willing to wait... (at Mt. Pulag Akiki Trail)
I'd rather be in outer space đ¸

Discoholic đŞŠ

pixel skylines
art blog(derogatory)
Show & Tell
Phantogram Three
Game of Thrones Daily
h

Origami Around
Not today Justin

⣠Chile in a Photography âŁ
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
occasionally subtle
Noah Kahan
sheepfilms

Love Begins
Claire Keane
One Nice Bug Per Day
Mike Driver
The Stonewall Inn
seen from United Kingdom

seen from TĂźrkiye

seen from Germany

seen from France

seen from United States
seen from Netherlands

seen from Malaysia
seen from United Kingdom

seen from Germany

seen from Germany

seen from TĂźrkiye
seen from Germany

seen from Germany
seen from Finland
seen from T1
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Australia
@lvnsntsnodustollens
willing to wait... (at Mt. Pulag Akiki Trail)
KASAL ni Eli Rueda Guieb III
(Isa sa pinakapaborito kong maikling kuwento)Â
âYung mahalin kita habambuhay, hindi ko yata iyon puwedeng ipangako sa iyo. Pero 'yung iisipin kita habambuhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako sa iyo, kahit papaano.
Iyon ang sinabi ko sa kaniya bago kami ikasal. At iyon din ang sinabi niya sa akin pagkatapos naming ikasal.
Hindi naman siguro mahirap intindihin 'yon. Dahil maraming bagay sa mundo ang hindi pwedeng bigkisin sa mga kontrata ng relasyon. Iisa lang naman ang batas ng relasyon, pagmamahal. Kapag iyon ang nawala, wala na ring silbi ang katotohanan ng mga kontrata. Ang tanging katotohanang naiiwan ay ang pait ng pinawalang-bisang kontrata.
At kahit na anong pagkakait ang gawin, kahit na anong pagkukunwari ang ipantapal, kung talagang wala na ang pagmamahal, anuman ang kahulugan nito, anuman ang anyo nito, anuman ang ekspresyon nito, ay totoong tapos na nga ang kontrata. At kung minsan nga ay tinatapos din ang relasyon kahit wala namang pag-ibig na tinatapos.
Totoong nakakapanghinayang. Dahil sino ba naman ang may gustong magputol ng mga ugnayan? Liban na lang marahil kung talagang sa simula pa lang ay maling-mali na ang binubuong relasyon, anuman ang pakahulugan natin sa mali. Pero ano pa ang magagawa ng mga panghihinayang, ng mga buntong-hininga, kung kathang-isip na lang ang pagmamahal, kung ang inaakalang pagmamahal sa asawa, o sa kaninumang karelasyon, ay dahan-dahang magpapaunawa sa iyo ng dahan-dahan ding pagpigtal sa mga emosyong nagkukurdon sa isaât isa.
Iyon ang sinabi ko sa kaniya nu'ng pag-usapan namin ang aming posibleng paghihiwalay. Iyon din ang sinabi niya sa akin nu'ng nagdesisyon kaming kami'y maghiwalay na.
Hindi pa rin naman talaga mahirap intindihin iyon, iyong paghihiwalay. Sino ba ang may sabing iisa lang ang dapat na puntahan ng relasyon? Sino ang may sabing mali ang maghiwalay? Sino ang may sabing lahat ng tinatapos na relasyon ay dapat na malungkot? Puwede rin naman sigurong maging masaya sa pagpilas ng mga dokumento ng ugnayan. Maaring naroroon ang pait, hindi mo maiaalis iyon. Pero hindi ibig sabihin no'n ay dapat na malungkot ang lahat ng pagtatapos.
Âťâ˘ÂŤ
Kanina pa namin hinihintay ang pagtaas ng araw. Kami, kaming dalawa lang, ang naghihintay sa tuktok na 'yon.
Kagabi ay nagsawa kami sa panonood ng mga bituin, mga bituing kumikinang, umaandap-andap, pero alam mong patay, mga bituing kasisimula mo pa lamang kilalanin ang kagandahan ay matagal na palang patay.
Banayad ang malamig na simoy ng hangin ng madaling-araw na iyon, di tulad kagabi na may bulong ng unos. Akala nga namin ay masisira ang aming tent sa lakas ng hangin kagabi. Pero ngayong umaga ay payapang-payapa ang paligid. Ang mga ulap sa ibaba ay parang ragasa ng ilog sa kanilang pagtulog, parang naka-freeze ang kanilang motion, parang pelikulang pinahinto ang galaw ng frame. Maging ang ulap pala ay napapagod din sa paglipad. Nagpapahinga rin pala ito sa ibaba ng bundok.
Nagsisimula nang mamula ang dulo ng mundo. Inakbayan niya ako, maingat. Tiningnan ko siya at sandaling ngumiti, tipid na ngiti. Muli kong ibinaling ang aking mga mata sa dulo ng mundo. Inakbayan ko rin siya, tahimik na akbay. Parang tuyong dahon ang kaluskos ng aming mga jacket at windbreaker.
Gusto kong bumalik sa tent para kunin ang kamera. Ito 'yung mga pagkakataong hindi pinalalampas ng mga photographer. Tamang-tama ang color temperature. Nakaka-challenge sa f-stop ng kamera ang speed ng liwanag.
Pero nagdesisyon akong huwag nang kunin ang kamera. May mga bagay na ayaw kong ipaubaya sa mata ng kamera. May mga bagay na ayaw mong ikulong sa kuwadro ng realidad ng lente. May mga bagay na para lang sa mata ng tao. May mga bagay na gusto mo lang ikulong sa realidad ng gunita.
Isa ito sa mga pagkakataong iyon.
Dahan-dahan ng umakyat ang araw. Naninilaw na ang dulo ng mundo habang namumula naman ang aming kinaroroonan. Nagbabago-bago ang temperatura ng liwanag, kung paanong nagbabago-bago rin ang kislot ng emosyon ng aking kaluluwa. Alam kong ganoon din ang kaniyang nararamdaman. Ilang beses na naming nakita ang pagtaas at paglubog ng araw, ang muli nitong pagtaas at muli nitong paglubog. Subalit sa bawat pagtaas at sa bawat paglubog ng araw ay ibaât-iba, at ibang-iba, ang mga katotohanang ibinubulong nito sa aming mga katauhan.
Di pa nagtagal ay bilog na bilog na ang araw. Nawawala na ang mga pula, nawawala na din ang mga dilaw. Tumitingkad na ang mga berde. Gumagalaw na rin ang mga ulap,paitaas,pabalik sa kanilang langit.
Matagal pa kaming nanatiling nakaupo sa tuktok na iyon. Walang imikan sa isaât isa, nanonood sa paggising ng mundo, nakikinig sa mga kaluluwang paligid,sa mga kaluluwa ng aming mga sariling buhay.
Sino ang mag-aakalang nang mga sandaling iyon ay pinupunit namin sa aming mga puso ang mga dokumento ng aming relasyon.
Âťâ˘ÂŤ
Kahapon ng hapon ay pinunit ng hangin ang pinalilipad naming saranggola. Sinadya naming agahan ang pag-akyat sa Pulog nang sa gano'n ay marami pa kaming puwedeng gawin, at pag-usapan. At sinadya rin naming umakyat ng Enero, at weekday. Kinuha namin sa Maynila ang last trip pa-Baguio. Nagkape kami sandali sa terminal ng bus, nagpahinga ng isang oras sa isang bukas na restaurant sa Baguio na may na may mangilan-ngilang nag-iinuman o nagpapalipas din lang ng oras, pagkatapos ay naghanap ng dyip na aming masasakyan papunta sa isa sa mga jump off point papuntang Pulog.
Mas maganda itong mga off season climbs,mas nasasarili ang hangin ng paligid,ang huni,bulong,halakhak,at pighati ng lahat ng uri ng buhay sa mahanging bundok na ito. Higit sa lahat,para mapakinggan namin,kami lang, ang mga impit na sigaw ng aming mga kaluluwa.
Mabilis na namayagpag ang saranggola nang bitawan ko ito. Nakita kong medyo nahirapang maniobrahin ni Joanne ang saranggola nang itulak ito ng hangin paitaas.
Simpleng-simple ang tabas ng saranggola,isang malapad na triyanggulong papel,kulay dilaw,berde,at pula. Hindi tulad ng mga guryong na pinalilipad ko noong ako'y bata pa,na ako rin ang gumawa,na lakas-loob kong ipinanlalaban sa iba pang saranggola,minsan natatalo,minsan ay nananalo.
Tumawa na lang kami nang pilasin ng hangin ang saranggola,tutal mura lang naman ang bili namin dit. Pero siguro kung kami ang gumawa ng saranggola,hindi ganoon kadaling pakawalan iyon.
Kung paanong hindi ganoon kadaling pakawalan ang isang buhay na alam mong sa iyo nanggaling. Namatay ang aming panganay dalawang taon na ang nakararaan. Tatlong taon na si Toni noon,binaha ng tubig ang kaniyang utak, at walang nagawa ang mga doktor. Walang nagawa ang Diyos kahit na anong dasal ang gawin ko,kahit na anong pagsusumamo ang gawin ko sa lahat ng espiritu ng mundoât kalawakan.
Isang tanong ang magpahanggang ngayon ay hindi namin alam ang sagot. Bakit kailangang mamatay ni Toni? Hindi dapat namamatay ang mga bata. Hindi tamang mamatay ang mga bata.
Gano'n yata talaga iyon. May mga bagay na agad-agad na nawawala, may mga bagay na madaling mawala. Parang pagpapalipad ng saranggola. Kahit na anong maniobra ang gawin mo sa pisi, kahit na anong pag-ayon at paglaban ang gawin mo sa hangin,malakas man ito,banayad o mahina, kahit na anong tibay ng iyong pisi, ng papel o ng kahit na anong materyal ng saranggla,at ng nagpapalipad,mapupunit ang saranggola, o mapipigtas ang pisi,o mapapagod ang nagpapalipad,o simpleng mawawalan ng hininga ang hangin.
Malalim ang magkakambal na buntong-hiningang pinakawalan ko nang huli kong dalawin ang puntod ni Toni.
Âťâ˘ÂŤ
Malalim din ang magkakambal na buntong-hiningang pinakawalan namin ni Joanne nang maghiwalay ang aming mga labi. Maingat, tahimik, mabagal, ang sandaling paglalaro ng aming mga dila. Mataas na ang araw, bagamaât nasa gilid pa rin ito ng mundo.
Bumalik kami sa may tent. Kinuha ko ang stove sa tabi ng tent na natatakpan pa rin ng flysheet. Habang binobomba ko ang stove ay nilagyan ni Joanne ng tubig ang cookset. Pagkasindi ng stove ay ipinatong dito ni Joanne ang cookset. Habang hinihintay na kumulo ang tubig ay pinunasan namin ng tissue paper ang aming mga tasa at kutsarita na mamasa-masa pa sa hamog.
Kanina habang hinihintay namin ang pagsikat ng araw ay tinanong naming muli ang aming mga sarili kung sino ang dapat sisihin sa patutunguhan ng aming relasyon, o sa kawalan ng patutunguhan nito. Pero wala kaming makitang kasalanan o pagkakamali, kung kasalanan nga o kamaliang matatawag ang aming pagpapakasal gayong alam naming posibleng may hinihintay pa kaming ibang pag-ibig, o may ibang naghihintay sa aming mga iniimbak na pag-ibig.
At lalo kaming nagulat nang matanto naming hindi namin kailangang maghanap ng kasalanan para tapusin lang ang aming relasyon. Puwede namang wakasan ito nang walag galit sa isaât-isa, nang walang hintuturong nanduduro ng paninisi, nang walang pagkataong mawawasak, nang walang pusong masasaktan, nang walang kaluluwang mapupunit.
Noong isang taon ay muling bumalikbuhat sa Canada si Michael,dating boyfriend ni Joanne bago kami magpakasal. Alam ni Joanne na mahal pa rin siya ni Michael. Alam ko rin iyon. Pero tiyak si Joanne na hindi na babalik si Michael sa buhay niya dahil wala naman nang plano si Michael na umuwi ng Pilipinas. At wala rin namng plano si Joanne na sumunod sa Canada. Pero biglang nagbago ang mga pangyayari.
Muli ngang bumalik si MIchael, at sa Pilipinas na uli maninirahan. Akala ni Joanne ay hindi na niya mamahalin pa si Michael. Pitong taon na rin naman silang cut off sa isaât isa.
Pero hindi pala sa haba ng panahon sinusukat ang paghihiwalay. Hindi pala sa kawalan tinitimbang ang bigat ng pagkataong kinikipkip sa puso.
Buhat ng bumalik si Michael ay lagi silang nag-uusap. Alam ko iyon. At alam ko rin ang laman ng kanilang pag-uusap, lahat ng kanilang pag-uusap. Mula nang matiyak ni Michael na gusto pa rin niyang maging karelasyon si Joanne kahit kami'y kasal na, mula nang matiyak nilang dalawa na magsasama na sila, mula nang matiyak kong hindi seguridad ang kasal para mapanatili ang relasyon, mula nang tanggapin ko sa sarili ko na dapat ko nang pakawalan si Joanne, mula nang matanggap kong dapat ko na ring kumawala sa buhay niya, mula nang maging tiyak ang maraming bagay kahit alam naming ang katiyakang iyon ay puwedeng hindi talaga tiyak, mula noon ay sinabi ko na sa aking sariling tapos na ang aming relasyon kahit hindi totoong doon nagtatapos ang pag-ibig namin ni Joanne sa isaât isa.
Noong umpisa ay totoong mabigat iyon. Isang malaking kahangalan ang pawalan ang isang mahal sa buhay, laloât may basbas ng legalidad ang aming pagsasama. Subalit higit na malaking kahangalan ang ikulong ang kapwa sa legalidad ng pagsasama.
Iniangat ko ang takip ng maliit na kaldero. Hindi pa rin kumukulo ang tubig. Naihanda na ni Joanne ang kaning kaniyang isasangag.
âSino ang maniniwalang maghihiwalay na nga tayo?â sabi ko kay Joanne habangibinabalik ko ang takip ng kaldero.
Ngumiti si Joanne, lumapit sa tabi ko at kinusot-kusot ang buhok ko. âHindi naman kailangang may pag-awayan para maghiwalay,â sabi niya.
Hindi ako ngumiti. Tiningnan ko lang siya. Walang masamang ibig sabihin ang tinging iyon. Mugto ang kaniyang mga mata.
Kagabi ay umiyak siya. Nagsimula sa impit na paghikbi,hanggang sa siya'y mapaluha,at ang pag-iyak ay naging paghagulhol. Sorry siya ng sorry habang humahagulhol. Ang usapan kasi namin bago kami umakyat ng Pulog ay walang iyakan.
Kuwentuhan lang,konting halikan, konting dantay ng katawan at pag-aaral sa emosyon ng bawat isa; sa madaling salita, pamamaalam sa isaât isa, iyon ang dahilan ng climb na ito.
âHindi ka dapat mag-sorry. Walang dapat mag-sorry,â sabi ko sa kaniya habang mahigpit ko siyang yakap-yakap. âAt walang iyakan, usapan natin yan.â
Kamuntik na ngang hindi matuloy ang pag-akyat na ito. Hindi namin alam kung matatawa kami noong namimili kami ng mga pagkaing dadalhin namin para sa climb na ito. Para kaming naglalaro. At para ring corny na ang huling araw ng pagsasama namin ay sa ganitong paraan namin gagawin, kung paanong sa ganitong sitwasyon din namin sinimulan ni Joanne ang aming relasyon.
Kapwa kami noon aplikante ni Joanne sa isang mountaineering group. Boyfriend na niya noon si Michael. Ako naman ay may live-in partner noon, si Lizette.
Pareho namingmahal ni Lizete ang isaât isa, at pareho kaming hindi naniniwala sa kasal.
Pero ewan ko kung bakit isang araw ay nagising akong ang pakiramdam ko ay pagod na ako sa mga transient na relasyon. Gusto ko na ng permanence. Niyaya ko ng kasal si Lizette. Nang una kong sabihin iyon sa kaniya ay tinitigan lang niya ako nang matagal, parang hindi makapaniwalang ako nga ang nagsabi niyon sa kaniya.
Ilang beses naming pinag-usapan ni Lizette ang bagay na iyon. Iisa lagi ang kaniyang sagot, isang tiyak na iling.
Âťâ˘ÂŤ
Kumukulo na ang tubig. Inalis ko ang kaldero sa stove. Ipinatong ni Joanne ang maliit na kawali, isinunod ang bawang,nilagay ang kaning lamig.
Habang nagsasangag ay naghanda ako ng kape para sa aming dalawa. Iniabot ko ang tasa ni Joanne sa kaniya, humigop siya ng kaunti. Nilagyan ko ng creamer ang aking kape,humigop ng kaunti,nagsindi ng yosi.
Nahiwa na rin ni Joanne ang pagtatas na aming itotorta para sa agahan.
May isang makulay na ibong dumapo sa isa sa mga batong kumukubli sa stove laban sa ihip ng banayad na hangin.
Naalala ko ang isang lawing namataan namin ni Joanne nung minsang nag-long distance biking kami mula Maynila hanggang Bustos, Bulacan. Nasa Norzagaray kami noon,nasa tuktok namin ang araw nang matanaw ko ang lawing iyon na payapang lumilipad sa gilid ng bangin.
Nasa gilid ng bangin ang kalsada. Mayabang subalit tahimik na tahimik ang matayog na lipad ng lawin. Sandali kaming huminto ni Joanne sa pagba-bike. Iginilid namin sa may bangin ang aming mga mountain bike. Pingmasdan namin sa may bangin ang ibon sa paikot-ikot nitong paglipad sa burol. Tumingin ako sa ibaba. Nakalulula, nakatatakot mabuhay sa matayog na gilid ng mundo.
Sa ibaba ay naroon ang isang makitid na ilog. May ilang babaeng naglalaba,mga dalagaât matanda. Mayamaya'y lumayo sa kinaroroonan namin ang lawin, tinaasan pa ang paglipad, dumako sa loob ng bundok na nauubusan na ng puno..
Hinanap namin ang daan pababa sa may ilog. Inakay namin ang aming mga bike sa bato-batong footpath hanggang marating namin ang mas mabatong patag patungo sa ilog. Tinanggal ko ang aking helmet at shades,hinubad ko ang aking medyas,sapatos, at tishirt. Tumalon ako sa ilog at lumangoy patungo sa kabilang pampang kung saan naroon ang mga bataât mga babaeng naglalaba. Maligamgam ang tubig.
Sinenyasan ko si Joanne na sumunod sa akin. Umiling lang siya. Hihintayin na lang kita dito, sigaw niya. Nang marating ko ang pampang ay tumingin lang sa akin ang mga bata. Â Nagtawanan ang mga kababaihan. Â Umupo ako. Kinilig ako ng kaunti nang dampian ng tuyot na hangin ang aking katawan. Mapapasma ako sa ginagawa kong ito,pero hindi bale,sabi ko,minsan ko lang namang gawin ang ganito.
Pagkatapos ay bumalik ako kaagad sa pampang na kinaroroonan ni Joanne. Umiinom si Joanne ng tubig sa cannister, sa lilim ng isang punong mangga. Nagyaya siyang ipagpatuloy na ang aming pagba-bike. Muli kong isinuot ang pawisan kong damit. Naramdaman ko ang pawis at tubig na sumusuot sa aking katawan.
Sa gawing Bustos ay nadaanan namin ni Joanne ang isang dampa, at sa bintana ay nakatanghod ang dalawang matanda,malamang ay mag-asawa,na tahimik sa kanilang pagkakaupo, nakatingin lang sa labas. Sinundan ng kanilang mga tingin ang mabilis na pagdaan namin ni Joanne.
At bago pa namin marating ang bayan ng Bustos ay marami kaming nadaanang mga lumang bahay, paisa-isa,payapa,tahimik na nakatayo sa gilid ng kalsada, subalit tila ipinagyayabang ang kanilang katatagan, ang kanilang kasaysayan.
Nalungkot ako,napagod ako sa pakikipagtitigan sa mga lumang bahay.
Napaka-introspective ng pagba-bike. Parang mountain climbing. Nakiipag-usap ka sa iyong sarili. Nakikipag-usap ka sa paligid na iyong nadaraanan. Kadalasan, habang nagba-bike o naglalakad sa mga dalisdis ng bundok, ay naiisp kong napakaraming sandali ang basta-basta ko na lamang pinalilipas.
Napakaraming mga paslit na pagkakataong hinahayaan ko na lamang dumaan sa harap ng aking gunita. Dumarating na lang basta ang mga saloobin, mabilis na magdaraan sa aking harapan na parang aninong tinatangay ng kumpas ng liwanag, Â at sa ilang saglit ay wala na, hindi mo na maalala kung ano ang bagay na iyon,daig pa ang panaginip na kahit papaano ay may iniiwang tanda.
Sana ay ganito kapayapa ang lahat ng pagkakataon. Nakakapagod mabuhay sa pagitan ng mga saknong. Nakapanlulumong ikulong sa loob ng mga panaklong, na para bang kilala na ng iba ang iyong pagkatao batay sa mga kategorya kung saan ka nila ibinubulsa. Nakabubusal ang mga pagkakahong iyon.
At sa bawat pag-iwas sa itinatakda ng iba na depinisyon ng sarili ay ang kanilang walang-katapusang paghalughog ng iba pang mga kategorya upang ikaw ay kanilang maibuslo roon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila maintindihan na sarili lang ang makakapagpaliwanag ng sarili,na ang sarili,higit sa lahat, ay hindi rin naman kailangang ipaliwanag ang sarili. Bakit hindi hayaang malayang dumaloy ang malay?
Siguro, yung paghahanap ng kategorya, paghahanap din siguro iyon ng permanence. Kung gayon, parang may mali sa permanence. Mas okey pa rin yata ang transience.
Tulad ng transience ng lawing dahan-dahang nawala. Tulad ng transience ng sandaling iyon ng paglangoy sa ilog. O ng pamumundok, o ng pagpapalipad ng saranggola, ng araw na namumula sa dulo ng mundo. O ng pagba-bike, ng tanghod sa bintana ng matandang mag-asawa. O ng pakikipag-live in kay Lizette. Ng pag-alis at pagbalik ni Michael sa buhay ni Joanne, ng kasal namin ni Joanne, at ng paghihiwalay namin ni Joanne. O ng mga halik sa tuktok ng mundo, ng mga solitaryong buntong-hininga. Hindi na maibabalik ang mga iyon, hanggang doon lang iyon. At iyon lang iyon. At iyon 'yon. Nasa kanilang transcience ang kanilang permanence.
Bigla ko tuloy naisip na ang paghahanap ng permanence ay parang paghahanap sa inunan.
Minsan ay sinubukan kong mag-bike mag-isa, sa ruta pa ring madalas naming daanan ni Joanne. Pero no'n ay pinasok ko ang maliliit na rough road na hindi namin pinapansin. Mababato ang mga daang iyon. Tumatalsik ang mga batong tinitisod ng gulong ng bike, tumatalon sa mga damo sa gilid ng kalsada, ang iba ay gumugulong sa putik ng palayan, ang tunog ng bagsak sa putik ay parang sinasaksak na laman ng tao.
Nang muli kong titigan ang kalsada sa ilalim ng gulong ng aking bike ay nagmistulang kawan ng mga tuldok ang daan. Ibinaling ko ang aking ulo sa harap, nasisilaw ako sa liwanag kahit naka-shades ako, tumutulo rin ang pawis mula sa aking noo. Puro tuldok pa rin ang aking nakikita, libo-libong tuldok sa sa isang mahabaât nag-iisang kalsada sa gitna ng berdeng parang na iyon.
Tuldok, naghahanap ako ng tuldok sa buhay. Marami akong mga tinapos na relasyon na hindi naman talaga nagtapos sa tuldok. At gusto ko nang tuldukan ang mga bahaging iyon ng buhay ko. Maraming tuldok na puwedeng daanan. Pero hindi pala ganon kadaling mamulot ng mga tuldok.
Âťâ˘ÂŤ
Nahugot ko na ang pinakahuling peg ng tent. Naitiklop na namin ni Joanne ang tent, flysheet, at groundsheet. Nakapag-pack na kami at nililinis na lang namin ang campsite na ginamit namin.
Bago kami tuluyang bumaba ay sandali kaming tumayo sa may gilid ng tuktok. Inilibot namin ang aming paningin sa lahat ng kayang abutin ng aming mga mata, ang langit, ang ulap, ang mga bundok sa dulo ng mundo, ang mga damo sa maliliit at alon-along bundok sa ibaba. Isa pang buntong-hininga, magkakambal na buntong-hiningang pinakawalan din naman namin.
Huling sulyap iyon sa kabuuan ng lahat ng aming pinagsamahan ni Joanne, lahat ng aming minahal sa isaât isa, ng lahat ng aming itatapon, o kukupkupin, o kikimkimin.
Napakaliit ng pakiramdam ko nang mga sandaling iyon. Napakalawak ng mundo, napakatayog ng mga realidad, parang napakalayo ng mga katotohanan. Nagpakalayo-layo ang katahimikan at narito kaming sinasamantala ang natitira pang kapayapaang maaari naming saglit na isabuhay sa mga huling sandali ng aming pagsasama bilang mag-asawa.
Pumasok sa aking isip ang imahe ng mga mummy na nakita namin ni Joanne habang paakyat kami ng Pulog. Natahimik ako nang isa-isa kong makita ang mga bakas na iyon ng kamatayan. Hindi nga lang pala buhay ang nag-iiwan ng mga gunita, higit na maraming iniiwang alaala ang kamatayan.
Nasabi ko tuloy sa aking sarili na gusto kong mamatay nang maaga, di tulad ng matandang mag-asawang nakatanghod s bintana, di tulad ng mga lumang bahay sa gilid ng kalsada. Ano pa ba ang gagawin ko sa buhay kung wala na ang mga ka-batch ko sa mundo? Paano ba ako makikihalubilo sa isang henerasyong hindi ko naman kinabibilangan, sa isang mundong hinihintay na lang akong mawala, sa isang panahong nakikisama na lang sa akin?
Pero paano kong ihahanda ang aking sarili sa kamatayan? Gusto ko, kung kakayanin ko, at sana'y kayanin ko nga, ay ibalik ang aking kamalayan sa kalagayan nito noong ako'y nasa sinapupunan  pa ng aking ina. Ganoon naman sguro dapat isabuhay ang buhay. Mag-a-unload ako ng mag-a-unload ng mga bagahe ko sa buhay, mga bagaheng kusa kong pinulot, mga bagaheng ipinasan sa akin ng iba sa aking paglalayag,hanggang makabalik ako sa pinagmulan ng aking kamalayan.
Siguro kapag nagawa ko iyon, handang-handa na akong mamatay. Kahit hindi ko pa siguro naising mamatay, kusang-loob na yayakapin ako ng kamatayan, bukas-palad akong sasalubungin nito, parang isang kaibigang matagal nang di nakikita.
Noong mga sandaling iyon, 'yung kaming dalawa lang ni Joanne sa tuktok ng Pulog, 'yung aming-amin ang aming mundo, 'yung mga yugtong iyon ng pamamaalam sa isaât isa, noong mga sandaling iyon, ang pakiramdam ko ay kinikilabutan ang mundo sa aming kapaslitan.
Bumaba na kami ni Joanne.
Habang kami'y bumababa ni Joanne ay naalala ko ang isang bagay na pumasok sa isip ko noong ako'y bumababa sa tuktok ng Halcon. Sa bawat pag-akyat at pagbaba ng bundok ay lagiât laging may kaluluwang iniiwan, may kaakuhang nagbabago, may bagong identitad na binubuo.
Si Joanne, tiyak siya sa sarili kung saan siya pupunta pagkababa namin sa Pulog. Ako, saan kaya ako pupunta? Naalala ko ang sinabi sa akin ni Lizette nu'ng minsang kami'y mag-usap. Isang taon na kaming hiwalay noon, pero wala pa rin siyang karelasyon o kasama sa apartment na inuupahan. Sabi niya, hindi raw ganoon kadaling maghanap o bumuo ng relasyon,permanente man o transient.
Ano ang naghihintay sa akin sa ibaba? Bahala na, kung ano ang ibibigay sa akin ng pagkakataon, o kung anong pagkakataon ang puwede kong likhain para may mapuntahan ako.
Pero bago kami bumaba, corny mang sabihin, nangako ako kay Joanne, parang noong kami'y ikasal. Sabi ko sa kanya, 'yung iisipin kita habambuhay, iyon,tiyak ako, puwede kong ipangako iyon sa iyo. At 'yung mamahalin kita habambuhay, puwede ko na rin sigurong ipangako iyon sa iyo. Kahit hindi na tayo magkasama.
Ngumiti si Joanne. Pero hindi niya sinagot ang sinabi kong iyon.
Âťâ˘ÂŤ
Tara, Bundok!
Tama nga sila na ang nakakapagpapukaw ng damdamin ay ang mismong paglalakbay, dahil mas marami kang matutuklasan na ibaât ibang bagay tungkol sa sarili mo, sa kaligiran mo, o sa kung ano man ang mga bagay na naglalaro sa isip mo habang naglalakad ka. Bonus na lamang ang magandang tanawin na makikita at daratnan mo sa tuktok ng bundok na aakyatin.
Alas dose ng hatinggabi ang kitaan ng grupo namin sa Jollibee Cubao, Araneta. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung makakasama ako dahil wala akong pera noong araw na iyon. Sapagkat walang pasok at wala akong nailaan na badyet para paghandaan ang bakasyon. Â Mabuti na lamang ay bukod sa nakautang ako sa kaibigan kong nag-aya sa pag-akyat ng bundok, binigyan pa ako ng mga kapatid ko ng pera. Nakabuo ako ng 500 pesos na damage (terminolohiyang ginagamit ng mga mountaineers kung magkano ang maaaring magastos sa pag-akyat) ng âbudget climbâ namin, bukod pa ito sa ekstrang pera na natira sa wallet ko para sa ekstrang bilihin sa lugar.
Sampung minuto bago mag-alas onse, laking gulat ko nang sunduin ako sa bahay ng tatlong kamag-aral ko noong hayskul na kasama rin sa pag-akyat. Nagulat ako hindi dahil hindi ko alam na kasama sila kundi hindi ko alam na susunduin nila ako. At dahil nga alas diyes na noon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon kung sasama, hindi pa nakagayak ang mga dadalhin at isusuot ko. Kaya nang dumating ang mga kaibigan ko, hinugot ko na sa damitan ang itim na polong t-shirt na dry fit na madalas kong ginagamit talaga sa pag-akyat ng bundok, ang itim na leggings at short na binili pa ng nanay ko sa ukay-ukay, medyas (na may mga daliri) na kabibili ko pa lang noong tanghali sa Japan Home, at ang bandanas/headband. Sabay suot ng hiking sandals. Ganito talaga sa ang pag-akyat ng bundok, kundi kailangan balot ka para hindi mangitim, kailangan mo lang magsuot ng mga damit kung saan kumportable ka. Maaari ka ring magdala nang kung ano-anong gamit pamproteksyon sa araw, kanya-kanya nang diskarte. Karaniwwan naman kapag major climb, dapat expedition pack at balot na balot ang suot mo dahil may mga kailangang iwasan tulad na lamang ng mga limatik o leech â mga uod na tinatawag na Hematophagous o blood suckers. Kaya dapat ay manamit ka sa naaayon at hindi para magpa-impress.
Minor Climb lang naman ang aakyatin namin kaya lightpack lang ang dapat dalhin; tulad ng dalawang underwear, ekstrang T-shirt at shorts, pocket knife, sunglasses, payong, notebook at ballpen, scarf, toiletry kit (kasama rito ang toothpaste, toothbrush, alcohol, pabango, pulbos, salamin, at iba pang personal na medikasyon), cellphone at siyempre mawawala ba ang kamera, pang-selfie o pang-dokumento patunay na nakaakyat ka at para na rin maipakita o maipamahagi sa marami ang magandang tanawin na naranasan mong makita. Hindi mo na kailangan magdala ng gamit na hindi mo naman kakailanganin, ikaw, mga friends mo, tubig, ekstrang damit, sapat na. Maganda rin sana kung mayroon kang maliit na bag para doon mo maaaring ilagay ang mga importanteng bagay tulad ng wallet, cellphone, at kamera, para hindi nakakapagod magkuha nang magkuha mula sa likod ng bag, dagdag pa na  napakarami nitong laman, hassle talaga.
Nagmadali kaagad ako sapagkat nahiya naman akong paghintayin nang pagkatagal-tagal sa labas ng gate namin ang mga kaibigan ko. Huwag niyo akong gayahin dahil binasag ko agad ang una sa â7 Principles of Leave No Traceâ (upang maunawaan nang mas maigi ang The Leave No Trace for Outdoor Ethics maaari niyong bisitahin ang link na ito: https://lnt.org/learn/7-principles), ang âPlan Ahead and Prepareâ. Habang bitbit ang aking bag, ramdam ko sa likod kung gaano hindi ka-organisa ang mga gamit ko sa loob. Habang nagkukuwentuhan ay iniisip ko kung may nakalimutan ba ako dahil sa pagmamadali.
Habang nasa bus na kami patungo sa kitaan, napasigaw ako sa mga kaibigan ko, âHala tama! Wala akong dalang tubig.â Kung ano pa ang pinaka-importanteng dalhin iyon pa ang nakalimutan ko. Kasalanan ito nang paghahanap ko ng 1.5 na litrong bote ng Coca-Cola. Mas marami kasi ang malalagay na tubig dito at ganito rin talaga ang karaniwang ginagawa ng mga hikers. Kaya bumili na lamang ako sa 7/11 ng tubig at pagkain sa Jollibee para pananghalian ko mamaya.
Sa Jollibee, nagkita-kita na kaming grupo na aakyat. Anim lang ang kilala ko rito, iyong tatlo ay sumabit lang, nakita sa Facebook ang budget climb. Ganito ang karaniwang ginagawa nang marami, humahanap o nagse-search sa Facebook ng bundok na nais nilang akyatin, kaya marami ka talagang makikilala. Â Sampu kaming lahat na dapat talaga ay kinse, kaso nabawasan ng lima dahil nag-backout kalahating araw bago ang akyat. Medyo nainis at nagalit si Bryle, ang kaibigan ko na siyang organizer ng event, dahil inaakala niyang sigurado at okey na ang lahat ng sasama, iyon pala hindi. Mahirap kasi maghanap ng pamalit para sa mga nag-backout na nagsabi ng âG!â tapos biglang sasabihin na hindi sila pwede, e labing dalawang oras na lang noon bago ang pag-akyat. Isa rin ito sa mga dapat tandaan mo na katangian ng isang hiker, dapat magkaroon ka ng isang salita. Bawal na mag-backout tatlo o dalawang araw bago ang aktuwal na event ng pag-akyat, sapagkat nauunsiyami ang badyet. Dapat alalahanin din na ito ay isang âbudget climbâ lamang.
Nang makumpleto na kaming lahat dumiretso na kami sa nirentahan na van ng organizer. Dalawa sa harap, dalawang tao sa unang hilera, tatlo sa pangalawa at tatlo sa likod. Maluwag ang sasakyan kaya nang tuluyang umalis na ito, kanya-kanya na kaming pwesto para matulog dahil halos hindi kumulang isaât kalahating oras ang biyahe namin para makarating sa Tanay, Rizal.
Madilim pa nang makarating kami sa destinasyon. Tumungo na kaagad kami sa barangay kung saan kinakailangan naming mag-register. Pagkatapos, kumain muna kami sa karinderya na tatlong bahay lang ang layo mula sa barangay. Lugaw na may itlog (maganda ring magbaon ng itlog pampalakas). Pagkatapos kumain ay nagdasal at sinimulan na namin ang paglalakad. At dahil si Bryle ang oraganizer, siya ang magmimistulang sweeper (sila iyong karaniwang nahuhuli para siguraduhing walang maiiwan na tao at walang maiiwan na kalat) sa pag-akyat, at siya na rin ang TL (team leader) tutal isang grupo lang naman kami. Madilim at literal na wala ka pang makikita sa daan na kung saan sa maynila mistulang nag-blackout sa barangay niyo, kaya kinakailangan talaga ng flashlight (mabuti na lamang may flashlight ang cellphone na dala ko).
Lakad. Kuwentuhan. Tawanan.
Lakad. Kuwentuhan. Tawanan.
Sa una, ganito lagi ang senaryo; lakad, kuwentuhan, tawanan, na parang naglalakad lang kayo ng mga tropa mo sa mol o sa park.
Hanggang sa paglipas ng ilang minuto, bumungad na kaagad sa amin ang maliit na sapa. Hakbang sa maliit na bato. Sa malaki. Sa maliit ulit. Sa malaki. Sa maliit. Habang hawak-hawak ang flashlight na nagmimistulang gabay para maiwasang malubog sa tubig. Tinanggal ko muna ang medyas ko para hindi mabasa kung sakaling malubog sa tubig o malubog sa lupang basa dahil katatapos lang ata ng ambon doon. Natukoy lang namin dahil kumikislap ang dulo ng mga dahon sa tuwing natatamaan ng ilaw.
Kumukutikutitap. âWow, shems ang ganda!â para akong bata na ngayon lang nakakita ng alitaptap. Nakakakita na ako nito pero hindi sa sobrang dilim na lugar tulad ng bundok kung saan buhay na buhay ang liwanag nila. Nag-take 3 (take âxâ ang tawag kung ilang minuto kayong magpapahinga) muna kami dahil pagod na ang iba sa akiki na trail (akiki ang tawag kapag matarik at pataas ang trail). Matagal bago makaakyat ang isa sa mga kasama namin kasama ang sweeper/TL dahil pahinto-hinto siya. Pagod na pagod naman ang isa sa miyembro ng kabilang grupo dahil sa totoo lang malaking babae siya, mataba sa madaling sabi. Karaniwan ang ginagawa naming mga hikers sa tuwing makakakasalubong kami ng mga taong pasuko, pagod na pagod, at umaayaw na, pinapabaunan namin ng mga salitang magpapalakas ng loob nila sa pag-akyat at magbibigay ng pag-asa. At siyempre wala na rin naman silang magagawa dahil bukod sa nasimulan mo na, malapit na rin siya sa unang jump off (tawag sa lugar kung saan pwede kami manatili muna nang matagal para damhin lang ang hangin at tanawin, at mag-take nothing but pitcures) namin.
Marahil sa tingin ng iba maliit na bagay lang ang mga salita sa pagpapalakas ng loob, ngunit hindi nila alam na malaking tulong naman ito para sa isang taong pagod at nawawalan na ng pag-asa sa pagtuloy. Sadyang marami kang makakasalamuhang mabubuting tao sa katunayan isa pa nga sa paborito kong natutunan ay ang pagbati sa mga taong makakasalubong mo sa trail, hindi mo man kilala o hindi. Sabayan pa ng mga matatamis nilang ngiti na akala mo ay hindi pagod sa pag-akyat. Para kasi sa akin, nakadadagdag ito ng pampalakas ng loob na magpatuloy at nakakapagpabawas ng sakit ng katawan at pagod. Ang mga kaibigan mo mismo ang nagpapahalaga sa pag-akyat mo, sabi nga nila hindi lahat ng bagay kaya mong gawin sa sarili mo kailangan din nating tanggaping kung minsan na kailangan natin ang ibang tao. Ang pagtulong sa iyo ng ibang tao ay hindi nangangahulugang mahina ka, kailangan mo lang tanggapin na may limitasyon ka rin bilang tao, at hindi ka isang superhero.
Take nothing but pictures, isa rin sa katangian ng mga hikers; una, wala kang kukunin na kung anong bagay sa bundok kahit bato para sa remembrance o souvenir mo, kapag ginawa mo ito isa kang iresponsable; pangalawa, iiwan mo ang lahat ng wirdo o kakaibang bagay na makikita mo sa bundok, iwan mo na rin ang feelings na nakakapagpabigat sa iyo at iwan na rin ang mga nararamdaman mo sa kanya o iyong mga sakit na binigay ng taong mahal mo. Ito kung minsan ang rason ng mga hikers o ibang tao kung bakit sila umaakyat ng bundok, para makalimot sa mga bagay na nakakapagpabigat sa kanilang puso o damdamin. Talagang puro hugot kami habang naglalakad, isang magandang dahilan din para makapag-usap kayo ng mga hindi mo kakilala kasi sakayan lang kayo sa kakulitan ng isaât isa. Kung gusto mo ipakita sa iba pwede mo namang kuhanan na lang ng larawan ang mga bagay na nakita mo; pangatlo, bawal ka rin mag-ukit sa puno o mangielam basta-basta; at gayundin ang pinakaimportante, siyempre bawal kang mag-iwan ng basura o kung ano mang kalat, kung makakita ka man pulutin mo at ilagay sa ziplock o garbage bag na dala mo (dapat lagi kang may dala nang lalagyanan ng basura, hâwag akong tularan na hindi rin nakapagdala kaya nilalagay ko na lang sa kaibigan ko). Ang pag-akyat sa bundok ay usapin lang ng disiplina at respeto, disiplina sa sarili at sa pakikitungo sa ibang taon at respeto sa kalikasan, mga lokal nito, at gayundin sa ibang tao.
Sa pag-akyat hindi mo kailangan magmadali, hindi ito usapin kung sino ang nauna o nahuli. Pagkatapos nang lahat, kung minsan mas mapagtatanto mo pa nga na mas importante at masaya pala talaga ang karanasan mo habang umaakyat, dahil dito mismo ipaiintindi at ipagtatanto ang mga bagay na kailangan mong tandaan, sa pagsabak sa buhay. Ibaât ibang realisasyon ang ipaiintindi sa iyo habang nasa kondisyon kang pagod na pagod, pawis na pawis, at pakiramdam na nais mo nang sumuko. At masilayan at marating ang tuktok ng tagumpay (bundok) ay isang bonus lang, sabi nga nila ito lang ay ang magmimistulang icing sa ibabaw ng keyk.
Dumating kami sa jump off, na isa sa pinakamagandang lugar para makita ang mgandang tanawin. Halos mapapamura sa ganda ng âsea of cloudsâ, sabayan pa ito nang paguhit ng kono ng bundok habang papataas ang araw. Napakagandang tanawin, wala akong masabi. Sa unti-unting pagtaas at pagpapakita ng araw, unti-unti rin nitong ginagamot ang pagod ko hindi lang sa pag-akyat kundi pagod ko sa mga nakaraang araw at nakaraang semestre, unti-unti nitong pinapadama ang bagong simula ng araw, ng mga susunod na buwan, na taon. Napakasaya lang pagmasdan ng dagat ng ulap na nagtutukso sa akin na tumalon, baka sakaling saluhin at yakapin ako ng mga ulap.
Pagkatapos ay kumuha na kami ng larawan na malamang, ang natatanging patunay ng ganda at ng pinagpaguran mo. Ito ang magmimistulang premyo sa paglalakbay at magiging pintuan sa paglalarawan ng memorya. At kapag tapos ka na at nakuha mo na ang magandang anggulo sa mga larawan, umalis ka na sa pwesto kung saan maganda ang tanawin. Ipaubaya naman sa iba para sila naman ang magkaroon ng pagkakataon na masilayan ang ganda, dahil tulad mo o ko, pinagpaguran din nila ang pag-akyat kaya kailangan din nila ng premyo â give chance to others.
Ipinagpatuloy na namin ang lakad para makarating nangg maaga sa peak at makaligo pa kami sa falls. Habang naglalakad patuloy pa rin ang pagbati sa mga nakakasalubong, sa mga nakikitang nag-base camp at iyong iba naman nagbe-break camp na (break camp âyung mga nagtatanggal na ng mga tent, sila iyong nag-overnight sa bundok).
Sa tuktok, makikita ang unti-unting pagkawala ng mga ulap. Makikita na ang magandang taanwin at iba-ibang bundok sa Tanay, Rizal. Ang sarap sa pakiramdam marating ang tuktok, may mahika na kung saan magpapalimot sa iyo na pagod ka. Hindi kami masyado nagtagal dahil may mga iilang grupo na rin na naroon, kaya dumiresto na kami sa falls.
Alas onse ng tanghali nang makarating kami sa falls, nakakapagod dahil assault ang trail. Pagdating sa falls, wala muna kaming usap-usap, diretso ligo at pagdating ng alas dose ay kumain na kami ng tanghalian. Tawanan, kuwentuhan, hugutan. Kung kanina hindi namin kakilala ang iba pa naming kasama, ngayon lubos na kaming magkakakilala. Na sigurado ako, dagdag na naman sa Facebook friends ko. At natulog ako saglit para maghanda sa pagbaba ng bundok. Pagkatapos nito, ibang senaryo na naman sa pagbaba. Hakbang, lakad, talon, tawanan, tuksuhan, hugutan. Pero sa pagbaba mas kumportable na kami sa isaât iba, at pagod ngunit masaya.
Pagdating sa van, matapos makapag-washup nang lahat, nagpaalam na kami sa Mt. Batolusong. At sabay pumasok at umikot na naman sa utak ko ang karaniwang tanong sa mga namumundok.
Ano ba ang nakukuha mo sa pagbubundok?
ayoko na ayoko ko na ipaubaya sa alak ang lakas ng loob ang mga balak na ikaw ay ligawan ayoko na ayoko na ulit sumabak dahil baka marinig ko ulit, ang "ayoko nga"
mahal kita kahit masakit ka sa ulo okay lang na maramdaman ko 'to araw-araw pinapasaya mo naman ako. - para sa alak.
magtitinginan na lang ba tayo? sayang ang lamig ng gabi.
mahirap magpaubaya sa pagkakataon walang kasiguraduhan walang pinanghahawakan baka umasa na naman ako tapos iiyak masasaktan.
mahalin mo ako nang walang pagdududa suyuin mo ako nang walang pangamba hawakan mo ako nang walang pag-aalinlangan maranasan ko man lang.
Pag-ibig Sa Gitnang Silangan
I
âBabe, kita tayo sa coffee shop ng 5 p.m. after ng work ko.â
Ito ang text message na natanggap ko mula kay Jay. Ayaw ko mang pangunahan ang mangyayari pero parang sumama ang kutob ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali simula nang mag-text ito sa akin. Marahil siguro nabalot ako ng pagtataka kung bakit ganoon na lamang ang text niya. Alam kong hindi iyon basta-basta mag-aaya at sasabihing magkita kami.
Parehas lang ang tinutuluyan namin dito sa Lebanon. Nasa iisang apartment lang kami kaya alam ko na ang bawat eksena sa pang-araw-araw na pamumuhay naming dalawa; sa tuwing pupunta kami sa mall at mamimili ng grocery, sinusundo na muna niya ako sa trabaho. Bago kami pumunta sa restaurant, maghihintayan na muna kami sa apartment para pagdesisyunan kung magluluto pa ba kami o maghahapunan na lang sa labas. At âpag tapos na kami maghapunan, madalas dumidiretso na kami sa coffee shop para magkape, tumambay, mag-usap, at magyosi.
Pagbaba ko ng taxi galing sa trabaho natanaw kong wala pa si Jay sa coffee shop, at wala pa rin ang sasakyan niya sa paradahan. Um-order na lang muna ako ng tinapay habang naghihintay, para sabay na kaming magkakape at magyoyosi âpag dating niya. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit biglang nag-iba ang routine namin. Tapos nakadagdag pa sa pag-aalala ko ang hindi niya paglagay ng âingatâ, âsee youâ, â I love youâ o kahit emoticon na smiley man lang sa text, buti na lang may âbabeâ.
Biglang may tumapik sa balikat ko. âHuy! Kanina ka pa?â âKeri lang, hindi naman masyado.â âBakit ka nakatulala?â
âWala lang! Alangan naman kausapin ko ang sarili ko, e âdi para akong baliw dito.â
Tumawa lang si Jay. Ngiti ang bungad niya sa akin kaya naman nahimasmasan ako nang kaunti. Pero ang pinagtataka ko, bakit parang hindi ito mapakali.
âAko na ang mag-oorder a...â âSige lang! Libre mo naman âdi ba?â
âOo na!â
Alam na ni Jay kung anoâng kape ang i-oorder niya para sa akin, sa dalas ba naman naming magkape. Tinigil ko na rin ang pagtataka dahil mukhang ayos naman ang lahat.
âO, âeto na ang paborito mong Hot Chocolatte!â âSalamat!â Hinihintay ko na siya ang unang magsalita at sabihin kung bakit bigla siyang nag-aya.
Subalit kumuha lang si Jay sa in-order kong Banana Cake. âAng sarap pala nito, âno?â
âNgayon mo lang ba natikman âyan?â
Tumango lang siya habang nginunguya ang pagkain sa loob ng bibig. Ako na muna ang naunang magsalita.
âBakit ka nga pala biglang nag-aya, âdi baât nag-aaya ka lang dito pagtapos ng hapunan o kaya âpag wala lang tayong pasok kinabukasan?â
âWala lang, masama ba?â âNagtatanong lang!â âHindi, kasi gusto ko lang mag-usap tayo.â âTungkol saan? Pwede naman sa apartment na lang âdi ba, pagkauwi, bakit dito pa?â âA, kasi gusto ko lang sabihin sa âyo na sa biyernes na ang lipad ko pauwi sa Pilipinasâ Dito biglang nagpantig ang tainga ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. âHa, bakit biglaan naman yata?â Hindi ako nagtaas ng boses, sinusubukan kong kumalma dahil nasa coffee shop kami.
Matalino rin talaga itong si Jay e, kaya pala dito niya ako dinala para hindi kami magsigawan. âE, kasi sa isang buwan pasko na âdi ba? Ikaw, hindi ka ba uuwi para sabay na tayo? Kasi gusto ko sanang makasama naman ang mga bata, pati sila mama at papa. Dalawang taon na rin
kasi akong hindi nagpapasko sa Pinas. Nakaka-miss!â Hindi ako umimik at tumingin na lamang sa kawalan. Sinasabi ko na nga ba,
naramdaman ko nang hindi magiging maganda ang araw na ito para sa amin ni Jay. Limang taon na sa Lebanon si Jay at ako naman tatlong taon. Alam ko na ako ang dahilan kung bakit sa dalawang taon na iyon ay hindi niya magawang umuwi sa Pilipinas. Ito rin kasi iyong mga panahon na kami na. Tatlong taon simula nang magkakilala kami at maging malapit sa isaât isa. Dalawang taon siyang nagtiis na hindi umuwi ng Pilipinas para hindi ako mag-isa sa tuwing magpapasko at bagong taon, dahil ito iyong mga panahon na hindi pa ako maaaring umuwi. Alam kasi ni Jay ang pakiramdam ng nag-iisa at walang kasama, sapagkat naranasan niya ito, kaya ayaw niyang maranasan ko rin iyon. Dalawang taon na kami, alam kong straight siya â straight nga ba siya? â at may naiwang pamilya sa Pilipinas.
Hindi ko alam ang sasabihin. Ang alam ko lang ay talagang napakabait ni Jay, kaya nga hindi niya ako iniiwan. At pasalamat pa nga dapat ako na nagpapaalam siya sa akin kahit na wala naman akong magagawa sa kung ano ang magiging desisyon niya. Subalit ang naglalaro sa isipan ko ay ang mga salitang âbataâ, âmamaâ, at âpapaâ. Na-corner niya ako sa mga salitang iyon, dahil wala naman akong panama kapag pamilya na ang usapan, kahit pa mag-hysterical ako at hindi ko siya payagan. Ngunit sa lahat, isa lang din talaga ang ikinatakot ko. Ang relasyon naming dalawa.
âHindi nga ako makakauwi âdi ba, kasi gusto ng boss ko na pagtapos na ng bagong taon ako umuwi ng Pilipinas.â
Naisip ko na masyado akong makasarili kung sabihin sa kanya na sabay na lang kami umuwi, tapusin lang namin ang bagong taon. Kaso naisip ko ring mabuting hayaan ko namang siya ang lumigaya at makasama ang pamilya at mga anak niya.
âTara na, Umuwi na tayo!â âBakit, galit ka ba?â âHindi, medyo sumakit lang ang ulo ko.â âMamaya na, hindi mo pa nga iniinom âyang kape mo o.â Alam kong alam ni Jay na nagtatampo ako. Pero para hindi na siya mag-alala, ininom ko
na muna ang kape at pinagsaluhan ang banana cake. âO, tapos na. Tara na?â
âSabihin mo munang hindi ka galit.â âAno ba, Jay? Sumasakit na nga âyung ulo ko e...â âE bakit ka nagkakaganyan?â âAno? Wala naman akong ginagawang masama a.â
âAnoâng wala? âyang pagpapalit mo ng mood!â
âPunyeta, bahala ka nga!â Tumayo na ako at tumungo sa kotse niya bago pa kami magsigawan sa loob ng coffee
shop. Alam ni Jay na bumebuwelo lang ako. Alam niya rin na gusto kong umuwi para sa apartment na lang kami, para mas kumportableng magpahayag ng damdamin. Ito rin siguro ang rason kung bakit pinili ni Jay na sa coffee shop kami mag-usap, para makapagtimpi, at maayos ang daloy ng diskusyon. Walang sigawan na magaganap at tago ang bawat emosyon.
II
âBabe, kita tayo sa coffee shop ng 5 p.m. after ng work ko.â
Ito ang text message na ipinadala ko kay Arvin. Habang nasa kotse, inisip ko kung tama ba ang ginawa ko. Hindi ko talaga nilagyan ng âI love youâ o kahit emoticon na kiss man lang ang mensahe, sinadya ko iyon. Sa puntong ito, naisip kong okey na sigurong âbabeâ na lang muna ngayon ang panghawakan niya. Namin.
Nang mapagdesisyunan kong uuwi ako ng Pilipinas. Naisip kong pansamantalang maging cold muna kay Arvin. Mali man, marahil ito lang siguro ang nakikita kong posibleng dahilan para mag-away kami at maging mabilis para sa akin na iwanan muna siya sa Lebanon. Subalit higit pa roon, mas nalilito ako ngayon. Ang hirap pa lang bumalik sa pamilya â asawa at anak â na iniwan mo nang matagal, tapos haharap ka sa kanila na may tinatagong kasalanan. Alam kong hindi kasalanan ang magmahal, at si Arvin, pero sigurado akong mali ang pamamaraan na ginawa ko.
Straight ako at alam ng nakararami iyon. Pero nang makilala ko si Arvin, hindi na ako sigurado sa kung ano nga ba ang sekswalidad ko. Sa limang taon kong pananatili sa Lebanon, hindi ko napigilang maghanap ng kalinga at pagmamahal sa iba; lalo paât iyong mga taong makapagbibigay sana sa iyo nito ay wala rin sa tabi mo. Kaya hindi rin kasalanan ni Arvin ang nangyayari sa amin, dahil parehas kami ng sitwasyon. Nasa malayo ang pamilya, ang kaibigan, ang mga kamag-anak, kaya siguro kami-kami na lang din ang nagkakaintindihan at nagsasabihan ng problema. Dagdag pa na puro kami trabaho, nangingibang bansa para kumayod ng pera, sama-sama at nagtitiis sa iisang gusali kung saan hiwalay ang lalaki at babae. Sa kabila ng hirap, hindi mawawala sa amin ang humanap ng ligaya. At dahil tao lang, mahina at mapusok, dinadapuan din naman kami ng tukso, ng tawag ng libog. Kaya nga siguro nabuo ang relasyon namin ni Arvin.
Natanaw ko na mula sa labas si Arvin, nakatulala. Ano na naman kaya ang iniisip nito. Ipinarada ko na muna ang kotse at saka pumasok sa coffee shop. Tinapik ko sa balikat si Arvin.
âHuy! Kanina ka pa?â âKeri lang, hindi naman masyado.â âBakit ka nakatulala?â âWala lang! Alangan naman kausapin ko ang sarili ko, e âdi para akong baliw dito.â Binubungad ko na ang ngiti ko kay Arvin, dahil alam kong mapapalitan ito mamaya ng
simangot at kunot ng noo. âAko na ang mag-oorder a...â âSige lang! Libre mo naman âdi ba?â âOo na!â Ako na ang nanlibre dahil bukod sa ako ang nag-aya, alam kong masasaktan ko ang
damdamin niya maya-maya. âO, âeto na ang paborito mong Hot Chocolatte!â âSalamat!â Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Kaya tinikman ko muna ang in-order niyang
banana cake baka sakaling makakuha ako ng lakas ng loob. âAng sarap pala nito, âno?â
âNgayon mo lang ba natikman âyan?â
Tumango lang ako habang nginunguya ang pagkain. Mabuti na lamang at si Arvin na ang nagsimulang magsalita, hindi na ako mahihirapan ipasok ang nais kong sabihin sa kanya.
âBakit ka nga pala biglang nag-aya, âdi baât nag-aaya ka lang dito pagtapos ng hapunan o kaya âpag wala lang tayong pasok kinabukasan?â
âWala lang, masama ba?â âNagtatanong lang!â
âHindi, kasi gusto ko lang mag-usap tayo.â
âTungkol saan? Pwede naman sa apartment na lang âdi ba, pagkauwi, bakit dito pa?â âA, kasi gusto ko lang sabihin sa âyo na sa biyernes na ang lipad ko pauwi sa Pilipinasâ Naramdaman ko kaagad ang pagpalit ng emosyon ni Arvin nang banggitin ko ang
tungkol sa pag-uwi ko sa Pilipinas. âHa, bakit biglaan naman yata?â Mabuti na lang dito ko si Arvin dinala sa coffee shop, dahil alam kong hindi ito
iskandalosong tao. May pinag-aralan ito, tapos siya ng narsing kaya yakang-yaka niya ang magtimpi.
âE, kasi sa isang buwan pasko na âdi ba? Ikaw, hindi ka ba uuwi para sabay na tayo? Kasi gusto ko sanang makasama naman ang mga bata, pati sila mama at papa. Dalawang taon na rin kasi akong hindi nagpapasko sa Pinas. Nakaka-miss!â
Hindi na ito umimik. Alam ko nang mangyayari ang mga eksenang ito, na malaking isyu ito para sa kanya, para sa relasyon namin. Planado ko na ang bawat detalye, kumbaga sa pocket book, mahuhulaan mo na kung ano ang ending.
Tinitigan ko lang si Arvin. Nakatingin lang ito sa labas, bakas sa mukha niya ang kalungkutan na sa unang pagkakataon, iiwan ko siyang mag-isang magpapasko at magbabagong taon sa Lebanon. Alam kong maiintindihan niya kaagad ang sitwasyon dahil para sa kanya rin ito. Mabuti na ring matuto siyang mag-isa, tama na siguro ang dalawang taon na inihanda ko siya para rito. Naisip ko ring ilang taon ko nang hindi nakakasama ang pamilya sa Pilipinas, lalo na ang mga bata.
Isa lang ang sigurado akong iniisip ngayon ni Arvin, ang relasyon ko sa kanya. Namin. Kaya rin siguro pinaghandaan ko ang araw na ito, dahil pati ako, sarili ko, ay naguguluhan na. Natatakot din ako sa kung ano ang mare-realize ko pag-uwi sa Pinas. Nababahala ako sa kung ano ang kailangan kong balikan at iwanan, sa kung sino ang kailangan kong piliin at saktan.
Sa wakas, si Arvin na rin ang bumasag sa katahimikan.
âHindi nga ako makakauwi âdi ba, kasi gusto ng boss ko na pagtapos na ng bagong taon ako umuwi ng Pilipinas.â
Wala akong nasagot.
âTara na, Umuwi na tayo!â âBakit, galit ka ba?â âHindi, medyo sumakit lang ang ulo ko.â âMamaya na, hindi mo pa nga iniinom âyang kape mo o.â Alam kong nagtatampo si Arvin, hindi niya lang ipinapakita sa akin. Ininom niya ang
kape at tinulungan ko na siyang ubusin ang banana cake. âO, tapos na. Tara na?â
âSabihin mo munang hindi ka galit.â âAno ba, Jay? Sumasakit na nga âyung ulo ko e...â âE bakit ka nagkakaganyan?â âAno? Wala naman akong ginagawang masama a.â âAnoâng wala? âyang pagpapalit mo ng mood!â âPunyeta, bahala ka nga!â Tumayo na kami at tumungo sa kotse bago pa kami magsigawan sa loob ng coffee shop.
Alam kong bumebuwelo lang itong si Arvin. Alam ko na gusto na niyang umuwi para sa apartment na lang kami mag-usap, para na rin siguro mas kumportable kaming magpahayag ng damdamin. Pero para saan pa na pinapunta ko siya sa coffee shop para roon kami mag-usap, para makapagtimpi siya at maging maayos ang daloy ng aming diskusyon. Walang sigawan na magaganap at tago ang kanyang emosyon.
III (POV ni Arvin)
Pagdating sa sasakyan, magiging tahimik lang ang dalawa. Mahigit tatlong pung minuto. Dito magtatanungan ang dalawa tungkol pa rin sa pag-uwi ni Jay sa Pilipinas. Didiretsahin na ni Jay si Arvin tungkol sa maaaring mabago kapag bumalik na ulit si Jay sa Lebanon. Mabilis lang ang magiging usapan habang nakatingin si Arvin sa bintana ng kotse. Habang nagdadrama si Arvin, magbabalik-tanaw ito sa kung papaano ang unang salta niya sa Lebanon, kung paano niya nakilala si Jay, kung paano siya tinulungan nito, kung paano siya na-in love dito, at kung paano naging sila. Sa parte ring ito ilalarawan ang itsura at ang buhay ni Jay â 30; Straight na lalaki. Kasal sa asawa (dalawang anak), dating nagtatrabaho sa restaurant bilang cook pumunta ng Beirut, Lebanon dahil mas malaki ang offer na sahod sa kanya, limang taon na siya rito. Taga- Cebu.
IV (POV ni Jay)
Wala pa ring imikan ang dalawa pagkarating sa apartment na tinutuluyan nila. Dito na nagsunod-sunod ng tanong si Arvin. Mahinahon lang sa umpisa hanggang sa magkaroon nang kaunting sigawan. Sa bandang huli, lalapitan at magpapaliwanag si Jay hanggang sa malinawan at kumalma si Arvin, para na rin mabawasan ang bumabagabag sa isipan nito. Yayakapin siya ni Jay at lalambingin, dito mauuwi ang dalawa sa pagme-make love. Makakatulog si Arvin habang nakapatong ang ulo sa bisig ni Jay. Titigan lang ni Jay si Arvin habang natutulog. Magbabalik- tanaw naman si Jay sa kung paano niya nakilala si Arvin, kung paano niya tinulungan ito, kung paano siya na-in love dito, at kung paano naging sila. Sa parte ring ito ilalarawan ang itsura at ang buhay ni Arvin â 26; Feminine ang kilos pero bihis lalaki. Tapos ng Nursing pero pumunta ng Beirut, Lebanon para makipagsapalaran dahil walang mahanap na trabaho sa Pilipinas, tatlong taon na siya rito. Taga-Maynila.
Lalabas din dito kung gaano ka kumportable at paanong naglalabas ng sama ng loob at problema si Jay kay Arvin kaya na-develop ito.
V (POV ni Arvin)
Ihahatid ni Arvin sa Airport si Jay, magpapaalam na ito sa isaât isa. Magbibilin si Jay sa kanya ng paulit-ulit hanggang sa magkahiwalay na ang dalawa. Medyo magdadrama si Arvin habang tinitingnan si Jay palayo. Dito lalabas ang lahat ng pangamba niya sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila ni Jay, kung paano kapag hindi na ito bumalik. Iniisip niya rin kung ano ang mangyayari rito âpag nasa Pilipinas na. Magiging makasarili si Arvin sa pag-iisip ng kung ano-ano tungkol kay Jay. Palilitawin na rin dito ang detalye na hindi ito usapin ng âmoney for loveâ tulad ng mga tipikal na gay love story.
VI (POV ni Jay)
Habang nasa eroplano, hindi maalis sa isipan ni Jay si Arvin. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito, pero mananalangin na sana ay maintindihan din ni Arvin ang sitwasyon nila ngayon. Dito magtatalo na sa isipan niya ang asawa (dalawang anak), pamilya niya, at kung ano ang kahihinatnan nila ni Arvin. Aalisin nito si Arvin sa isipan. Mapupunta ito sa pagkasabik na makita ang pamilya niya. Sasalubungin siya ng kanyang mga anak at ng kanyang asawa, mararamdaman na ang pag-iwas nito sa asawa. Maiisip muli ni Jay ang magulong sitwasyon sa pagitan ni Arvin, niya, at ng asawa. Palalabasin na sa parteng ito, ang pinanghahawakang relasyon niya kay Celina, asawa ni Jay, at mga anak nito. Hindi niya mapipigilan ang sarili na isipin ang magulong sitwasyon. Unti-unti niya ritong tatantiyahin kung ano ang timbang ng bawat isa.
VII (POV ng mag-asawa)
Sa eksenang ito, mararamdaman na ni Celina na may problema. Pilit na tatanggi si Jay dito pero bandang huli magkakaaminan na. Magaganap ito sa kuwarto nilang mag-asawa. Aaminin kaagad ni Jay sa asawa na may karelasyon siya sa Lebanon. Hindi magwawala o maghi-hysterical si Celina dahil ayaw niyang madamay pa ang mga bata, na natutulog na, hanggaât maaari gusto rin nilang sila na muna ang mag-ayos. Magugulat lang ito nang aminin ni Jay na hindi babae ang kaagaw niya kundi isang bakla. Dito na mas iigting ang palitan ng mga salita sa pagitan ng mag-asawa. Dito na simulang magtatanong si Celina tungkol sa kung ano ba ang kulang sa kanya, kung bakit nagawa pa nitong manloko kahit na kasal na sila, kung anong meron si Arvin at nakipagrelasyon siya rito, kung si Arvin ba ang dahilan ng matagal niyang hindi pag-uwi at bakit sa dinami-rami ng ipapalit sa kanya bakla pa. Dito na rin sasabog si Jay, susumbatan niya si Celina na kasal lang sila pero wala siyang anak dito â ang anak ni Celina ay hindi kay Jay kundi sa dati nitong kinakasama. Ipapaliwanag ni Jay na iba magmahal si Arvin simula nang makasama si Arvin, maski siya ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Magtatalo ang dalawa, hanggang sa papiliin ito ng asawa sa kung ano ang gagawin niya. Lalabas ng kuwarto si Jay at magpapahangin sa labas.
Sa eksenang ito lalabas ang sumbatan, mga sikreto at kung ano-ano pang problema sa pagitan nilang mag-asawa. Dito pilit na ipagtatanggol ni Jay si Arvin. Sa bandang huli, padedesisyunin siya ng asawa pero ipangangalandakan at panghahawakan nito na kasal sila.
VIII (POV ni Jay)
âBabe, kita tayo sa coffee shop ng 5 p.m. See you! ďâ
Gaya sa umpisa ng nobela, magugulat si Arvin dahil biglang nag-text muli si Jay sa kanya at hindi lang basta text, may âbabeâ, âsee youâ, at emoticon na. Makikipagkita siyang muli sa coffe Shop, hindi para bumalik sa kanya ngunit para magkaroon sila ng closure. Dahil tatapusin na ni Jay ang ugnayan sa pagitan nila. Ipapaliwanag nang maigi ni Jay kung ano ang mga nangyari sa Pilipinas. Matagal silang mag-uusap. Sa bandang huli, maiintindihan ni Arvin si Jay sapagkat alam niyang may asawa ito at mare-realize na kahit saan ang destinasyon na uuwian nila, na kung ipagpapatuloy ang relasyon sa pagitan nila, mananatili lamang itong bawal; sa pamilya, sa diyos, sa Pilipinas, sa Lebanon. Sa huli, magkakasundo silang maging magkaibigan na lamang. Hanggang sa magpaalam na si Arvin para pumasok at makikita naman si Jay na mananatiling nakaupo sa coffee shop, kakainin ang banana cake, sabay ngingiti. Indikasyon na masaya siyang okey sila ni Arvin.
Sa eksenang ito ipapakita kung ano ang naging desisyon at kung saan humantong ang usapan ni Jay at ng kanyang asawa na si Celina bago pa ito bumalik sa Lebanon. Kung saan pag- uusapan ang magiging desisyon ni Jay na babalik ng Lebanon para magtrabaho at kausapin si Arvin. Magiging okey ang lahat sa pagitan ng mag-asawa. Ginawa ko ring POV ni Jay upang mas malakas ang dating na isang âstraightâ na lalaki ang maglalahad ng huling eksena o magtatapos ng kuwento.
TSISMIS: Isang Daluyan ng Ibaba at Itaas
      Isang Gabi sa Quezon Avenue, siguro iba ang maiisip mo kung babasahin ang titulo ng libro ni Mar Anthony Simon Dela Cruz. Haba ng pangalan! Alam mo bang halos dalawang araw din akong nakipagtsikahan sa kanya. Nagkasundo kaming dalawa dahil sa tsikahan na sing-init ng pandesal sa umaga ang mga ibinalita niya sa akin. At tulad nga ni Simon, sing-ingay din ng bubuyog kapag nagtsitsismisan ang mga tsismosoât tsimosa sa lugar namin. Siguro nga, hindi na talaga mawawala ang ganitong pag-uugali ng mga tao; ang sumagap ng umaatikabong balitaât impormasyon sa paligid.
     Binasag ni Simon ang negatibong paniniwala sa salitang âtsismisâ, na ang pagpapakahulugan nga niya rito mula kay Aldana, ay ang mga bali-balitang walang sapat na katibayan, ngunit hindi rin naman masasabing lubos na walang katotohanan, na kumakalat sa talikuran ng iba pang tao. Sa kanyang akda makikita ang mas malalim na pagpapakuhulugan ng tsismis, mula sa negatibong dinudulot hanggang sa silbi at bisa nito. Pinokus at nilinaw niya sa mga sanaysay ang hindi matatawarang kapangyarihan na binibigay ng tsismis sa mga naisasantabing uri. Subalit ito rin ang ipinalaman niya bilang pangsangga at panlaban para sa mga naghahari at pwersang umaapi. Ang mga kwento-kuwento, sabi-sabi, bulung-bulungan, alingasngas, usap-usapan, at bali-balita, ang magsisilbing daluyan mula sa ibaba papuntang itaas, at mula sa itaas papuntang ibaba. Ito ang magiging kolektibong pangangalap sa mga problema ng lipunan at magiging panangga sa pagbaklas habang ginigising ang marami sa kamalayan.
Nakuwento sa akin ng awtor na sentro ng mga aktibidades ang bahay nila, mula sa kanyang mga tiyuhin at tiyahin, loloât lola, at mga pinsan na paroât parito sa bahay nila, hanggang sa mga tomador at mga kapitbahay na mahilig magsiyesta o maglaro ng tong-its at pusoy dos sa silong ng mangga nila. Â Halos nagmistulang umagahan, tanghalian, at hapunan na niya ang tsismis, kung pagkain nga lang ito, tiyak na busog na busog na siya.
      Tsinika niya na lubos siyang naapektuhan sa mga naririnig na tsismis tungkol sa pamilya. Nakuwento niya sa akin ang pagtatago ng tatay at nanay niya sa mga pinagkakautangan; sa mga Bumbay, sa naniningil ng utang nila sa bukid, at sa mga kasamahan ng nanay niyang guro sa elementarya. Ito nga rin ang dahilan para hindi makatakas ang pamilya nila sa mga sumasagap at nagpapalaganap ng tsismis. Ngunit patay-malisya lang ang mga magulang ni Simon, ang kinakatakot lang niya ay ang posibilidad na makulong ang mga ito dahil sa utang.
      Ang tsismis din ang nagbukas kay Simon sa realidad ng buhay. Katuwang ng kanyang tatay sa mga gawaing bukid silang dalawa ng kuya niya tuwing walang pasok. Sa pagsama-sama rito, nalaman niya na ang mga detalye sa kabukiran katulad na lamang ng pagpepresyo at maging ang buhay ng mga kapwa magsasaka. Sa tuwing may pagtitipon at okasyon naman, isinasama siya ng kanyang nanay sa eskuwelahan kung saan nakasasagap siya ng mga impormasyon tungkol sa mababang sahod at paghahabol ng mga guro sa pinagkakautangan at mga umuutang. Sa bahay nila, sa bahay ng kapitbahay, sa bukid, sa eskuwelahan, at sa palengke, ang mga lugar kung saan nasagap ni Simon ang mga kaalamang natutunan niya sa labas ng paaralan. Lalo na ang mga isyung panlipunan; tulad nang banggaan ng may-ari ng lupa at magsasaka at mababang pagpapasahod. Kaya naman labis siyang nalungkot ng itapon siya sa kongkretong gubat mula sa lupang kanyang kinalakihan.
      Mula sa luntiang bukid at matayog na bundok na probinsiya ni Simon, papunta sa mausok, maingay, at magulong kaligiran ng Maynila, mas lumawak ang pandinig ng tainga niya sa ibaât ibang alingasngas ng magkasalungat na mundo. Hindi pa rin daw siya nawawalan ng impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa kanilang bayan sa Isabela, sapagkat madalas bumisita ang kanyang nanay sa tinitirhan niya sa Paranaque. Wala mang pasalubong, solb na siya sa mga masabaw at malinamnam na mga balita nito.
      Pagsawsaw sa mga usapan talaga ang naging interes ni Simon simula pa noong bata. Lumaki siya sa mundo ng mga alingasngas; ikaw ba naman makasama ang mga katrabaho ng nanay niya sa eskwelahan, ang mga magsasaka, at ang mga tomador at naglalaro ng tong its at pusoy dos sa silong ng mangga. Na mas lalo pang tumalim nang mapadpad sa lugar kung saan mas marami ang bulung-bulungan na makakalap at tsismosoât tsismosang makakatunggali sa pakikinig at pagsasagap ng detalye. Sa paghasang ito, tsismis ang naging kasangkapan ni Simon bilang armas. Ayon nga sa kanya, ito ang lumikha ng mapa ng bituka ng lungsod.
      Tsismis ang naging instrumento at ginawang katuwang ni Simon upang makalikha ng mga akda. Halata mong mahilig sa mga showbiz talkshow at matsika talaga si Simon, dahil sa mga wikang ginagamit niya. Kung kaya hindi rin siya nahirapang pagsamahin ang tauhan at ang sarili niya. Kolokyal siya kung magsalita, bakla kung bakla, tambay kung tambay, matigas kung matigas, Ilokano kung Ilokano. Halata mong maalam siya sa wika ng masa o ng karaniwang tao. Madarama mo ang pinanggalingan ng tauhan, kahit na kung minsan mahirap na pag-ibahin ang isa sa isa dahil parang si Simon na ang nagsasalita at hindi na ang karakter sa kuwento. May mga pagkukulang at kamalian rin sa gramatika tulad ng paggamit ng ângâ at ânangâ, at iba pang detalye tulad ng imbis na âNatyâ, âCoraâ ang nailagay sa akdang Happy To Serve. Dagdag pa ang ilan sa mga clichĂŠ na pangungusap.
      May mga kailangan pang linising detalye sa mga akda ni Simon subalit matinding kaaliwan naman ang binuo nito. Marami siyang ipinakilala sa akin, na nakatsismisan din namin; sa Pasakalye na hindi ko man lang nakilala kung sino ang mga katsismisan ko dahil nakitsismis lang talaga ako, tungkol nga ito sa tsismis ng pang-aabuso sa kasambahay. Ganda nang pagkakasulat niya rito!; dinala niya ako sa San Mariano at nakilala ang pamilya nila Mila, Bong, Berto, at Jonjon, at sina Myrna, Berting, Tonyo, at siyempre ang bwisit na Mayor nila. Malalaman mo ang karahasan sa kanayunan; pinunta rin niya ako sa Apartment para itsismis ang mga nangungupahan doon, sina Cocoy, Pinky, Alvin, Maki, Aling Tessie ang landlady na ubod ang pagkatsismosa, at si Mang Oscar na asawa ni Tessie, na katuwang niya sa tsismis; Pinahulaan niya rin sa akin sa Da Who ang young actress na hindi pa sikat, e astang diva na at harap-harapan pang minura ang isang reporter at nanabunot ng makeup- artist at nag-walkout pa sa isang batikan director. Siya ay walang iba kundi siâŚ
Nakinig din ako sa usapan ng mag-Darleng na sina Mang Felipe at Aling Ida habang magka-skype. Ito ay tungkol sa pangungulila sa asawang OFW kaya nakilala ko rin ang anak nilang si Mario at ang kapitbahay na si Ofelia; Nakitakbo naman ako sa kuwento ni Simon tungkol sa karanasan niya sa Isang Gabi sa Quezon Avenue at nainis kay Chuck Norris at Palito. Ito naman ay patungkol sa karahasan ng isang corporate slave sa lungsod; Naki-RIP naman ako sa pamilya ni Jake at nakipagkuwentuhan at sumagap ng tsismis kina Nards, Larrry, at Ruth. Ito ay tungkol sa pang-aabuso ng military sa kapangyarihan; Sinubukan ko ding makitsismis sa Happy To Serve, at makisawsaw sa magulong mundo ng mga kontraktuwal na sina Sonya, Laila, Cora, Hector, Noli, Malou, at Lita. Malalaman naman dito ang pang-aabuso sa mga empleyado at masamang dulot ng kontraktuwalisasyon;
Nakisiksik naman ako sa upuan ni Simon sa bus ng Victoria Liner habang katabi si Aling Hail-Mary-Full-of-Grace; Naki-gatecrash naman ako sa Reunion nila Marlo, na hindi ko na babanggitin ang iba pang tauhan dahil masyadong marami; Nakisabay naman ako sa Biyaheng L. ni Mel at sa kalibugan niya na rin. Makikilala mo ang isang pokpok na kumakapit sa patalim; at ang huli nakibasa lang ako sa tsismis ng page ng Celebrity: Jhake Vargas. Makikita mo rito ang ibaât ibang komentaryo sa tsismis bilang kumikitang industriya. Marami akong nakilalang tao at marami rin akong tsismis na nakalap sa pagsama kay Simon. Dami niyang kuwento pero makabuluhan naman. Dinala niya sa mas mataas na diskurso ang diskusyon at kahulugan ng tsismis
Ang tsismis ay nilalahukan ng lahat ng uri sa lipunan. Kaya naman ginamit niya ito sa pagsusulat. Ito rin ang naging tulay sa pagmumulat at paghahanap ng kalutasan sa mga isyung panlipunan. Ipinakita niya rito kung paanong ang tsismis din ang sagot sa mga problemang ito sapagkat dito rin lamang maaaring magsalpukan ang mga nasa itaas at ibaba.
Masaya at masarap makipagtsikahan kay Simon, kahit hindi mo pa siya nakikita sa personal. Marami siyang naibabahaging bulung-bulungan at alingasngas, gamit ang librong âIsang Gabi sa Quezon Avenueâ kahit na hindi ko nagustuhan ang titulo. Bumili ka, maiiba ang pagtingin mo sa tsismis. Kung gusto niyo makilala si Simon, makitsismis ka na! Sasamahan ka pa niya sa paglalakad sa Quezon Avenue.
NANG DUMATING SI KOKO SA BUHAY NI MAMA
Tatlong buwan na nang dumating sa bahay namin si Koko; puti at brown, na may itim, ang kulay niya. Malaking bulas, sobrang lambot dala nang makapal niyang balahibo at hindi masyado palagalaw, parang isang stuffed toy na naka-display sa Blue Magic Store. Lahat kami natuwa nang makita kaagad si Koko, lalo na si Mama na hindi naman talaga mahilig sa aso.
Ilang araw pa lang noon sa amin si Koko nang mamroblema na kaagad si Mama sa pambayad para sa buwanang bakuna at iba pang gastusin tulad ng sabong perla para raw maging sobrang puti ng balahibo, at shampoo na nagkakahalagang mahigit dalawang daang piso. Kapag pera ang usapan, hindi maiiwasang tumalak ni Mama lalo na kapag mainit ang ulo. Kaya nadadamay si Koko at ang mga gastusin nito. Palaging binabanggit ni Mama na mas mabuti pang ipamigay na lamang namin si Koko kaysa mapabayaan sa bahay at dahil wala naman kaming perang panggastos sa kanya.
Ilang araw din tiniis ni Koko ang mga pinagsasabi sa kanya ni Mama. Sadyang malaki talaga ang kumpiyansa kong mananalo si Mama kung may paligsahan lang ng matalak na nanay sa barangay dahil pati si Koko pinatulan. Malamang ako na rin ang maghahanda ng pa-tarpaulin ni mayor na may, âCONGRATULATIONS, MELISA SANTOS! PINAKAMADAKDAK NA NANAY SA HOLY SPIRITâ kung sakali man.
Sa araw-araw na diskusyon namin tulad na lamang nang pagpupumilit niyang isuot ko ang damit na binili niya sa ukay-ukay at pagtatalo namin kapag hihingi na ako ng baon tuwing papasok sa eskwelahan; nahasa na ang bilis nito sa pagsasalita at pag- iisip sa tuwing may kontradiksyon sa pagitan namin. Aakalain mong may talumpati na nagaganap sa loob ng bahay o kung minsan nga siguro ay inaakala ng mga kapitbahay na, sa bahay ginaganap ang fliptop battle sa ingay namin dalawa. Pero bilang isang anak, malamang ako ang talo. Imbis na humaba pa, pipiliin ko na lamang lumabas ng bahay para hindi marinig ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Nitong kolehiyo ko lamang lubusang naunawaan ang ganitong pag-uugali ni Mama. Lumaki kasi siyang unica hija kaya bukod sa nanay at tatay na kasama sa bahay, mga pinsan ang madalas na kalaro niya. Mailap makipagkaibigan si Mama na hanggaât maaari ay sa loob lang ng bahay siya nananatili. Lumaki siya sa tradisyonal at naniniwala sa mga pamahiinâ tulad na lamang ng pagbawal niya sa amin na maligo tuwing gabi. Sa katunayan lagi niya kaming pinapaalalahanan tungkol sa pakikipagkaibigan; magbibigay lamang daw ito ng kapahamakan sa aming magkakapatid; masama lang daw ang maidudulot nito sa amin; at kesyo ganyan, kesyo ganoon. Sa liit ng mundo na kinagisnan ni Mama, sapagkat bukod sa hayskul gradweyt lang ang natapos niya, dahil nga maaga siyang nagbuntis, halos tatlong kaibigan lang ang nakukuwentong niya sa amin â na isa pa yata rito ang nagpawala sa tiwala niya kaya ganoon na lamang ang pagtanaw niya sa ibig-sabihin ng kaibigan.
Hindi masyadong nakikipag-usap o nakikisalamuha si Mama sa mga kapitbahay namin sapagkat marami siyang ginagawa sa trabaho at wala rin daw siyang pakiaalam sa mga tsismis ng mga tsismosang nasa labas. Natatandaan ko kasing nagalit din siya sa lola ko (nanay ng tatay ko), na isa ring miyembro ng grupo ng mga tsismosa sa amin. Ikinalat kasi niya na bili lang daw nang bili ng kung ano-anong gamit si Mama samantalang wala na ngang maibigay na pambaon sa akin. At parati na nga raw walang ulam sa amin, tapos nagawa pa naming mag-alaga ng aso. Subalit naiintindihan ko naman si Mama dahil nga anim na araw ang pasok niya sa trabaho at halos labing isang oras ang tinatagal nito.
Inis din ito sa hipag niya. Masyado raw kasing mataas ang tingin nito sa kanyang sarili at mayabang na akala mo kung umasta ay mayaman. Hindi ko alam kung paano niya nasabi, pero ang isang maliwanag na punto niya ay hindi man lang daw siya pansinin o kausapin nito, at kung minsan kapag nakakausap niya pa, puro hangin daw ang lumalabas sa bibig nito. Mas lalo pa itong nagalit nang minsang manghiram ako ng kamera sa pinsan ko dahil may photojournalism kontest akong sasalihan noon. Bago pa ang kompetisyon, nasira ang kamera ko kung kaya sinubukan kong manghiram na muna ng kamera sa pinsan ko. Sabi nito, magpapaalam na muna siya sa mama niya. Subalit kinagabihan bago ang paligsahan saka lamang tumugon ang pinsan ko na hindi raw pwede â gagamitin daw. Mas lalong siyang nagalit nang ikuwento ko ito. Muli na naman siyang nagbigay ng payo sa akin; hayaan ko na lang daw na sila ang humiram nang humiram sa amin ng kahit na anong bagay kaysa kami ang humiram sa kanila na bukod sa pahirapan makahiram, e pag-iisipan ka pang baka masira.
Oktubre taong 2015 nang mapilitang mag-resign ang mama ko sa Slimmers World International bilang isang service staff. Hindi niya kasundo ang pumalit na boss at pinag-interesan ang ilan sa kanila, kasama siya, na ilipat sa ibang branch na malayo. At dahil nga limampung taong gulang na rin si Mama, na sanay at mas kayang bumiyahe isang sakay pa-SM North Edsa kaysa bumiyahe pa-SM Megamall o Ortigas araw-araw, napilitan na siyang bumitiw na lang sa trabaho. Dagdag pa rito na marami sa mga kaibigan niya ang naglalagan tungkol sa mga isyu at problema ng kumpanya kaya napilitang umalis ang karamihan na halos dekada na sa kumpanya katulad niya. Kaya rin nadagdagan na naman tuloy ang pagiging pusong bato ni Mama sa konsepto ng kaibigan at kapwa.
Kasabay nang pag-alis ni Mama sa trabaho ang pagbigay nga ng isang kliyente niya ng asong shih tzu. Ayaw ni Mama sa aso dahil wala raw mag-aalaga, walang titingin, at walang gagastos. Pero dahil bigay sa kanya ito at wala siyang trabaho, kinuha at inilagaan ni Mama ang shih tzu; pinangalanan ko itong âKokoâ. At Ngayon sa pamilya, ito na ang nagmistulang bunso sa aming magkakapatid. Simula umaga hanggang sa gabi, tinitimplahan ng papa ko ng gatas at hinahandaan ng pagkain. Katabi rin ito nila Mama at Papa sa pagtulog; may mga laruan pa tulad ng stuffed toy at malilit na kotse.
Gayundin, may isyu man noong una si Mama sa bakuna, shampoo, at sabon ni Koko, kinalaunan ay nasanay na siyang ituring ito na para bang tao. Kasama niya rin kasi ito sa paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay, at pagdidilig ng halaman. Biniro naming magkakapatid si Mama tungkol kay Koko, tanong namin, bakit ganuân mas mahal pa ang shampoo at pampagupit ni Koko kaysa sa amin. Mas mahal pa ang kinakain at gamot niya sa tuwing nagpapaturok at nagkakasakit. Malamang, bilang anak, natalo na naman kami sa kadakdakan ni Mama; ang wika niya, mabuti pa nga raw si Koko, kahit aso, pinaparamdam nito ang pagmamahal niya. Samantalang kami porke malalaki na hindi man lang daw siya makadama ng pag-aasikaso at pag-aalaga. Kuwento niya sa amin nang minsang may sakit at hilong-hilo raw siya, humilata muna saglit sa sofa para magpahinga. Habang hinihilot daw ni Mama ang kanyang ulo, dinila- dilaan siya ni Koko na para bang hinahalikan ang parte kung saan sumasakit. At tumabi ito sa kanya, pagtingin daw ni Mama, nakatitig lamang ito nang matagal na parang nangungusap ang mga matang nagtatanong kung ano ang kailangan niyang maitulong.
Simula noon, nahilig na si Mama sa mga aso; palagi na siyang nag-sesearch sa google ng mga gupit at damit na para kay Koko. At dahil halos siyam na buwan na si Kokong nananatili sa bahay namin, unti-unti na ring nagbabago si Mama. Kung dati kaunting pagkakamali ko sa pagtanong kung nasaan na ang damit kong hindi pa napa- plantsa, nagagalit na siya dahil hindi raw ako marunong maghanap. Ngayon hahanapin niya na para sa akin nang hindi siya dumadakdak; kung dati hindi pala labas ng bahay at hindi nakikisalamuha sa mga tsismosa sa labas, ngayon ay nakikitsismis na rin siya; kung dati hindi niya masyado pinapansin ang tita ko, ngayon ay magkasundo na silang nag-uusap tungkol sa mga aso; at kung dati ang nakabusangot at nakakunot na noo ang bumubungad sa akin tuwing umaga, ngayon ay maaliwalas na mukha at palaging nakangiti na. At biglang sasabihin pa sa akin nito, âbuksan mo nga âyung T.V. at manuod tayo ng âMagandang Buhay!â â.
Pagtuklas sa Pambansang Identidad: Ang Wikang Filipino sa Araling Pilipino
Kadalasan kapag may nagtatanong ng kurso ko, iba-iba ang bersyon na sinasabi ko depende sa lebel ng panghuhusga sa taong kausap; Kapag taga-De La Salle University o DLSU, Ateneo De Manila University o ADMU, at University of the Philippines o UP, BA Araling Pilipino o BA Philippine Studies ang sinasagot ko. Sila kasi âyung mga taong wala nang tanong-tanong, marahil dala na rin siguro na dito sa tatlong unibersidad lang na ito ang mayroong Philippine Studies o Araling Pilipino na ino-offer.
Kapag taga-ibang school, â depende ito kung pakiramdam ko ay mauunawaan niya ang kurso ko â BA Philippine Studies major in Malikhaing Pagsulat minor in Broadcast Communication, ang kadalasan na sinasagot ko. Marami pa kasi silang tanong kapag BA Philippine Studies lang ang sinabi ko. Pahirapan na ngaâng magpaliwanag sa kanila, sasabihin pa âAno namang trabaho mo pagka-graduate?â baka mag-init lang ang dugo ko at kung ano pa ang magawa ko. At saka kapag kumpleto kasi ang binigay ko, bukod sa marinig lang nila ang Broadcast Communication at mapagtantong konektado sa midya ang pinag-aaralan ko, namamangha sila sa sobrang haba ng digri na kinukuha ko. Kaso kung minsan iyong iba, napagkakamalang âAraling Panlipunanâ ang digri ko kaya akala ay sa Kolehiyo ng Edukasyon ako.
Kapag medyo alam kong hindi na talaga maunawaan at hindi talaga alam, at HRM, IT, Tourism, at Engineering lang ang alam na kurso, diretsong Broadcast Communication ang sinasabi ko dahil alam kong mahaba-habang paliwanagan ang mangyayari. Kung BA Broadcast Communication, palagay ko kahit papaano alam naman na iyon ng kausap ko.
Subalit sa una pa lang naman, hindi talaga ito ang kursong pinili ko o gusto ko. Sa katunayan pakiramdam ko tadhana lang ang naglagay sa akin dito. Paano?
ARALING PILIPINO AT AKO
Taong 2012, hindi ko pa rin lubusang maunawaan ang sarili. Dalawang linggo na lang bago ang enrolment sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, kung saan ako papasok para magkolehiyo. Kay hirap sagutin nang mga panahong iyon ang tanong na, ano kayang kurso ang kukunin ko. Miyembro ako ng âAng Pananawâ, ang opisyal na pahayagang Pilipino sa eskwelahan namin noong hayskul na pinanlalaban sa ibaât ibang dibisyon; naging patnugot ng sirkulasyon, taga-sulat ng balita at editoryal, at taga-kuha ng litratong peryodismo ako. Sa tingin ko, siguro, sapat na rason na ang mga ito para kumuha ako ng kurso sa Mass Communication. At walang duda, iyon na nga ang nangyari. First choice; Broadcast Communication, second choice; Journalism, at ang third choice; Tourism Management â na nailagay ko lang naman dahil mahilig akong gumala, kumuha ng litrato, at magsulat. Pangarap ko kasi noon maging isang âtravel bloggerâ. Mula sa unang napili hanggang sa pangalawa, hindi ko nagawang makapasok sa College of Mass Communication dahil sa PUP, paunahan, ubusan ng slot, kaya wala akong ibang dahilan kung hindi ay subukang tanungin ang College of Tourism, Hotel, and Transportation Management o CTHTM kung mayroon pa bang slot para sa BS Tourism Management. Mayroon pa raw, wala akong choice kung hindi piliin ang kursong BS Tourism Management dahil baka mawalan pa ako ng slot.
Maliit, maiitim, hindi kagwapuhan pero madaldal at masayahin akong tao kaya kahit papaano pinilit kong ipasok sa kokote ko na bagay pa rin naman akong mapabilang sa naggagandahan, nagseseksihan, naggwagwapuahan, at nagtatangkaran na mga estudyante sa CTHTM. Kesa naman wala akong makuhang kurso, pinilit ko na ang sarili ko na kaya kong panindigan ito; na baka pwede naman ako maging tour guide, ground steward, o kaya sa cruise shift. Pero habang tumatagal noon, naisip kong magastos at mahal ang kursong napili ko. Bili ng dalawang set na uniporme, ilang mga libro kada semestre, bibili pa ng mga materyales sa pagluluto, pormal na damit para sa mga aktibidades, bayad sa mga conventions at events na ginagawa ng mga nasa higher batch, at siyempre hindi mawawala ang tour dito at tour dâyan, na kinakailangan puntahan dahil kung hindi mapipilitan akong mag-exam.
Balak ko na mag-shift noon sa BA Broadcast Communication dahil sa pakiramdam na sa midya talaga ang puso ko. Niyaya ako ng kaibigan ko na mag-transfer sa UP, subukan lang daw namin. Dalawang grado pa ang kulang ko noon para makumpleto ang 33 units na hinihingi ng UP admin, subalit hindi pa rin nag-aupload ng grado ang propesor ko sa PUP kaya napilitan na lamang ang UP admin na pansamantalang gawing singko ang dalawang grado na kulang ko para makapag-transfer ako. Pumayag ako at sinubukan kung makakapasok ang grado kahit na singko ang dalawa. 1.81 ang resulta ng general weighted average ko, kaso hindi pasok sa mga kursong gusto ko; BA Broadcast Communication, BA Journalism, BA Film, BA European Languages, BA Speech Communication, at BS Tourism Management, na kinakailangan ay kung hindi 1.50 ay 1.75.
Nawalan na ako ng pag-asa dahil halos math, science at engineering courses na lamang ang pasok sa GWA ko. Hindi ako magaling sa mga field na ito kaya hindi na sana ako tutuloy, pero mabuti na lamang ay nakausap ko si kuya Pabs na nasa Kolehiyo ng Arte at Literatura 101 o KAL 101. Iminungkahi niya sa akin na maaari kong kunin ang ibang kurso na ino-offer ng KAL; una kong pinili ang BA English Studies, pangalawa ang BA Art Studies, at ang panghuli ko ay ang BA Araling Pilipino. Sa tatlo, ang BA Araling Pilipino ang wala akong kaalam-alam kung ano nga ba ang pinag-aaralan at anoâng klaseng kurso ba ito. Pero sinubukan kong mag-exam at puntahan ang interbyu ng bawat isa pwera lamang sa BA Art Studies. Hindi ako pumasa sa BA English Studies kaya napunta ako sa BA Araling Pilipino. At taong 2013 nga nang magsimulang magulantang ang utak at puso ko.
Taong 2013, nang magsimula ang kalbaryo ko sa pangangapa sa kursong BA Araling Pilipino. Wala akong ideya sa kung ano ba ang klase ng kurso ito, kung ano ba ang matutunan, kung ano bang pag-aaralan, at siyempre, kung ano ba magiging trabaho ko.
ARALING PILIPINO/PHILIPPINE STUDIES
Noong hayskul pa lang, ako na ang nakatoka tuwing Agosto na pangunahan ang mga patimpalak gaya ng sabayang bigkasan, talumpati, poster making, at slogan contest. Halos lahat, pati nga ang pagsasayaw ng folk dance. Hindi ako magaling sa sabjek kong Filipino pero isa ito sa pinakamataaas kong grado. Hindi rin maitatangging kakabit ko na ang pagmamahal sa wika, at pagiging makabayan, kaya naman nadala ko ito hanggang sa magkolehiyo. Sa PUP mayroon kaming sabjek noon na Komunikasyon Sa Wikang Filipino na halos napeperpek ko ang eksam at kahit ako hindi ko alam kung bakit parang iba talaga ang pakiramdam ko kapag Filipino ang klase, enjoy na enjoy ako â bibo kid pa nga. Gayundin, first year college noon nang pasalihin kami ng aming propesor sa sabayang bigkasan kung saan maglalaban-laban ang lahat ng first year college ng ibaât ibang kurso. At dahil bihasa na sa mga patimpalak noong hayksul, nataon na ako ang inatasan na mamuno para sa klase. At sa kauna-unahan pagkakataon mula sa BS Tourism Management, nasungkit ng kolehiyo at ng seksyon namin ang unang karangalan. Tinalo ko pa nga ang propesor namin sa walang sawa kong pagmamalaki sa mga kamag-aral ko noong hayksul na nakalaban din namin. Kaya naman walang duda nang lumipat ako sa UP na dinala ako mismo ng tadhana sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas.
Sa unang taon sa DFPP, balak ko na talagang mag-shift sa Tourism Management, Journalism, Broadcast Communication, o kaya Film, pagkatapos ng isang taon. Summer class nang magpasa ako sa Asian Institute of Tourism ng requirements, subalit hindi ako nakalipat sapagkat hindi ako nakapunta sa interbyu dahil nagbabakasyon ako sa Ilokos. Wala na, hindi na ako nakalipat at tinamad na rin akong lumipat sa ibang kurso. Kaya naman sinubukan kong intindihin kung ano nga ba ang nakapaloob sa kursong BA Araling Pilipino.
Ang Batsilyer sa Arte sa Araling Pilipino o Bachelor of Arts in Philippine Studies sa ingles, ay isang interdisiplinaryong programa na idinesenyo para makabuo ng lugar para sa mga Pilipino at maging sa mga hindi Pilipinong mga estudyante na pag-aralan ang mga institusyon, wika, panitikan, at kulturang Pilipino.
Sa Philippine Studies 101 ko lubusang naunawaan ang balangkas ng Araling Pilipino. Kung saan nakita ko ang sarili at lubusang inunawa kung bakit nga ba ako nasa kursong ito.
Tinalakay ni Propesor Florentino Iniego Jr., na propesor ko sa Philippine Studies 101, sa kanyang babasahin na Araling Pilipino (AP) sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) (Manwal para sa Mag-aaral), na nakasaad ditong naka- ugnay sa Araling Pilipino ang buhay at isinasabuhay na gawain ng mga Pilipino ng pagtitipon at pagbubuo ng mga kaalaman tungkol sa sariling kalinangan, kasaysayan, at lipunan. Ito rin ang naghahanap at umaalam ng iba pang kalinangan at kabihasnan para sa Pilipinas. Dahil ito ang batayan, buod, at pinag-iinugan ng impormasyon para sa iba pang kalinangan at kabihasnan tungo sa antas ng âunibersalâ. Sa katangiang ito ng Araling Pilipino, inaasahang magiging mapangahas ito na gigiit para sa pagsasariling bansa sa antas at kamalayang pang-akademiko na magbibigay nang mas malawak na lipunang Pilipino.
Taong 1960, anim na taon bago pa man magkaroon ng Department of Pilipino and Philippine Literature o DPPL, itinatag sa Unibersidad ng Pilipinas ang kursong BA Philippine Studies. Samantala noong 1966 naman, iminungkahi ng unang tagapangulo ng DPPL na si Petronilo Daroy sa isang memorandum, ang pagpapaloob ng kursong BA Philippine Studies sa DPPL.
Mula pa rin sa babasahin na Araling Pilipino (AP) sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) (Manwal para sa Mag-aaral, ang pangunahing layunin ng Araling Pilipino ay; una, mapalakas nito ang mga siyentipiko at kritikal na pagtingin sa kabihasnan ng lipunan at kulturang Pilipino. Papaunlarin nito ang mga gawi at ideolohiya sa pamamagitan ng malalim na pang-unawa sa realidad ng Pilipinas. Pangalawa, mag-ambag sa pagbubuo at paglikha ng isang makabayan, siyentipiko, at makamasang kulturang pambansa. Ngunit depende ang âkulturang pambasaâ sa kapangyarihang pulitikal na humuhulma at nagbibigay direksyon sa pagpapatibay ng kabuuang pambansa bilang isang pulitikal na entidad. Nararapat malinaw ang uri ng pambansang kultura na isinusulong ng Araling Pilipino. Pangatlo, pinapaunlad ang Wikang Pambansa upang maging tulay sa akademiko at intelektuwal na mga paksain. Magandang halimbawa rito nang palitan noong 1984 ang pangalan ng Department of Pilipino and Philippine Literature at ginawang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Gayundin ang pagbabago sa Philippine Studies patungong Araling Pilipino naman noong 1991. Sinasanay din ang mga mag-aaral na gumamit ng wikang Filipino sa lahat ng larangan maging sa nakasulat at hindi nakasulat. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapakinis at pagpapaunlad ng wikang Filipino batay sa mga terminolohiya at estilong inlektuwal na ginagamit. At ang anghuli, nililinang nito ang mga pananaw at lapit na interdisiplinaryo. Dito nagtatagpo ang mga metodo, teorya, at punto de bista ng mga disiplina sa humanidades at agham panlipunan. Ang Araling Pilipino ay kursong âinterdisiplinaryoâ. Dito kinakailangang kumuha ng kurso sa iba pang disiplina na magpapaunlad ng disiplinang pinag-aaralan sa loob ng DFPP. Sa pamamagitan ng pagdungaw sa ibang disiplina, nagiging malawak ang sakop at nagiging malalim ang pag- aaral sa pinanggalingang disiplina.
Malalim ang pagpapakahulugan ng kursong BA Philippine Studies/BA Araling Pilipino, hinubog ang bawat detalye sa pagnanais na magkaroon ng mapagpalaya at makabansang konteksto. Mula sa pagpopook at pagdadalumat ng mga produksyong intelektwal at materyal tungo sa maaaring gabay, batayan, at paglawak. Nakalulungkot ngang isipin na ilang unibersidad lamang ang nag-ooffer ng ganitong kurso at kakaunti lamang ang mga mag-aaral na kumukuha at nagnanais ng ganitong programa. Nang mapag-aralan ang balangkas ng BA Araling Pilipino, dito ko napagtantong hindi maaaring magtapos o magwakas ang kurso dahil isang malaking kawalan ito hindi lamang sa larangan ng wika at panitikan kung hindi pati na rin sa pangkabuuan ng bansa lalong lalo na sa paghubog ng identidad nito. Hindi maaaring mawala ang BA Araling Pilipino sa bansa, sapagkat sino na lang ang mag-aaral sa kultura, wika, at panitikan ng Pilipinas kung sakali. Alalahanin sana ng bawat Pilipino lalo na ng mga kabataan ang mensahe ni Dr. Jose Rizal kay Blumentritt noong 1887 (sipi kay Jose 53):
If I could only be a professor in my country, I would stimulate these Philippine studies which are like nosce te ipsum (know thyself) that gives the true concept of oneâs self and drives nations to do great things. [Kung magiging propesor lamang ako sa aking bayan, pag-iibayuhin ko ang mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas na maihahalintulad sa nosce te ipsum (kilalanin ang sarili) na nagbibigay ng totoong konsepto ng sarili at nag-uudyok sa lahat ng bayan na gumawa ng kadakilaan.] (Salin ni M. J. B. Rodriguez-Tatel).
Dito malinaw na ang nararapat kilalanin muna ay ang sarili upang makamit ang totoong konsepto ng sarili at makamit ang kadakilaan. Katulad ng BA Araling Pilipino, sa paghahanap ko ng kurso hanggang sa pagpapalit-palit, ito na nga siguro ang dahilan kung bakit ako napunta sa pag-aaral ng wika, kultura, at panitikan. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako natuloy mag-BS Tourism Management, o kung bakit hindi ako nakalipat ng Broadcast Communication, Journalism, o kaya Film. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit ako ang laging naaatasang mamuno tuwing Agosto para sa sabayang bigkasan, talumpati, poster making, slogan contest, at folk dance. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko noon malaman ang tunay na gusto ko. Katulad ng paghahanap ng Pilipinas sa solido nitong identidad; ito rin siguro ako bilang Pilipino kaya hindi mahanap-hanap ang sarili. Hanggaât hindi matagpuan ng tinubuang lupa ang pagkakakilanlan nito, malamang hindi ko rin matatagpuan ang akin. Ngayon, hanggang hindi pa malinaw ang tunguhin, kinakailangan nang aralin ang kalikasan ng bansa. Ito ay upang hanapin ang identidad nito at ko bilang isang Pilipino.
PAGPAPALAYA SA KAMALAYAN
Ang kursong BA Araling Pilipino rin ang nagpakilala sa akin sa pakikibaka. Ayon kay Covar (1994), âDekolonisasyon, kontra-dominasyon, at pagsasakapangyariha â ang mga ito ay paggigiit. Pagkilos ang susunod sa adyendang higit pa sa nagpapakahulugang ng sikolohiyang Pilipino.â (salin ni M. J. B. Rodriquez-Tatel). Katulad ng Sikolohiyang Pilipino, nakikibaka rin ang programang Philippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinolohiya ng UP sa pamamagitan ng pagteteorya at ng pagbubuo ng metodolohiya para sa dekolonisayon, kontra-dominasyon, at pagsasakapangyarihan. Mula rito, pinag-iisip kung hanggang saan aabot ang asersyion upang maging ganap ang programa na Pilipinisasyon. Ninanais na magbigay tayo ng kongkretong resulta, aksyon, at produksiyon upang mabuo at mapagyaman ang sariling diskurso. (M.J.B. Rodriquez- Tatel, 2015)
Sa programang ito ay natuto akong magsaliksik gamit ang kongkretong batayan ng paninindigan at ang wikang Filipino, upang makaambag ng siyentipikong pag-aaral sa nawawalang kamalayan ng wika, panitikan, at kultura ng bansa. Ayon nga kay Propesor Mary Jane Rodriguez-Tatel, nang umarangkada ang aktibismo noong dekada 70 â natunghayan na ang mga produksiyon ng tesis at disertasyon ng Araling Pilipino/Philippine Studies sa wikang Filipino ang kongkretong batayan ng mga paninindigan na, âSa paggamit ng wikang Filipino, nabuksan ang mayamang bukal ng mga posibilidad tungo sa pagpopook at pagdadalumat ng program sa kapilipinuhan. Sa bisa ng sariling wika, naipihit ang talastasan tungo sa pag-unawa ng sarili nating kasaysayan.â
Araling Pilipino rin ang naghubog sa akin maging isang lider-estudyante na patuloy ini-uugnay ang ibaât ibang kaisipan ng mga pwersang nasa loob at labas; na siyang mismong pumipigil upang mahanap ang identidad. Sa aspekto ng pagtetorya, pagkokonsepto, pagmemetodolohiko, at paggawa ng malikhaing porma, nakabubuo, â maaaring sa mga susunod mabahagi ko rin sa iba â ng isang malawak na pag-aaral sa partikular na disiplina katulad ng midya. Ito rin ay nagsisilbing gabay sa pagpapaliwanag ng karanasang Pilipino.
Patuloy pa rin ang pag-agos ng kursong Araling Pilipino/Philippine Stuides sa UP sa pagsulong ng Pilipinisasyon. Mula sa KAL, sa pamamagitan ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas o DFPP, natunghayan ang inisyatiba nito sa paggamit ng wikang Filipino sa pagsusulat ng tesis at disertasyon. Samantala, sinimulan namang pagyamanin ang espesipikong dalumat at kaisipang nagsilbing huwaran ng ibayong pagdadalumat sa wikang Filipino mula sa College of Social Science and Philosophy o CSSP. At naging malaking banta at hamon naman para sa mga iskolar na bummuo ng sarili nilang mga programang gradwado na nakaapekto rin sa dating College of Arts and Sciences, na sinasabing ina ng KAL at CSSP. Sa tatlong ito, nakapagtaguyod ng programang doktorado, sa ilalim ng âone concept one programâ. (M.J.B. Rodriquez- Tatel (2015) p. 155)
Gamit ang talas ng wikang tayo lang ang mayroon, may alam, at may malalim na pang-unawa, magsisilbi itong panangga laban sa mga pwersang nasa labas na pilit pumapasok sa loob o kamunduhan ng bansa; halimbawa nito ang mala-kolonyal at mala-piyudal na pinapasok sa kaisipan ng bawat Pilipino. Kinakailangang maipalaganap pa ang programang Araling Pilipino/Philippine Studies sa ibaât ibang unibersidad para maimapa ang malawak na kalagayan at tunguhin ng pag-aaral sa Pilipinas ng mga Pilipino para sa pagbuo ng Pilipinisasyon. Maaaring panghawakan ang isinaad ni Rizal sa mga kapwa Propagandista noong 1889 (sipi kay Jose 54):
âIt is necessary that you study the questions that concern your country. Knowledge is power. We are the only ones who can acquire a perfect knowledge of our country, because we know both languages and besides we are informed of the secrets of the people among whom we had been raised... [Kailangang pag-aralan ang mga katanungang may kinalaman sa inyong bayan. Ang kaalaman ay kapangyarihan. Tayo lamang ang tanging makagagagap ng kaalaman ukol sa ating bayan, sapagkat nauunawaan natin kapwa ang mga wika, maging ang mga lihim ng taumbayang kasa-kasama natin sa paglaki... .] (Salin ni M. J. B. Rodriguez-Tatel).
Bukod sa tayong mga Pilipino lamang ang makakaunawa sa sariling kultura, kinagisnan at bayan. Tulad ng ibang mga bansa, bukod sa pangangailangang buuin at pag-aralan ang sariling bansa, isa lamang ang nakikita kong tulay at armas na hawak nang nakararami para makausad mula sa nakakulong na identidad. Ito nga ay ang paggamit ng wikang Filipino.
SANGGUNIAN:
Covar, Prospero R. âIsang Pagtataya ng Kasaysayan ng Programang Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas,â 2006. Print.
---. âKaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino. Lekturang Propesoryal, Bulwagang Rizal, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon. 3 Mar. 1993. Print.
Daroy, Petronilo Bn. âThe Department of Filipino and Philippine Literature.â 1976. Print.
Enriquez, Virgilio. âSikolohiyang Pilipino: Perspektibo at Direksyon.â 1976. Mga Babasahin sa Agham Panlipunan: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw. Ed. Atoy M. Navarro at Flordeliza Lagbao-Bolante. Lungsod Quezon: C & E Publishing Inc., 2007. 3-22. Reprint.
Jose, Vivencio. âPhilippine Studies: The Noli Me Tangere Viewpoint.â BUDHI Papers 7 (1987): 53-67. Print.
Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. âPhilippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipinoâ. July-December 2015. Humanities Diliman: University of the Philippines. Journal. Print.
Salazar, Zeus. âPanayam Tungkol sa Tinataguriang âPhilippine Studiesâ sa UP sa Konteksto ng Pambansang Kakanyahan/Identidad.â Sampaksaan: Ang Araling Pilipino sa Larangang Pambansa at Pandaigdigang Pagbabago, GT-Toyota Asian Cultural Center, University of the Philippines, Diliman, Lungsod Quezon. 28 May 2013. Print.
University of the Philippines-Diliman Tri-College Ph.D. Philippine Studies Program. âKopya ng Ipinapatupad na Mekanismo upang Pangasiwaan ang Programa.â 2004. Print.
Liham Para Sa Kaibigan
Kaibigan,
paalala lang. hindi ko ito isinulat para hamakin ang iyong magulang o para lituhin ang iyong isipan. O himukin na sumama ka o para pilitin na lumabas o kulitin ka.
Bastaât nais kong gawin ang sulat na ito, upang malaman mo, upang maramdaman mo, na hindi ka mag-iisa. hindi. ka. nag-iisa.
Kailanman ay hindi maaapula ang alab ng pusong nagliliyab. Lalo naât kapag ito ay nadikitan nang tindi ng init, tuloy-tuloy itong mag-aapoy. Mahirap pigilan, hindi matigilan. Malaki ang pagsubok sa paghupa kahit pa katapat nito ay isang tubig - ng luha.
Alam kong mas masakit ang atake lalo na kapag ito ay sa loob ng damdamin kumakawala. Iyong pakiramdam na, nais mo nang sumabog, nais mo nang tumakbo, papalayo sa mga pumipigil ng siklab - sa mga institusyon; eskwelahan, relihiyon, estado, at lalong-lalo na ang pamilya, magulang.
Kung kaya tuloy minsan, gusto mo na silang tanungin; hindi pa ba kayo tuluyang nasisilaw? hindi niyo pa ba nakikita ang mga harap-harapang panggigipit, panloloko, pangdudusta, at pang-aalipin? Ano pa nga bang mga negatibong salita ang nais nilang marinig, para lamang kanilang maunawaan kahit paunti-unti?
Alam ko. Alam kong pagod ka na! Alam kong hindi biro kalabanin ang pag-agos ng kanilang tubig, at limliman ang matinding lamig - ng kanilang damdamin; sa mga isyu, problema, at suliranin ng bayan, na nais mo nang pasabuyan ng init. hanggaât maaari, magbabaka sakaling sila rin ay lumiyab, maunawaan, sumama sa protesta.
Mahirap simulan ang pakikipaglaban para sa masa kung ang mismong pakikibaka sa sarili ay hindi pa tapos. lalo na kung may kondisyon. kung may panakot. kung may kapangyarihan.
Apat na taon. Apat na taon ka ring nakipagbuno sa iyong kaluluwa, puso, at diwa. sa katunayan, malapit ka na ngang mahulog, kahit ang hindi baât ang totooây gusto mo taalgang mahulog. hindi mo alam, hindi mo segurado, kung magpapasalamat ka sa kinakapitan o hindi na lang sana kumapit. na kung maaari huwag na lang, dahil sila rin ang may gawa kung bakit hanggang ngayon ikaw ay nakakahon sa bilangguan nang pakiramdam na walang magawa. nakakulong; ang mga ideyolohiya - na dapat sanaây ambag sa lahat ng manggagawa, magsasaka, mahihirap, katutubo. sa edukasyon, militarisasyon, at sa bansa. sayang, sayang talaga.
nagmamahal sa bayan,
lvnsnts.
h'wag tayong manatili sa pagitan ng bakit at paano...
LVNSNTS
baka sa mga susunod na araw; bawas na ang lambing wala na ang paki hindi na tulad ng dati. ngayong alam mo na ngayong malinaw na. ang atin.
LVNSNTS
at natapos na din sa wakas, ang pagbibilang ng mga araw sa dilim. nasilayan na rin, ang liwanag sa gabi. ako'y makakatulog na nang mahimbing
LVNSNTS
1,2,3... sabay tayong tatalikod sa isa't isa 4,5,6... walang iimik. 7,8,9... sabay tayong tatakbo... 10... walang lilingon. sabay limot.
LVNSNTS