Binuksan ko na naman itong tumblr account ko kasi dito ko lang nasasabi yung mga bagay na di ko kayang i-share minsan sa iba, or something na naka-disappoint o naka-hurt sakin. Well ito na nga, may nakausap ako na guy from fb dating app halos two days pa lang kami magkausap tas kanina nagka video call kami tas ayun getting to know dahil nga parang naninibago ako may mga moment na kung ano ano na ang tinatanong ko at feeling ko ang boring ko kausap, siya unang nagpaalam na mag me time muna daw kaya na-end na ung call tas ako naman after a while nag message sa kanyang im expecting ng response pero wala then i check his profile na he's active five minutes ago. So ibig sabihin no response is also a response, ang pinaka concern ko is baka may nasabi akong na-offend siya ganon. Haaayyyys help me Lord














