05/27/17 11:04PM
Hello night. Kumusta? Ayos ba tayo jan? Ako kasi hindi. Iniisip ko bakit ganito ako? I'm always overthink. Bakit lagi ako napapraning? I don't know! Hindi ko alam bakit nga ba ako lumaking overthinker. I guess part na din siya ng buhay ng tao? But still I don't want to be an overthinker! Parang pasama nalang ng pasama nangyayari when I overthink. Gusto ko matigil isip ko sa pagiisip ng sobra, sa kung ano man. Straight forward kung pwede sana. Hindi ko alam kung may advantages din ba pag ooverthink? Hindi ko alam. May makakaintindi pa kaya sa pag ooverthink ko? May kaya pa kayang maghandle nito? Hindi ko alam. Bakit nga ba ako ganito? I guess gusto ko lang maramdaman yung worth ko sa isang tao? Yung pure and sincere. I guess gusto ko maging comfortable kapag magsasabi ng deep thoughts that my mind creates? I guess gusto ko maramdaman yung may taong nanjan na hindi ako ijudge sa mga naiisip ko yet yung tao na iaangat pa ako at uunawain yung thoughts ko at sasabihin na naiintindihan niya yung akin at walang sama ng loob na mabubuo? I guess gusto ko lang may taong tumanggap ng worst fears ko at iparamdam sa akin na handa niyang ipakita at patunayan sa akin na hindi niya gagawin yung mga kinatatakutan ko? Hindi ko alam. Puro nalang ako si hindi alam. Panay ako pagkakamali. Napupunta din ako sa pagiging down. Hindi ko alam saan ako lulugar. Sakit na ng ulo ko kakaisip. Sistema ko nabagsak na din. May makaintindi naman sana sa akin at handang tanggapin buong pagkatao ko at buong pag iisip ko. Gusto ko matanggal yung worst fears ko. Nakaka shit lang kasi. Ayaw ko maramdaman na doon lang papunta sa worst fears ko lahat. Ang sakit. Masakit. Takot. Nakakatakot! Kailangan ko na umahon siguro. Sinusubukan ko naman mag adjust sa pag iisip ko. Mahirap lang siguro. Hindi pwede biglain. Dahan dahan. Tanggapin mo sana ako ng buong buo.











