Siguro isa sya sa masasabi kong pinkaclose na tao sa buhay ko maliban sa mismong pamilya ko. Sya yung KABARKADA, ATE, KAIBIGAN, SUMBUNGAN, LISTENER, TAKBUHAN(sa kahit anong problema), at just like a bestfriend eh nakakainitang ulo pero at the end eh laging kasama at kasundo. Meron man kaming kanya kanyang topak pero in the end kami yung magkakasama sa bahay. Sya yung hindi ko kayang matagal na makaaway kasi hindi ko kaya sa bahay na hindi sya makakausap. Sya yung namimiss ko kapag ilang araw na di ko nakita(madalas kasi kame lagi magkasama nyan sa bahay). Since lumaki kame ng halos sabay, madami akong bagay na alam sa kanya. Pareho naman kasi kami na alam na ang ugali ng isat isa. Kung kelan napipikon na. Kung kelan Masaya, kung kelan kinikilig, kung kelan malungkot. Magkasama kame sa bawat pag-iyak, sa bawat pagtawa, halakhakan, asaran, pag-iyak sa mga teleserye, pagiyak sa movie, pagiyak sa commercial at pati narin sa pag-iyak sa kwentuhan about wish ko lang sa channel 7. At sana hanggang sa tayo ay tumanda, magkaanak man tayo o tumandang dalaga pareho, sana magkasama parin tayo sa mga trip sa buhay nating ito J
Princess Gayla Cabral 101
1. Topakin yan ;) Aminado naman sya dun eh. Lahat naman na tao me kanya kanyang topak eh.
2. Her topak last maximum of one hour.
3. Si jandie ang favorite pamangkin nya since si Jandie palang naman ang pamangkin nya sa kapatid eh. Haha
5. MapagPAMPER na ate lalo na kay Ate Olive.
6. MAYAMAN… di nauubusan ng pera. Haha
7. Favorite nya adobo na super alat.
8. Gusto rin nya ng sinigang na baboy.
9. She hates dog, pero gusto magadopt ng aso.
10. Sa pagkakaalala ko, ang pinakauna nyang crush eh letter B ang start ng name.
11. Ayaw nya ng lumpiang shanghai.
12. Ako ang dahilan ata bat nakipagbreak sya sa latest X nya.
13. Detective conan addict
14. Mahilig sya sa koreanovela
15. Katulad ko, Harry Potter fan din sya.
16. BREADWINNER ng pamilya.
17. Ang hilig sa color pink J
18. Si SAB ang lagi nya kayakap sa gabi.
19. Si Cutie ang favorite pet nya.
20. Nung hindi pa sya mayaman , at me sunog malapit sa GBM, di nya maintindihan daw kung ano isasave nya. Hahahahaha
21. Yung LENOVO laptop nya ang unang investment nya.
22. Si Mr. A ang first boyfriend nya.
23. Katrina is her bestfriend
24. Sabi nya ako daw ang pinakafavorite nyang cousin (yun eh pag ako ang kaharap, ewan ko alng pag iba. hahaha)
25. Pag nagpapicture sya lagi nakaside sa left kasi andun yung malalim nyang dimples J
26. Sya yung kalaro ko ng bahay bahayan at luto lutuan :D
27. Kabuddy ko sa katakawan
28. Kapag Saturday eh Korean song makikinig mo sa bahay. Yung tipong alam mo na yung lyrics pero di mo alam ang meaning ng kinakanta mo.
29. Si Seohyun ang super crush ni Ate Gayla sa Girls Generation
30. Hindi nya rin trip ang hotdog. Kaya chickendog ang ulam nya pag kame eh nakahotdog.
31. Mahilig sya sa loose na damit.
32. Ginisang ampalaya daw ang specialty nya sa niluluto nyang ulam(eh wala naman sya mayado alam lutuin. haha)
33. Tumatakbo yan pag nagpiprito ng isda(naputol nga yung tsanse naming kakatakbo nya)
34. Si Amiel(aka diego) at Bhel ang on the go buddies nya. (na kasama narin namin lagi)
36. IDOLO ko yan sa pagiging supportive sa pamilya. AS IN SALUDO AKO!
37. Sya yung nung umiyak ako kasi din a makahinga eh nagmadali umuwi at sinamahan ako sa Hospital.
38. Pag badtrip yan wag nalang muna kausapin. Haha
39. Super fan ni Jolina Magdangal. Haha
40. She also likes Sarah Geronimo.
41. COKE addict. Hahahaha. Sipag nyan bumili ng coke sa bahay :D
42. Loves friend chicken especially luto ko. Haha. Pati yung chickenjoy ;)
43. Sa office ang buddies nya eh si Ate Arlene at Ate Jen J
44. PIHIKAN sa lalaki. Kaya di parin nagboboyfriend ngayon. Haha. Saka nalang daw pag meron narin ako. haha
45. Majorette sya nung college.
46. Cumlaude sya nung nagtapos sa kolehiyo.
47. Dati malakas sya uminom during college days, pero ngayon hindi na.(tama ba?) haha
48. NANLILIBRE yan pag me dumating na malaking pera. Haha
49. Super takot sa IPIS ]:)
50. Sya yung kasama ko nung nag star scout ako sa Sabang Elementary school while sya eh Girl scout na.
51. Pag nasa sabang, lagi kame kay Lola Paring natambay.
52. Magkasama kami sa pinakamahabang 7minutes ng buhay ko – nung hinabol kame ng aso sa pagkuha nung pinagawa nyang espasol.
53. . Sya yung kasama ko sa paliligo sa poso nung maliliit pa kami.
54. Kasama ko sa pagligo sa ulan kahit sobrang nilalamig na kame at namumutla eh derecho parin.
55. Kapag ayaw nya ayaw. Di mo sya mapipilit
56. Madali lang sya utangan. Hahahaha (diba diba?)
57. Sila Tatay at Nanay nya kahinaan nya eh. Madali yan umiyak pag sila na yung pinaguusapan.
58. Meron syang Kuya Pison na super alalay sa kanya kapag lasing na sya. Pinagluluto pa sya ng suam para di na sumuka.
59. Mahilig din nga pala yan sa selfie shots ;) (Okay lang naman, sabi ko nga okay lang magselfie kung maganda, eh maganda naman sya kaya okay lang)
60. Mahahalata mong lasing yan kapag nayuko na sa lamesa at aktong tutulog na.
61. Sobra ingay nyan kapag nakainom na. haha
62. Isa sya sa mga palaki ni tita Ondet :D
63. SINGER ng pamilya yan. Hindi pwedeng hindi yan hahawak ng mike kapg me videoke :D
64. Ayaw nya ng iinom ng emperador lights kasi dun sya sobrang nadala uminom.
65. Need to be Next to you ang isa sa mga sobrang LSS sya :D
66. Favorite nya ang CHATIME.
68. Dati patpat sya, Ngayon me laman na sya. Haha
69. Me crush sya na hindi namin madistuguish kung BEKI o hindi. Haha. Pero kinikilig parin sya dun no matter what.
70. Super happy sya nung nabili nya yung trip na trip nyang relo. Na isa sa dahilan bat sya nabadtrip that day. Hahaha
71. Malakas resistensya nyan, di yan nagkakasakit eh. Hahaha.
72. Bago pala sya tumira kay Tita Ondet, kina Mommy Rina muna sya tumira.
73. Si kuya Abril ang dahilan bat nagpilit sya na sa sto.domingo mag-aral ng elementary, but at the end di naman dun nag-aral si kuya abril. Sya lang natuloy lumipat.
74. Siguro sya na ang pinakaclose kong pinsan ;) Totoo yan :D haha
75. Lamigin yan. Kaya pag natutulog di pwedemg walang kumot.
76. Pangarap nyang magLAW di nga lang daw sya PANGARAP ng LAW. Hahaha
77. Isa nga pala syang KAPUSO. Hindi KAPAMILYA :D hahaha
78. Nung bata pa kami, maitim din syang tulad ko.
79. Alam nyo bang naiyak sya este kameng dalawa sa commercial ng mcdo na “Kumusta crush mo?” hahaha
80. Ito, sya lang naiyak sa commercial ng M lhuillier, dun sa kasama ni Coco Martin yung nagpadala ng pera. hahaha
81. Dati me matindi sila away ni Kuya Tonton, pero syempre lahat ng tao nagkakaayos. Ayun okay na okay na sila ngayon.
82. Hindi marunong makadistinguish ng panis at hindi si Ate Gayla.Kaya pwede yan malason eh. haha
83. Mahilig yan kumain sa harap ng TV.
84. Sya yung madalas naiiwan sa kama sa umaga unless mas late ang pasok ni ate yam.
85. Si Amiel ang instant utusan lagi nyan; haha “Amiel, paabot naman nito, paabot naman nyan” haha
86. Gusto nyang makapagpakulot pag humaba na ang hair nya.
87. Nagsasalita sya ng tulog.
88. Pag magkasama kami, laging kasama sa choices sa kakainan ang Jollibee since paraho naming favorite yun.
89. Dati malakas syang kumain, as in talo nya ko, pero ngayon di na sya malakas kumain. (ako nalang)
90. Hindi mo sya mapagsusuot ng heels unless kailangang kailangan nya lang na magsuot nito.
91. Pag pupunta sa mall, okay na yan sa tshirt at shorts.
92. Gusto nya magkaboyfriend ng isang abogado.
93. Mahilig yan magpasalubong kapag me sobra food sa office nila.
94. Sya yung tipo ng tao na sa una mahihirapan ka pakisamahan kasi nga me topak pero once you know kung sino talaga sya, wala naman ng silbi yung topak nya eh.
95. Mapagmahal sa pamilya nya. As in sobra and I don’t even know kung yung ginagawa nya sa pamilya nya eh kaya ko din gawin kung ako yung nasa pwesto nya. Yung tipong bigay ka ng bigay and you’re not expecting anything in return. :D
96. 20-30 minutes yan maligo. Na dahil sa sobrang tagal nya maligo dapat mauna ka na maligo sa kanya kung nagmamadali ka.
97. First time ko syang nakitang humagulhol ng as in hagulhol eh nung nakausap nya si Jandi sa phone na marunong na magsalita ng “tita”, “nanay” at “tatay”.
98. Favorite nya ang mangga. Indian mango man o ripe mango ;)
99. Sya yung taong nakakasakay sa trip ko na pagkain ng lansones sa loob mismo ng mall.
100. Sya yung tipo ng tao na mababaw lang kaligayahan. Madali lang sya patawanin. Kung gano kababaw yung luha nya ganun din kadali ang patawanin sya,
101. Madali syang mahalin at MAHAL NA MAHAL NA MAHAL ko sya.
Happy birthday Ate Gayla. You know how much I love you right? Always remember that and kahit san man ako mapunta, you’ll always be my favorite cousin. Sana walang magbago sating dalawa kahit dumating yung malaking changes sa buhay natin individually. There’s nothing to change since WE love you for who you are. Stay pretty and gorgeous. Happy birthday! :*