Si Cleya at ang kanyang Paniniwala sa Diyos
Ni Kirsten T. Mahilum
Source: Pinterest
Kaibigan. Siya ang ating kasama sa mga panahong masaya tayo. Siya rin ang ating kinakapitan sa tuwing hindi na natin kayang harapin ang kalupitan ng mundo. Masarap sa pakiramdam na magkaroon ng tunay na kaibigan lalo naât hindi naman lahat ay kaya kang tanggapin maging sino ka man. Ngunit kung gaano kasayang magkaroon nito ay dobleng sakit sa pakiramdam kapag silaây nawala. Ika nga nila, âmas mahirap mawalan ng kaibigan kaysa makipaghiwalay sa kasintahan.â
Iyan ang pakiramdam ni Cleya Rodrigo. Si Cleya ay isang masiyahing kabataan. Dahil sa kanyang taglay na magandang pag-uugali ay hindi na kataka-takang marami siyang kaibigan. Isa na rito si Coleen Jimenez. Matagal na panahon na silang magkaibigan kayaât kilala na nila ang isaât isa. Magkasama sila sa saya at kalungkutan. Kaya naman nang ma-diagnose si Coleen na siya ay may depression ay labis itong ikinalungkot ni Cleya. Nais niya na mapagaan ang kung anumang nararamdaman ng kaibigan kung kayaât sinusunod niya ang kung anumang sinasabi nito.Â
Hindi niya na namalayan na sa sobrang pagmamahal niya sa kaibigan ay nakalimutan na niya ang kanyang sarili. Nagagawa niya ang mga bagay na hindi niya ginagawa sa sarili niya noon tulad ng self-harm. Isa ring ikinabahala ng ibang mga kaibigan ni Cleya ay ang pagkahawa niya sa nararamdamang kalungkutan ni Coleen.
At iyon na nga ang simula ng pagkawala ng pagmamahal niya sa sarili. Nagsimula nang bumaba ang confidence niya at unti-unti na ring lumayo ang loob sa mga kaibigang nais makatulong sa kanyang maibalik ang kanyang dating sarili. Madali na rin itong mainis at tila wala nang ganang mag-aral. Dito na rin siya nagsimulang mawalan ng dalawang kaibigan. Labis itong dinamdam ni Cleya. Hanggang sa napagtanto niyang, âoo nga pala, bakit ako nagpapatalo sa kalungkutang ito, e nariyan naman ang Panginoon?â
Panginoon ang kinapitan ni Cleya noong mga panahong iyon. Nakatulong din ang kanyang dalawang matalik na kaibigan. Mayroon din siyang nakilalang lalaking nagpabago ng buhay niya-- si Paul. Dito naisip ni Cleya, na sa bawat taong umaalis sa buhay ng isang tao, mayroon at mayroong darating na para sa âyo. Naisip din ni Cleya na hindi lahat ay iiwan ka, dahil mayroong handang manatili sa tabi mo, tulad na lamang ng kanyang mga matalik na kaibigan, lalo na ang Panginoon.
Source: Pinterest
âTalikuran ka man ng mundo, ang Lord, hindi aalis sa tabi mo. Bagkus ay yayakapin ka Niya at ipararamdam sa âyo ang Kanyang pagmamahal sa Kanyang mga Anak,â ani Cleya. âBinuksan Niya âyung mga mata ko sa mga taong nakakakita ng halaga ko at hindi ako babalewalain. Pinaramdam Niya sa akin na mahalaga ako.â
Nalampasan ni Cleya ang pagsubok na kanyang hinarap dahil naniwala siya sa mga pangako ng Diyos at hindi siya nawalan ng pag-asa. Ipinagpapasalamat niya rin ang mga kaibigan niya at ang kanyang ngayoây kasintahan na pinaniniwalaan niyang bigay ng Diyos. âI conquered those battles by surrendering it to the Lord. I knew He has a plan for me, and I trusted that.â
Ito naman ang mensahe ni Cleya sa mga napapagod na sa buhay, âhuwag kayong mawalan ng pag-asa. Kailangan niyong magkaroon ng faith kay Lord. Kahit parang walang nangyayari, dapat ka pa ring magtiwala. Kung sabi sa kanta, âSavior, He can move the mountains. My God is mighty to save,â edi mas kaya niyang pagalawin âyung kapaguran mo sa buhay. At sa bawat pagod na âyan, dâyan mo makikita na mas malakas ka kaysa sa inaakala mo. Kaya padayon lang.â
Source: Pinterest











