikita para ipangtustos sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Ako ay sumasaludo sa mga OFW na kahit mahirap makipagsapalaran sa ibang bansa na minsan sila ay naaabuso ng kanilang amo sila ay matatag at gagawin nila ang lahat para lamang sa kanilang pamilya kaya sobrang proud ako sa mga sakripisyo na ginagawa ng mga OFW.
At aking iuugnay ang dalawang bidyo sa isyung unemployment. Sa unang dokumentaryo na “Minsan sa isang taon masasabi ko na isa itong uri ng unemployment dahil may mga panahon lamang kung kailan sila nakakapagtrabaho. At sa dokumentaryong “Kapit sa Patalim” sila ay matuturing na unemployed kahit naghahanap sila ng trabaho kaya naghahanap sila ng trabaho sa ibang bansa.









