Laban o paalam (spoken poetry)
Isa , dalawa ,tatlo
Ika’y makinig sa kwento
Isa,dalawa,tatlo
Ito’y nais kung ipabatid sayo
Sisimulan ko na
Sisimulan ko kung saan nag-umpisa
Sa mga panahong ako’y mag-isa
Sa pagkakataong nawalan ng pag-asa
At dumating na
Dumating na ang tagahusga
Masiglang tinanggap ang isang papel na may marka
Ngunit tila nabuhusan ng tinik ng ito’y buksan
“5.0 pagbutihan mo”
Sumagi sa isip ko na,
Ginawa ko lahat pero kulang pa
Halos iluklok ko yung sarili sa kwarto
Magtimpla ng kape at mag-aral ng husto
Halos yakapin yung libro hanggang makatulog ako
Pero wala pading nagbabago
Minsan na akong humingi ng saklolo
Minsan na akong nabigo
Minsan na akong naging talunan
Minsa’y naisip kong di na lumaban
Kahit magmukha akong baliw
Kahit mapuno ng eyebags yung mga mata ko
Kahit sabihan man ako na bobo
“Bobo ka kahit nag-aral naman”
Kahit masakit sa damdamin
Kahit durugin man ako ng paulit-ulitÂ
Kahit sabihan man ako ng masasakitÂ
Kahit tanongin mo man ako kung “Laban O paalam”
Isa lang ang sagot ko,
Lalaban ako!
Lalaban para sa pangarap ko
Lalaban para sa pamilya ko
Lalaban para ipakita sa inyo
Na ang minsang tinawag nyong bobo at talunanÂ
Ito na ngayon nakaranas ng karangyaan.















