HUWAG KANG PABEBE
May nakita akong post sa Facebook kung saan may babaeng nanggagalaiti dahil hindi siya napa-upo nung lalaki sa MRT. Nilait niya pa yung itsura nung guy. Hindi ko alam pero bigla akong nainis ng sobra. Unang una, HINDI OBLIGASYON ng mga lalaki na pa-upuin ang bawat babaeng makita nila sa public transpo. Girl, bayad yung inuupuan niya at siya ang nauna. Hindi mo din alam ang nangyari sa buong araw nung tao, malay mo pagod siya o may mga pangyayaring di maganda. Pangalawa, HINDI MO KAILANGANG MAMILIT, MAGPARINIG O MAGBIGAY SENYAS doon sa lalaki na dapat kang paupuin, sobrang nakakairita kaya kung may mga tao sa paligid na pinipilit kang gawin gusto nila lalo na pag ayaw mo diba? Kung gugustuhin ka naman paupuin, pagbibigyan ka niyan, kung hindi, manahimik ka! Pangatlo, HUWAG KANG PABEBE!!!!! HUWAAAAAAAAAG KAAAAAAAANG PABEBEEEEEEEEE!!!! Punyeta, parang tatayo lang di mo kaya? Girl, parang magtitiis ka lang na tumayo kasi puno na yung bus at walang maupuan, kung maarte ka at ayaw mong tumayo eh di mag abang ka ng bus na walang katao-tao. Goodluck na lang kung makahanap at makauwi ka agad kakahintay dahil diyan sa kaartehan mo. Kung ayaw mo pala tumayo, eh di sana bumili ka na lang ng sarili mong kotse, solo mo girl. Pak! Masyado lang talaga ako affected doon sa post na nabasa ko at tsaka napapahiya kasi yung lalaking nasa picture. Sino kaya mas pangit ang ugali sainyong dalawa at sino lang ang napahiya diba? Yan kasi problema sa mga tao ngayon MEMA POST, MEMA PASIKAT, MEMA PATREND... Lahat na lang ng bagay kailangan ipost ora mismo para pagpyestahan. Ambot sa imo!













