Entry 54
Appreciation Post!! Hay Nako Godzilla <3 <3. Minsan iniisip ko na bang ang insecure mo sa ibang babae eh di mo muna tignan sarili mo. judge ka kasi ng Judge eh. Wag mo kaya icompare sarii mo! Ang ironic no? Godzilla pero gustong gusto ko siya. baka iniisip niyo pangit siya ha. Malayo siya dun. Parang intel processor yung nung 90s. alam niyo yung “Intel inside”? siya yung Beauty inside, pero at the same time. beauty rin on the outside. Like a microprocessor. Ang daming bagay na ikinagaganda mo na di mo lang alam simulan natin sa physical para palalim ng palalim tong entry ko. 1.) Mata - yung mata mo! kahit hindi ka ngumiti sapat na. Kasi your eyes are doing the smiling. Parang mata lang sapat na. Pero kidding aside, your eyes are one of the things I’m drawn into. nung lumabas tayo one time, baka di mo nahalta pero naka tingin ako sa mata mo. and nawawala ako. Ikaw kasi eh yung mata mo. 2.) Smile mo - Alam ko na minsan na iiinsecure ka sa smile mo kasi parang laki mo mag smile. pero okay lang yan. sapat na yung mata mo. wag ka na mag smile. HAHAHA joke lang. Pero gusto ko yung ngiti mo di ko alam kung bakit. Summary: type ko ang itsura mo. Hindi mo man kamukha sina Georgina o Solenn, ikaw parin ang gusto ko. HAHA ang echos ko no. okay sa traits. 1.) Matalino - Hindi pa ba sapat to? para di ka magusuthan ng tao? kaya nga nagugulat ako minsan pag sinasabi mong single ka pa. Parang di kapani paniwala. 2.) Tender - Hindi Tender Juicy hotdog, sa mga matatakaw diyan hindi yun. tender/caring. May paki ka sa tao (based sa observation ko) may paki ka sa taong wala naman din maitutulong sayo. Sa ganon na kaliit na bagay nag rereflect dun ang pagkatao mo. 3.) Mapagmahal - Pansin ko base sa pag uusap na mahal na mahal mo ang magulang. Sana nga lang, mahalin mo rin ako para todo na ang pagiging mapagmahal mo HAHAHAHHAHALOVEMEPLEASEHAHHAHA. Pero kidding aside, believe it or rnot madalang na ang ganyan 4.) Mabait - Hay nako nuf said 5.)Busy - di man siya trait talaga + points to. Kasi if ever maging tayo, di mo ko masyadong guguluhin at makakapag code/trabaho ako in peace. So hanggang dito lang tong listahan kung bakit ko nagusuthan si Godzilla. pero hanggang dito na lang muna! Pero magpakatotoo tayo, kailan man, di niya siguro magugustuhan ang isang kagaya ko. Siguro dapat ibaon ko na lang din sa limot? or tumingin na langit sa at mag isip kung ano future namin kun kunwari naging kami. Pero hanggang dito lang muna. Hahanga na lang sa malayo, umaasang mapapansin ako. swoosh.












