Life Entry #1
Yesterday, April 2, 2025, I got diagnosed with bilateral polycystic ovarian morphology.
I think I already knew years ago but never really had the chance to check with the doctor and get the actual checkup and laboratory. Maraming beses na akong nagplano na magpacheckup, pero somehow, hindi ko tinutuloy kasi siguro at the back of my mind, alam ko na ang magiging resulta. In denial, kumbaga.
Kaya pala ganito ang katawan ko. Sobrang bilis magbago ng mood ko. Kasi ang mga symptoms ng magkakaroon ng regla, buntis, at may PCOS ay halos magkakapareho lang.
Marami na akong nabasa regarding PCOS. Diet plans, exercise routines, vitamins to take—pero ang pinakang nakakuha ng pansin ko is walang cure ang PCOS. It's one of those diseases na parang cancer na walang cure. And up until now, grabe pa din ang stigma sa PCOS saying na psychological illness lang yan ng babae na dapat mag-exercise at wag matakaw. Or dahil sa ayaw mong sundin ang natural flow ng buhay at uminom ka ng birth control pills, PCOS ang ibibigay sayo, which is all bullshit and typical Filipino mentality.
Hindi ko pa lubos maisip na may PCOS nga ako, pero kagabi I end up crying myself to sleep for the possibility of infertility. Alam kong ayoko pa magkaanak, but after meeting my partner and dreaming of a life and a family with him, it just makes me sad. We began to blame ourselves dahil sa resulta ng lab ko. Siya, sabi niya kasalanan niya kasi nagtake daw ako ng pills para hindi muna mabuntis, and me, blaming myself kasi hindi ko inalagaan ng maayos ang sarili ko.
Dapat talaga mandatory na ang ganitong mga checkups hindi lang sa kababaihan pero para sa lahat. We should be aware of what's going on inside our body; kesa naman magsisi tayo kung kailan huli na ang lahat.
These may be the start of my journey as a PCOS girly, and I was thinking of documenting it here kasi less judgement. Ayokong makaattract ng mga paepal sa comment section na ang habol lang ay makialam sa buhay ng iba kasi wala silang magawa habang nakahiga sa kama nila. Hahahaha













