Pasensya Ka Na
feat. Silent Sanctuary
Eto yung kanta para sa mga taong minahal mo pero di ka minahal at para na rin sa sarili mo.
Hindi mo na mapipilit, wala ng babalikan.
Tama na, ‘wag mo na ipagsiksikan sarili mo sa kanya. Pansamantalang unan ka lang niya. Ginamit ka lang niya para gumaan loob niya. Puta sana bumili na lang siya ng comforter sa tiangge o sa ukay-ukay. Pilit mo mang balikan mga panahon na naramdaman mo na may kayo, eh wala kang magawa hanggang alaala ka na lang wala na eh. Wala ka ng babalikan dun. Asan ba siya? Nagparamdam ba siya? Wala nganga ka na naman. Ayan tatanga-tanga ka eh.
Sa liwanag mong nang-aakit, ayoko ng masaktan Nakikiusap sayo, patawarin mo na lang ako Patawarin
Kapwa kayo may liwanag na natagpuan sa isa’t-isa na kahit di mo maamin, meron. Kaso ang dali ata niyang nakakita ng liwang na mas maganda kaysa sayo habang ikaw wala ng ibang makitang liwanag kundi yung sa kanya lang. Puta ang tanga mo talaga, di ba? Ngayong nawala na siya, asan ka? Sino bang naiwan sa ere? Hala sige lumipad ka ayan tuloy nagkaroon ka ng pakpak kagaya ng kay tweety bird, magpursige kang lumipad. Pero di mo pa rin maiwasang mapagod sa kakalipad kaya kailangan mo munang bumaba. Buti sana kung ang ganda ng la-landingan mo eh bumalik ka pa rin sa lusak kung saan naiisip mo na naman siya. Ayun tanong ka na naman, ano ba talagang nagawa ko at bakit nagkaganito? Sadya ba talagang di mo ako type? Oh eh kung ganun bakit nagparamdam ka pa? Ano to titikman mo lang tapos kapag nagsawa ka na isusuka mo na? Teka lang putangina mo. Pero puta ayun after sa galit napapatawad din naman kaagad at ngayon naman humuhingi ng tawad baka naman kasi sakaling nagkamali talaga ako.
Pasensya ka na at ‘di ko na rin madama Kay tagal kitang hinihintay Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa Kalayaan sa kamay ng lumbay
Sa huli ayun ako pa rin kawawa kasi nga pasensya ka na ngayon ko lang to nadama, kay tagal kitang hinintay. Kakatuwa lang isipin na sana ganun din naramdaman mo pero okay, sige, bahala na lang basta at least alam mo may nagaalala sayo kahit na ganyan ka. Sana umangat na yang self-esteem mo kasi nga parang nag eenjoy naman talaga mga tao pag nakikita nilang may nasasaktan sila. LOL NA LANG NG LOL TAYO, HAHAHAHAHA pa more kahit HUHUHUHUHU sa loob. Pero sa huli ayun team #SAWI pa rin.












