CREEP
The Bowery Presents
Today's Document
No title available

if i look back, i am lost

❣ Chile in a Photography ❣

roma★
Doug Jones

titsay

Origami Around
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

No title available
Misplaced Lens Cap
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

izzy's playlists!
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
No title available
EXPECTATIONS
Color Me Curious

Product Placement
🩵 avery cochrane 🩵
seen from Nepal

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Finland
seen from Palestinian Territories

seen from United States
seen from Japan
@l-alover
CREEP
PILI, PINAS 🇵🇭
Kalaban mismo natin ang ating mga sarili,
Pilipino laban sa kapuwa niya Pilipino,
Mamamayan laban sa Pamahalaan.
Minamahal kong tunay ang Pilipinas ngunit hindi patas at korap ang namumuno sa bansang ito.
Hanggang kailan nga ba tayo papayag nakawan at paslangin nang mga magnanakaw at mamamatay tao?
Hanggang kailan nga ba tayo magbibingi-bingian at magbubulag-bulagan sa tunay na kinasasadlakan ng bansang Pilipinas at mamamayang Pilipino?
Hanggang kailan nga ba tayo mananatiling sunod-sunuran sa bulok na sistema na araw-araw nating natatamo?
Hanggang kailan nga ba tayo ganito?
Manindigan hindi para sa sariling kapakanan
Manindigan para sa kaayusan ng bayan
Manindigan para sa kapakanan ng kabataan
Manindigan para sa mga susunod pang henerasyon
Tumindig! Dahil iyon ang kailangan at naaayon!
Maybe, forever was a word meant for memories , not people.
XXIX?
Dalawampu't siyam na taong gulang, sa mundong 'to? Hindi nga? Tunay nga ba?
Isang pambihira’t imposibleng mangyari sa taong kada sasapit ang kaarawan ay tanging hiling lamang ay ang katapusan—mapigtas, mabaklas o mawasak ang idinaraing na tanikalang inakalang may hangganan.
Pakiwari ko'y musmos pa lamang kaakibat na ang bigat na nakapataw sa kaluluwang pilit nagpupumiglas sa mundong tila dagat-dagatang apoy.
Nagliliyab sa init ang panahon ngayon, tanaw na tanaw sa bintanang kalapit lamang ng mesang kinalalagyan ko, ni halos walang hangin ang dadapo sa mga balat mo sa apat na sulok ng silid na ito, mayroon lamang puting pintura ang mga dingding at rektanggulo't berdeng pisara na may bahid ng pirasong yeso na napaliligiran ng apatnapu't isang kaluluwa na iisa lamang ang minamataan ang aming mayuming binibining nakatindig na nanlilisik ang mapupungay niyang mata.
Bigkas ng maestra: Naririto na tayo mismo sa pugad ng mga demonyo! Imulat mo ang mga mata mo! Dinggin mo ang hiyaw nila!
Napabalikwas ako sa pagkakasandal sa silyang lumalangitngit na para bang anomang oras ay ikababagsak ko, ako’y napapikit, napakamot sa sentidong tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga pawis sa aking suot na uniporme.
Napatuon muli ang mga tingin sa babaeng nasa unahan, tila ba’y sunod-sunod ang kaniyang bulong:
Walang halang na pamamaslang!
Walang humpay na gantihan!
Walang katapusang pagdanak ng dugo!
Marahil kung hindi dahil sa alingawngaw na nagmumula sa kampana hindi matatapos ang paggayuma’t pagkahumaling ko sa malumanay na tinig ngunit nakasisindak na mga tingin ng aking maestra!
Ako’y napasulyap sa puting kisameng ilang dipa ang layo sa akin sabay na pag-iwas at pagtingin sa kinakalawang na bintana sa aking kaliwa, napabuntong hininga’t aking naibulalas—
Oh, Maykapal? Tulad nang malambot na asul na alapaap, ako sana’y pagdamutan at iyong dinggin ang mga mumunting dalangin—mariing sinuyod ang iba’t ibang kapilya, madinig mo lamang ang tinik sa tinig—Oh, Diyos ko: Kailan nga ba giginhawa ang dibdib sa mga pasaning bitbit batid ng sugat ng kahapon?
Maris
Sa lahat ng kaibigan na nilimot ako at pilit ko rin nililimot si Maristella na siguro ang pinakapinanghihinayangan ko, dumating kasi ako sa punto noong nagtapos ako nung kolehiyo, pasan-pasan ko na ang mga pangangailangan ng pamilya ko kaya nakabalandra na sa harapan ko lahat ng mga dapat kong gawin kaya pakiramdam ko mag-isa na lang ako, pakiramdam ko kaya ko na, pakiramdam ko wala akong katuwang, pakiramdam ko na kahit iwan ako ng lahat ng taong nakapaligid sa akin basta hindi lang ako mawala uli sa sarili ko, alam ko na kakayanin ko dahil sanay naman akong mag-isa na alam ko na kaya kong solusyunan lahat, kailangan kong maging matapang kasi wala akong ibang choice, on my own.
Si Maris yung taong nand'yan palagi para sakin, yung nakakaintindi sa akin yung tipo ng tao o kaibigan na kakampihan ka kahit mali ka? Yung klase ng kaibigan na hinding-hindi ka iiwan kahit nakakaputangina na yung ugali mo, siya yung palaging sasaluhin ka sa mga bagay na hirap mo nang dalhin, siya yung pipiliing intindihin yung mga bagay na hirap mong ipaliwanag, siya yung hindi ka huhusgahan kahit pa napakasama na nang mga nagagawa mo.
Siya yung isa sa mga kaibigan kong hindi ko naman gustong mawala sa buhay ko pero kailangan kong pakawalan. Alam kong, napupuno rin yung mga taong nandyan para umintindi sa'yo.
Naalala ko pa noon nung pumunta kami sa probinsya ninyo sa Quezon Prov. Tapos nag-away tayo dahil nung pumunta tayo sa Bayan para sumagap ng signal kasi sa isla kung saan nakatirik yung bahay niyo ay walang ka-signal-signal, bigla akong nagtampo dahil bumalik tayo sa inyo na hindi mo man lang ako tinanong kung nakapag-send na ba ako ng message sa taong kausap ko that time, umiyak ako yung hagulgol ng bata na parang inagawan ng candy, ganoon ka rin umiyak at nakipagsagutan sakin, doon ko naramdaman at nalaman na sa'yo lang ako nakakapaglabas ng mga sama ng loob na hindi ko kayang sabihin sa iba o sa iba pang mga kaibigan natin.
Naalala mo pa ba? Noong sinabihan mo ako na ako ang maid of honor mo? Totoo pa ba yun? O nagbibiro ka lang that time? Hindi lang halata pero noong sinabi mo yun abot tenga ang mga ngiti ko, totoo? Naiisip mo na yung mga ganoon dati? Ganoon mo na ako pinapahalagahan noon? Binalewala ko lang ba yun lahat? Mangyayari pa ba yun? Tangina, napakatanga at napakawala kong kwentang kaibigan sa'yo. Pasensya ka na at iniwan kita sa ere na iniwan ko kayo, iniwan kita sa oras at araw na sobra mo akong kailangan.
Sorry, Maris. Sana nasa maayos kang kalagayan, sana natutupad mo na paunti-unti lahat ng pangarap mo at sana masaya ka. Nandito pa rin ako para sa'yo, ako pa rin 'to, yung Lalaine na kaya kang samahan sa lahat ng bagay o sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon ng Diyos na bumawi sa'yo, gagawin ko. :)
‘To be loved is to be known’
—Sang-ayon ka ba?
Type 1 if yes!
Sabi nila, one of the most special and underrated kind of love language ito >>> ‘To be loved is to be known’, imagine having people around you na naaalala even the smallest thing you like, you don’t or even the rare details about you.
Let’s dive into it…
Have you ever been in cloud 9 or love someone? Some ‘one’, you never knew you’ll eventually lose?
That particular person you loved, na alam lahat tungkol sa’yo? How happy you’ll feel when someone still remember your name, family, dogs, favorite color, food or even your darkest secret in life—dreams, wishes and nightmares
How about the power of ‘kabisado na kita’ I won’t deny na nakakakilig kapag may taong nagsabi nito sa’yo para bang mahalaga ka sakanya at alam niya kung saan ka kumportable sa hindi. Kaya, may we fall in love with someone who knows and speaks our love language. (Still it’s bare minimum)
‘Huwag niyong kausapin, badtrip pa ‘yan’
‘Mas gusto niya yellow’
‘Kung feel ko din malungkot ka ganon din ginagawa ko’
Is it too late to know me more? To know you even more? To let us know more?
--can't sleep, iambored
If you were a vegetable, which one would you be, and why?
Hmm, i would like to be a healthy carrot. i dunno why
Your favorite hobby?
I’m into running and concert goer
If you could trade lives with a cartoon character for a day, who would it be, and what would you do?
Patrick the star? i wanna be happy without minding people around me
If your life had a theme song, what would it be, and why does it perfectly represent you?
Right where you left me--taylor swift. pakiramdam ko lang na at the moment, i am waiting in vain sa mga bagay na hindi na dapat pa.
Describe the weirdest dream you’ve ever had in the most entertaining way possible.
5 days straight mo siyang napanaginipan.
What’s the funniest YouTube video you’ve ever watched? Share the link, and let’s all enjoy a good laugh!
Any video will do basta ITZY Momints hahahahaha
Which female celebrity would you want to take away for a weekend?
Ryujin, i really love her <3
Your favorite movie and why?
La La Land, my all time favorite :')
Worst mistake?
Na hindi ko na-pursue yung dream profession ko which is nursing
What is your favorite midnight snack?
Loaded chocolate with C2
If you give another chance to live ur life. What will you do?
Gusto kong mag-work sa mga cafes like bartender or maging event organizer
If you could meet one person, dead or alive, who would it be?
Hi, if you're reading this right now and you're ever here, know that you are always important to me.
Anyway, be happy with your life's decisions kasi there are certain things you cannot take back, even if you truly needed them. Also, If you want to date and like whoever you want, that's fine with me. I know you can easily forget me like nothing happened between us.
Yet, i hope you're doing well in life, please be happy and kindly treat your self more :)
I'm sorry if hindi na talaga kayang mag-work pa kahit pa pilitin pa natin. Thank you for everything, you are the best thing that ever happened in my whole life. Be happy with her! :’))
Questions for myself during my free time
1. Do you prefer writing with black or blue pen?
-I love writing with a black pen but with different kinds of design attached on the paper.
2. Would you prefer to live in the country or the city?
-I don't wanna live.
3. If you could learn a new skill, what would it be?
-Roller skating? Mukhang masaya.
4. Do you drink your tea or coffee with sugar?
-I don't like tea and even coffee. Choco with sugar suits well in my taste.
5. What was your favorite book as a child?
-Wayback, I love reading a comics titled: "Archie", sobrang entertaining lang basahin 'yun noon. Also, hilig ko ring magbasa ng "horoscope of every zodiac sign" sa mga pahayagan para bang nasa mga kamay ng dyaryo ang kapalaran ko hahaha.
6. Do you prefer baths or showers?
-Both! daylight (shower), at night naman (bath)
7. If you could be a mythical creature, which would you choose?
-I wanna be a cool and bubbly unicorn.
8. Do you prefer reading paper or electronic books?
-I prefer hardcopy more than e-books. Feel na feel kasi kapag babasahin mo na then you can also highlight some important lines na nagustuhan mo.
9. What is your favorite item of clothing?
-Plain Polo shirt and a T-shirt with some huge design on it.
10. Do you like your name? Would you ever change it?
-I don't like it, but I respect my lolo na nagpangalan sa akin non. But, yeah! I wanna change it with a new one. (Alexandria "Alex" or Ryujin "RJ")
11. Who is a mentor to you?
-Me, myself and I.
12. Would you ever want to be famous? If so, what for?
-50/50, noon gusto ko ring makilala sa pagsulat o pagiging manunulat kasi naisip ko kung mas malawak yung platform mo mas marami kang mai-inspire in a good way sa mga taong nakakikilala sa'yo. Sabi nga nila, mas magandang gamitin ang soc med in a productive, powerful and innovative way to inspire other people.
13. Are you a restless sleeper?
-Yes. Sleep deprivation is a hell of a ride. Itong month nararanasan ko uli 'to, I imagine things muna before sana makatulog pero bigo ako minsan. Effective siguro sa akin yung pagbibilang ng 1-300 but not all the time.
14. Do you consider yourself a romantic?
-In some ways and to a particular person.
15. Which element best represents you?
-I am an Air sign along with Gemini and Libra which is creative and deep thinker at napapadalas akong manood sa tiktok regarding dito sabi nila nagko-compliment each other ang Air and Fire Signs, let's see.
16. Who do you want to be closer to?
-Can't answer.
17. Do you miss someone at the moment?
-Yeah, but she's happy with someone else right now and that's what important to me...the most. :)
18. Tell us about an early childhood memory.
-Kinder pa lang gusto ko na talaga na nagba-bike kaya binilhan ako ng parents ko pero hindi sila ang nagturo sa akin kundi si kuya dondon trabahador sa business noon nila papa.
19. What is the strangest thing you have eaten?
-Betamax and bopis like ew T_T
20. What can you see outside your bedroom window?
-Clouds and malunggay tree.
21. What are you most thankful for?
-Na I have work ngayon na napupunan nito yung mga gusto kong gawin o bilhin for myself at sa mga importanteng tao sa buhay ko. I'm too grateful to tell.
22. Do you like spicy food?
-Sort of.
23. Have you ever met someone famous?
-Kung mga celebrity na sikat na nakita ko in front of my face, yes!
24. Do you keep a diary or journal?
-Notes sa phone ko.
25. Do you prefer to use pen or pencil?
-Pennnnnnnnnnnnnnn.
26. What is your star sign?
-Aquarius ♒️
27. Do you like your cereal crunchy or soggy?
-I love both, depends on my mood.
28. What would you want your legacy to be?
-Maipaglaban ang bayan ko, isa ito sa rason kung bakit ako naging guro para napaglilingkuran ko na rin ang kabataan at bansa.
Before ako makapasa sa LET ipinangako ko na magiging makabayan akong guro at sasali ako sa mga nagwewelga sa Mendiola para maipaglaban ang karapatan ng mamamayang Pilipino, let's see.
29. Do you like reading? What was the last thing you read?
-Yes as of now my favorite book is 'Love for imperfect things' by Haenim Sumin.
30. How do you show someone you love them?
-It's my top secret.
31. Do you like ice in your drinks?
-I LOVE IT, LIKE A LOT! Cokefloat or anything na malamig.
32. What are you afraid of?
-Tumanda na hindi ko natutupad mga pangarap o gusto ng mga magulang ko.
33. What is your favorite scent?
-Vanilla scent :')
34. Do you address older people by their first or last name?
-Depends sa gusto nilang itawag ko sa kanila.
35. If money was not a factor, how would you live your life?
-Living like there's no tomorrow. Gusto kong manirahan na malapit sa dagat kaya I'm planning someday na tumira sa La Union or Siargao at matutong lumangoy at surfing :")
36. Do you prefer swimming in pools or in the ocean?
-Ocean with great waves.
37. What would you do if you found $50 on the ground?
-Bibili ng strawberry ice cream at burger sa jollibee for my family.
38. Have you ever seen a shooting star? Did you make a wish?
-Yes as we should.
39. What is one thing you would want to teach your children?
-Kindness is my top priority because these days, human needs to spread kindness to everyone.
41. What can you hear right now?
-Kapitbahay naming nagkakaraoke lagpas 10PM na naman sila kakanta panigurado.
40. If you had to have a tattoo, what would it be and where would you get it?
-My birth year '1997'. Maybe sa neck, shoulder or left wrist ko.
42. Where do you feel the safest?
-Sa bahay namin with my family and our dogs.
43. What is one thing you want to overcome/conquer?
-As of now hindi ko pa siya totally nao-overcome? Conscious and awkward makipag-usap sa mga tao at nami-misinterpret ako rito but yet I don't really care.
44. If you could travel back to any era, which would you choose?
-Spanish era? I want to meet and see how great Dr. Jose Rizal is. Gusto kong maging katulad niya sa mga ipinaglalaban niya.
45. What is your most used emoji?
-🥹
46. What is your favorite season? Why?
-Any season, I adore it when it pours and forces everyone to pause and appreciate the small things in life. But, we're all productive in our own ways on sunny days as well.
47. How would you spend your ideal day?
-Gustong-gusto ko na lumalabas sa bahay: sa mall, park, museum or anything na pasok sa interest ko pero sa ngayon kasi wala akong energy to do such things.
48. Describe yourself using one word.
-Aloof
49. What do you regret the most?
-Hindi ipaglaban yung taong mahal na mahal ko dahil sa nahihiya at natatakot sa magiging outcome? Pero ayos na, mukhang nasa magandang kalagayan naman na siya, at okay na rin yun na knowing kahihiwalay lang namin may bago na agad siya. Abang na abang si girl, may all the blessing be yours. :-)
50. Invent your own word. What does it mean?
-Heavensphone? Na you can call God instantly at sasagot siya agad-agad whenever you need him so bad. Altho yeah, we can pray naman :')
I don’t have that ‘one call away friend’
…and it makes me more sad :)
"This is my confession. As dark as I am, I will always find enough light to adore you to pieces, with all of my pieces."
— Johnny Nguyen
Pasado sa Comprehensive Exam! :>
Maraming salamat sa mga tumulong sa akin sa kasagsagan noong panahong nagri-review pa lang ako, hindi ko ito maisasakatuparan kung walang tulong ninyo! Pasado—panalo, ilalaban ko na ito hanggang dulo!
Kar — sa hindi pagiging makasarili sa pagbanggit ng mga mahahalagang impormasyon na kailangan kong aralin, salamat!!
Sir Llosis — sa pagsama sa akin gabi-gabi hanggang madaling araw after ng work para lang turuan ako sa mga kailangan ko ring paghandaan during comprehensive exam! Salamat!
AK — at higit sa lahat,, sa pagturo at pag-review sa akin ng STAT gabi-gabi hanggang madaling araw, kahit pagod at antok ka na rin dahil galing ka pa sa work mo :-( salamat!
Maraming salamat sa inyong lahat! Thesis na lang at makakapagtapos na ako sa M.A! —para rin sa inyo ito ma at pa! :))
At higit sa lahat, salamat sa Poong Maykapal—at salamat maging sa sarili ko, ipagpapatuloy ko at pag-iigihan ko pa ang mga nasimulan ko hanggang matapos!!
Nicole W. Lee, from "Even the Dust"
Truth or Dare Questions. DON'T LIE!
1. What's the last lie you told?
-My mom asked me if I'm okay that day. I just plainly said 'yes' but little did she know my tears flowing like hell.
2. What was the most embarrassing thing you've ever done on a date?
-My mistake and embarrassing thing I did is come up to date him. Why? He's with me the whole time pero naka-earphone siya while talking to me.
3. Name someone you've pretended to like but actually couldn't stand.
-Hansel. (He is the earphone guy)
4. What's your most bizarre nickname?
-Videl? (Devil) that's my in game name whenever I play freefire an online game. (character sa anime si videl sa dragonball z)
5. What's the craziest thing you've done on public transportation?
-Ang hindi ko lang makalilimutan pero I am not truly aware. Sumakay ako sa pinakaunang bagon ng MRT na para lang sa mga PWD's, Senior Citizen etc. God knows na hindi ko alam that time tapos may sumita sa aking lalake kung buntis daw ba ako? The hell, nakakahiya.
6. If you met a genie, what would your three wishes be?
-(1) make my family contented, comfortable and happy. (2) make her genuinely happy and reach her dream without doubting herself. (3) attending IU's and ITZY's concert.
7. What's the meanest thing you've ever said to someone else?
-Wayback then, I am the meanest person that you can truly imagine. My biggest motto: People come and go. So, I tried to push everyone away, plainly said: Layuan niyo na lang ako, hindi ko kayo kailangan.
8. What's one thing you'd do if you knew there no consequences?
-Kill someone who are racist and homophobic.
9. Have you ever considered cheating on a partner?
-Hell nah, not even in my dreams.
10. Have you ever peed in a pool?
-Who doesn't?
11. What app do you waste the most time on?
-Instagram hehe
12. Which of your family members annoys you the most and why?
-My kuya, topher. He always makes sure he annoys me well in every daily basis, still I love him though.
13. What is your greatest fear in a relationship?
-When one day he/she doesn't love me anymore. Or he/she slowly losing interest on me. But the worst thing to do to your partner is cheat on her/him.
14. What's your biggest regret in life?
-I didn't pursue taking the medical field.
15. Do you still have feelings for any of your exes?
-Yes! I'm still in love with that particular person whom I truly loved and adored.
16. What's the smallest tip you've ever left at a restaurant?
-50 pesos huhu
17. What's the most childish thing you still do?
-I'm still kissing, hugging and talking to our dogs when I get to feel sad.
18. When's the last time you made someone else cry?
-Student ko, disappointed sa naging outcome ng report nila.
19. What's one thing in your life you wish you could change?
-My decision making sa pagpili ng partner in life. I should be more attentive and be particular when choosing someone.
20. What's something that overwhelms you?
-Spending time with me and buying stuffs like ice-cream.
21. What's one useless skill you'd love to learn anyway?
-Pen spinning? It looks cool.
22. Who was your first love?
-During my 3rd to 4th year. Her name is --
23. What's the weirdest dream you've ever had?
-Last time I've dreamed someone posted my naked body online (kahit wala naman hahaha)
24. Are you scared of getting old?
-Absolutely, because it also means that our dogs and my parents will grow older.
25. What's the last movie that made you cry?
-Cry like a riverflows? Twentyfive Twentyone!
26. What's the last song that made you cry?
-Seasons of Wave to Earth :-(
27. If you could only hear one song for the rest of your life, what would it be?
-Winter sleep -IU
28. What's the last YouTube video you watched?
-Wave to earth live sessions.
29. What's the craziest thing that has happened to you in a mall?
-Someone following me. Matandang creepy wayback 2016.
30. Where's one place you're dying to visit?
-Batanes and La Sagrada Familia, Barcelona.
31. What's the worst advice you've ever given someone else?
-Be happy and continue living those words I can't clearly apply to myself.
32. Who was the last person you said, "I love you" to?
-My ex, but that person left me hanging without proper closure that I truly deserve.
33. What was your first heartbreak?
-During my college years, that's the most heartbreaking thing that happened to me that I can't even think, eat straight.
34. Have you ever broken someone's heart?
-Yes, my special someone during 3rd to 4th year.
35. What's the most common misconception about you?
-Masungit? Isnabera? Walang pakisama? Hindi niyo lang alam na gustong-gusto kong makipag-usap but I'm too shy to initiate conversation, please be gentle to me.
36. Who's your hero?
-My parents.
37. What are you most proud of in your life?
-Na I have work ngayon na nakakatulong ako sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay para sa pamilya ko, na hanggang ngayon buhay pa ako? Kahit na hindi ko na rin alam ang kabuluhan nang pananatili pa sa mundong 'to. Still, proud ako sa itinatakbo ng buhay ko.
38. Would you ever get a prenup?
-Soon? I want to get married soon and be a mom like my mamsi to us :-)
Iniaalay sa aking pinakamamahal na anghel dito sa lupa. Ipinagdarasal ka pa rin sa tulong at gabay ng Poong Maykapal.
Tapos na!
Wala na!
Talo na!
Nagwagi ka.
Playlist · 25 Songs
I’m still with you.
Sa tuwing pinakikinggan ko ang mga musikang tinipon ko’t iniaalay ko sa iyo, waring guni-guni na nasa tabi kita’t pinagsasaluhan ang sining ng lirikong binibigkas nang may pananabik na maalala muli ang kurba ng iyong mga labi sa tuwing nakangiti, kislap ng iyong mga mata na waring nagniningning sa dilim, kumpas at galaw ng iyong mga katawan na para bang tayo’y iisa sa mundong puno nang agam-agam.
I’m still rooting for your success
Sa ngayon, bukas at sa ilang taon na mabubuhay tayo sa parehong mundo’t bansang kinalalagyan natin parati mo sanang asahan at isipin na ang suporta’t pag-aalala ko sa iyo’y tunay at ‘wag sasagi sa iyong isipan na ni kailanman ito’y pasubalian sapagkat simula noong nakilala’t naghiwalay ‘di kailanman nabago ang aking pananaw sa mga kaya at nais mong gawin, panigurado’y magtatagumpay ka sa hamon ng buhay, nakalulungkot lang isipin na wala na ako sa tabi mo sa oras na mangyari ‘yan ngunit ang hangad ko lang naman ang iyong kasiyahan at kaunlaran sa sarili katulad ng hiniling mo, katulad ng ninanais mo kahit pa ito’y mahirap at mabigat na ika’y bitawan.
I’m still here for you
Sabi nga ni juan karlos: ‘sa karagatan ng mga tao, ikaw ang nakikita ko, sa mga labing aking nahalikan hanap ko ang sa’yo, kapaligiran ay sobrang ingay at boses mo ang s’yang lunas.’ minahal kita at minamahal pa rin kita magpasahanggang ngayon sa paraang alam ko at gusto ko. Hayaan mo lamang na ibigin ka’t tanawin mula sa aking kinalalagyan. Aking pinapanalangin na habagin sana ang Maykapal at tayo’y muling pagtagpuin sa inaasam-asam na tamang panahon :)
Alam kong makalilimutan mo rin ang alaala na nalikha nating dalawa, ngunit lagi mo sanang tatandaan na mananatili ang kasiyahan at kabutihan na nagawa mo sa akin, ika’y umasa sa mga tapat kong mga salita na hinding-hindi kita makalilimutan, may puwang ka sa isip at puso ko na ni sino’y walang makapapantay at makadaraig.
Hanggang sa muli, mahal kong anghel :)
u willl always be my favorite memory :’>