Nanay, araw-araw kitang namimiss. Kahit naman noon nasa isip at puso kita palagi. Alam mo, sana nandito ka pa. Gusto pa kasi kita ipasyal sa Boracay. Gusto kong maranasan mo yung pagsakay ng eroplano. Sorry kung di ko yun nagawa noon. Malakas ka eh, kaso walang hiya talaga yung sakit na yun. At kung sana nandito ka pa, mapapakilala kita ng personal sa mga kaibigan ko na ikaw ang nagpalaki sakin.
Alam mo ba, may bestfriend na ulit ako. Ngayon, wala nang drama. Masaya ko sa friendship namin. Natouch ako sa ginawa nya nung nainis ako sa kanya. Akala ko kasi di na kami ulit magkakausap. Pero hindi, tinext nya talaga ko at nagsorry sya. Katulad ko sya, di ko natitiis mahal ko sa buhay. Sa kanya ko lang ulit naramdaman yung pagpapahalaga ng isang kaibigan pagkatapos magkatampuhan. Hindi ko na sya pinansin pagkatapos ng ilang text dahil sa pagod. Kinabukasan ng umaga nakita ko sya sa pantry. Hindi ko sya pinansin dahil, ewan ko, masyado kong mapride ba o nahihiya ako o di ko pa feel kausapin. Hindi sa natakot ako kasi hindi matatakot dahil sa pagtext nya sakin noong pag-uwi ko, naramdaman ko na hindi nya kaya na nagtatampo ako. Pagkabalik ko ng work station, naghihintay nalang ako sa kanya. Gusto ko syang biruin pero ayaw ko pa talaga. Mapride nga siguro ako. Pero nagulat ako. Natuwa ako at may naglagay ng tatlong gusto kong food sa mesa ko. Ang “Bestie” ko. Halos maiyak ako. Hindi ko kinaya yung lalakad nalang sya palayo pagkatapos nyang ilapag yon. Nagchat ako sa kanya, sabi ko, “ssh. Alam ko matakaw ako. Miss you. :’(” Kasi namimiss ko naman talaga sya. Ayaw ko lang syang kausapin kasi di ko nagustuhan na matawanan ng ibang tao. Naiintindihan ko, di mo sinasadyang mapahiya ako (para sa sarili ko). Minsan din nakakasabi ako ng mga salitang hindi ko alam nakakaoffend na pala. Nangyari ang gusto kong mangyari… Ang lumapit sya sakin para makipag-ayos. Naramdaman ko nun na parehong importante saten ang isa’t isa. We love each other just the same.
Nanay, nung araw na ‘yon, napanaginipan kita na nakangiti. Masaya ka para sakin at nahanap ko na ang Bestie ko? :)