kahapon
ikaw at ako sa ilalim ng mga bituin, magkayap, taimtim na nanalangin, pag inog ng mundo ay patigilin, nakaraan natin muling sariwain!
Show & Tell
One Nice Bug Per Day
Peter Solarz
h

Product Placement

@theartofmadeline
Cosimo Galluzzi
Keni
AnasAbdin

Origami Around
Three Goblin Art

❣ Chile in a Photography ❣
d e v o n

No title available
🪼

JVL
Stranger Things
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

Love Begins
No title available

seen from Portugal
seen from Italy
seen from Türkiye

seen from South Korea
seen from Sri Lanka

seen from Türkiye

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Indonesia
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
@kenikenkenz
kahapon
ikaw at ako sa ilalim ng mga bituin, magkayap, taimtim na nanalangin, pag inog ng mundo ay patigilin, nakaraan natin muling sariwain!
gujab!
sobrang kinikilig ako! kilig na hindi gawa ng huling patak ng ihi na salo lagi ng salawal. hindi rin dahil nagtext ang crush ko at inaming labis nia akong pinagnanasaan. kinikilig ako dahil may natanggap akong email sa aking boss at pinuri nia ang aking trabaho sa mga nakaraang buwan. ang mas astig e nakadirekta ang email sa matataas na boss dito sa opisina. hanep! ibang klase pala ang pakiramdam kapag napupuna ang pagsisikap na ginagawa mo. nakakataba ng puso kaya nahihirapan ata akong huminga ngayon. naririnig ko sa hindi kalayuan si lady gaga na kumakanta ng so happy i could die. hindi, biro lang. at dahil labis akong natuwa, gusto ko itong ipost para magsilbing paalala na mas lalo ko pang pagbutihin ang anumang ginagawa ko sa buhay. Dear Gabriele, It’s great to hear you appreciate the work of Sedny. Makes us want to work even more – in Premium Brand Style :). Sedny – keep up the excellent work! Truly you are an asset. Regards, Leah From: Gabriele Sent: Thursday, December 19, 2013 10:51 AM To: Leah Subject: GREAT JOB! Dear Managers, As everybody knows we are at the EOY and for this reason I would like to underline the excellent work that my PSR is doing in my Sub Region. When Michelle left the company Sedny took in his hand all my costumers rapidly and in a Premium Brand Style. Thanks for your support! Gabriele
fragments
we are all bits and pieces of memories, you are what you leave in that enclosed space. you are what you print in that place that beats, we are but just specks of consciousness that soon will fade.
delusion
staring at the huge space, it stared back at me. much to my surprise, it showed me what life was all about. i thought i was ready, but i was wrong somehow. couldn't face yet reality, i beg for the illusion now. here i am clinging to life, seems time is not on my side, amidst this stubborn truth, fantasy is what i needed most.
s.o.s.
you brought me to heaven, then dropped me all of a sudden. in the sea of full of whys, i sunk in oblivion.
fubu
he kissed his girl friend, it felt like heaven. she kissed her boyfriend, drowned the guilt within.
folly
hold my hand, ill take you to the moon, lets dance to the beat that goes on and on, forget your fear, never question your devotion, let go of your thoughts, to the moon we swoon!
nganga
cs11. block g. blockmates tayo nun at una pa lang ay gusto na kita, marahil mahal na kita pero di ko lang maamin sa sarili ko. pano ba naman ikaw ay may kaya, sobrang ganda na, sobrang talino pa! kaya naman madami bumubuntot at nagkakandarapa sayo pero sabi mo ako ang mahal mo. feeling pogi ako nun! pero nilamon ako ng insecurities ko e. natakot ako nun kasi pakiramdam ko di ka magiging masaya saken. pano ba naman akoy hamak na probinsyano, average looking na payatot, immature at higit sa lahat, walang pera! oo, di ko masabi sayo yun noon pero sakto lang ang baon ko, madalas kulang pa. haha! naisip ko, pano kung magdadate tayo? pano pag monthsary natin wala man lang regalo? pano kung di man lang kita malibre kahit kain tayo sa turu turo o sakay ng toki? pano kung di man lang kita matext o maemail dahil wala ako panload? blah blah blah. kaya lumayo ako sayo, tinulak nga ata kita palayo saken, badtrip talaga! anong napala ko, nganga! pero iba na ako ngayon: nagmature na ako, mas may tiwala sa sarili ko, kahit pano may nagsasabi may hitsura ako at higit sa lahat nagtatrabaho ako sa magandang kumpanya at kumikita ng sapat para bumuhay ng isang pamilya o higit pa. hindi na ako umaasa sa pamilya ko, kaya na kitang panindigan, dalhin sa san mang kainan, sa mga lugar na gusto mo puntahan, bigyan ng regalo kahit araw arawin man. sabihin na natin na halos ito na ang pinangarap kong ako na para sayo nung magsampung taon na ang nakakaraan. halos sampung taon na rin pala pero mahal pa rin kita, kahit masaya ka na sa piling ng iba..
euthanasia
kiss me again tonight, under the bright moonlight. rob from me my innocence, lead me to my sentence.
darling, lets make love, seize the moment with every puff. i beg for your caress bring me to life, my death goddess.
alapaap
humayo ka, ibuka ang mga pakpak, bagwis ay ikampay, abutin ang langit kung yun ang magpapasaya nang tunay. pangamba at takot ay isantabi pansamantala, anupat sa rurok sayoy walang gagambala.
gamu gamung ligaw
minsan akoy naligaw, napadpad sa di kilalang lugar tamang landas ay di tanaw, ngunit patuloy pa rin sa paglakbay.
binagtas ang sa mata ay daang banyaga, ibat ibang tao nakilala at nakasalamuha, doon rin ay napagtanto samut saring surpresa, na maging ang sarili hindi makapaniwala.
minsan akoy naligaw, landas na tinahak ay taliwas sa alam ng lahat, sa halip na mangamba ay nakipaglaro sa mundong makulay, ano pat sa huliy iisa rin ang hantungan tapat.
i go, U go!
halika, ikaw at ako, habang papasikat ang araw tayo ay mamundok, halika, tayo nang pumanhik at patirin ang uhaw sa pakikipagsapalaran. halika, tayo ay maglakad, tumakbo, tumawa, magalusan, madapa, bumangon, magutom, mabusog, halika, tahakin natin ang daan patungon sa dagat ng mga ulap at bukang liwayway doo'y pagmasdan, halika, makipaglaro tayo sa maririkit na diwatang nagkukubli sa mga sanga ng pinong matatayog. halika, ano pa at sarili mas nakikilala, tayo nang bumababa na baon ang hiwaga ng kalikasan, halika, araw ay papalubog habulin natin ang anino ng kinabukasang hindi maarok!
hayok
mukang nagbunga na ang mga mapupusok na gabi.. sa pakikipagniig sa kawalan, sa paglampas tatlong metrong higit pa sa kalangitan, sa pagtatangkang limutan ang nakaraan, sa pagkikipagtuos sa kasalukuyan para makatamtan ang kinabukasang walang kasiguraduhan..
tutubi
Sabado noong nakaraang linggo ay naisipan kong umuwi sa probinsya. Matagal na rin na hindi ako nakauwi at panigurado ay gusto na nila makita. Panay ang tanong nila sa mga nagdaang araw kung kailan ako uuwi kaya mabuti na rin na magpakita ako sa kanila. Pagkatapos ng trabaho ay derecho na ako sa Cubao para maaga makauwi.
Alas seis nang magising ako at bumulaga sa akin ang lugar na banyaga. Nakita ko na yun dati pero di ko mawari kung saan. Paglingon ko sa bus ay ako at isang mama na lang ang laman noon. Paglinga ko sa pagligid ay isang karatula ang nagkumpirma na lumagpas na ako sa aking babaan. Badtrip. Hindi ko kabisado ang bayan na yun at hassle na naman ang paghihintay na mapuno ang sasakyan na pabalik sa aming bayan.
Pasado alas ocho na noong nakarating ako sa bahay. Pagod sa byahe at sa trabaho pero hindi muna ako nakatulog agad. Lumamon muna ako kasi kapag umuuwi ako niluluto ni nanay ang mga paborito ko. Tinapa, kamatis na may itlog na maalat, pritong talong na may sawsawang maanghang na toyo at kalamansi, inihaw na okra na binagayan ng bagoong at siempre sariwang buko. Sa isip isip ko parang wala nang bukas. Pero lumamon ako hanggang maging bundat kasi madalang lang ang ganitong pagkain. Hindi pa man tapos kumain ay nagluluto na para sa pananghalian ng munggo, ginasang talaba, adobong pusit, at halu halong gulay na ang tawag samin ay buridibod.
Pagkakain ay lumabas ako para makibalita. Hindi ako palakwento sa bahay dahil hindi ako ako nasanay. Pahayapyaw na kwentuhan lang ang nangyai pero minabuti ko na tumambay saglit sa may duyan sa ilalim ng puno ng tsiko. Mainit na ang panahon pero taglay ng hangin ang amoy ng basang lupa dala ng mga nakaraang araw na umulan. Ang damo ay tumutubo sa harapan ng bahay at nag iimbita ng mga kulisap, paruparo at tutubi. Sa di kalayuan ay dinig ang kantyaw ng batang pinsan ko sa maliit kong pamangkin habang aktong huhuliin nia ang isang tutubi.
“Shoo shoo baliwato, han kad ta umiisbo, ta tiliwen da ta ipos mo!” *
Inis na umalis ang pamangkin ko dahil hindi nia nahuli ang tutubi dahil na rin sa pagbulabog ng isa. Napangiti na lang ako at akoy muling dinalaw ako ng aking kamusmusan.
Doon sa ilalim na sikat ng araw, dahan dahnag lalapit sa pulang tutubi. Aalisin ang tsinelas para di nito marinig ang aking paglapit, unti unting igagalaw ang kamay palapit sa buntot at pigil hiningang huhulihin ito pero sa likod ay mga kaibigan na magsasabing:
“Shoo shoo andirit Ag kad tan manisirit Ta wadtay bai apit!” *
At bago pa ako kamakurap ay nakalipad na ang tutubi na animoy narinig at naintindihan ang mga sinabi ng kaibigan. Asar na lang akong lilipat sa ibang puesto at yamot na huhulihin ang ibang tutubi kahit sabihin pa ng nanay ko na sa ilalim ng araw ako ay magkakakuto.
Napangiti ako sa alaalang ng kahapon. Napapaisip ako tuloy, walang nangyayari sa buhay ko. Pero sa pagbabalik tanaw isang sabado ng hapon, kumpirmado na sobrang dami na pala ng mga pagbabagong nangyari.
*shoo shoo, tutubi, wag ka dyan iihi, buntot moy mahuhuli!
sparks
Ayon sa sikolohiya, lahat ng takot ng tao ay nakukuha sa paligid maliban sa dalawa na ang likas na meron tayo pagkapanganak: takot sa malakas na tunog at takot mahulog.
Bang! Whooosh! Bang! At ang langit ay nagmistulang dibuho ng samut saring kulay at hugis. Animoy bumaba pansamantala ang mga tala para handugan ng isang pambihirang palabas ang mga tagalupa. At malugod namang tinaggap iyon ng mga manonood. Bawat liwanag kasabay ng isang nakabibinging pagsabog ay ngiti ang naging sukli. Walang kaba, walang takot kundi papuri at kagaanang loob ang naging dulot. Walang mapagsidlang tuwa ang mga manood, mayat maya ang “oooh!” at “whoa!” at masigabong palakpakan at hindi magkamayaw na sigawan ang tanging tugon.
Sadyang nakakatuwang manood ng palabas ng mga paputok. Kakaibang pakiramdam ang dala ng mapang akit na liwanag. Dinadala ka sa mundong walang kalungkutan, walang iyak, walang dalamhati. Ngiti, halakhak, sigaw ng paghanga at purong kaligayahan.
Pero minsan hindi rin maiiwasan ang mga negatibo nitong dala tulad ng pagkagulat ka sa nakakabibinging tunog at mapanganib din ito minsan dahil maari itong sanhi ng sakuna at sunog na nauuwi minsan sa pisikalan. Minsan parang droga na hahanap hanapin ito kapag natapos na. Yung tipong lutang na lutang ka at kapag natapos na ay biglang bagsak sa lupa. Madalas kapag nangyari iyon ay amoy sa paligid ang nakakasulasok na amoy ng pulbura.
Maraming beses na akong nakaranas ng ganitong pakiramadam. Hindi mahalaga kung matagal o maikli lamang, pero ang importante ay napangiti ako, napasaya sa sarili nitong pamamaraan. Nahirapan man akong huminga sa amoy pulbura, mas pinipili ko pa rin na ang sayang dulot nito kesa sa panganib na maaring mangyari. Siguro bano lang ako, gaano man nakakatakot ang lakas ng putok ay hindi pa rin ako takot na mahulog.
hukay mula sa baul ng nakaraan..
Tutto passa, ma tutto rimane. Questa è la mia sensazione più profonda: che niente si perde completamente, niente svanisce, ma si conserva in qualche modo e da qualche parte. Ciò che ha valore rimane, anche se noi cessiamo di percepirlo.
Pavel Aleksandrovic Florenskij