IKAW AT AKO
Di ko alam kung anong ang nararamdaman mo
Di ko alam kung paano ko malalaman na mahal mo na ang isang tao
Ang alam ko lang sa'yo ang boses na gusto ko lang palaging pakinggan
At ang alam ko lang sa'yo ang mga kamay na kahit kelan ayoko ng bitawan
Ngunit,
Mahirap mag hintay sa wala
Mahirap mag hintay sa parang meron
Pero mas mahirap mag hintay na akala ko meron.
Sa maya't maya mong tanong kamusta ako
Sa maya't maya mong sabing magpahinga ka na
Sa pag papakita ng interes sa kung ano ang aking pinagkakaabalahan
Nasanay ako,
Sa magdamag na usapan
Sa walang humpay na tawanan
Sa walang tigil na kwentohan
Nahihirapan na akong alamin kung alin ang katotohanan
Wag mong simulan kung pangsamantala lang din
Kung wala kang planong saluhin
Wag mo kong patawanin
Kung iyo ring paiiyakin
Wag mo kong mahalin
Kung iyo lang paaasahin.
Lalo na kung hindi mo naman kayang gawin hanggang dulo.
Dahil sa paglipas ng panahon, ito'y magbabago
Dahil sa huli, ministerio lang pala ang lahat ng ito.
Sa muling pagkakataon,
Hindi ko na kailangan ipilit ang sarili ko
Hahayan ang oras dumaloy
Hahayan dumating ang panibagong bukas
Mas mabuti pang umiwas
Mas mabuti pang lumayo
Dahil sa bawat minuto
Ako'y di na natuto
Dahil ang puso ko'y
Patuloy masasaktan
Kaya Ikaw,
Salamat sa ilang araw, buwan at taon,
Simula ngayon
Sarili ko muna ang uunahin
Ikaw si Jec at ako si Yan
Pinag-tagpo ngunit hindi itinadhana.
by EverydayMariel














