Kung may pangarap, kaya natin itong pagsikapan
a.) Pag-uugnay ng unemployment sa mga dokumentaryong pinanood
Sa aking pinanood na dokumentaryong ’Kapit sa Patalim” at “Trabaho lang Po!”. Sa aking na pansin na kaugnayan ay susubukin nila ang kahit anong trabaho para lang makausad o umangat ang kanilang buhay, kahit pa ito’y karumi-rumi o kahit sila pa’y lumayo sa kanilang pamilya. Dahil sa mababa ang mga job offerings sa Pilipinas at mababa din ang mga job offerings dito. Kaya’t napipilitan ang ating mga kababayan na mag OFW o subukin ang mga hindi mapangkaraniwang trabaho.
b.) Reaksyon sa dokumentaryo
Ang aking reaksyon sa dalawang dokumentaryong aking na panood ay nakakalunkot dahil may mga pilipinong nagsisikap sa kanilang buhay kaso mababa ang kalidad ng kanilang mga trabaho. Hindi natin masasabi na lahat sila ay mga tambay, kundi sila ay may pangarap at nagsusumikap para maiangat ang kanilang pamilya. Tayo’y hindi man pantay-pantay sa edukasyon ngunit tayo’y mag sumikap din gaya nila at  kung sakali na makakatulong tayo sa kanila ay gawin natin ito. Sa simpleng pag aayos ng ating mga sanitations sa mga public toilets makakatulong na ito sa iba at huwag natin idiskrimina sila dahil hindi man tayo pantay-pantay sa kinalalagyan ng buhay kapwa Pilipino padin natin sila.









