Laban o paalam (spoken poetry)
Ito’y nais kung ipabatid sayo
Sisimulan ko kung saan nag-umpisa
Sa mga panahong ako’y mag-isa
Sa pagkakataong nawalan ng pag-asa
Dumating na ang tagahusga
Masiglang tinanggap ang isang papel na may marka
Ngunit tila nabuhusan ng tinik ng ito’y buksan
Ginawa ko lahat pero kulang pa
Halos iluklok ko yung sarili sa kwarto
Magtimpla ng kape at mag-aral ng husto
Halos yakapin yung libro hanggang makatulog ako
Pero wala pading nagbabago
Minsan na akong humingi ng saklolo
Minsan na akong naging talunan
Minsa’y naisip kong di na lumaban
Kahit magmukha akong baliw
Kahit mapuno ng eyebags yung mga mata ko
Kahit sabihan man ako na bobo
“Bobo ka kahit nag-aral naman”
Kahit masakit sa damdamin
Kahit durugin man ako ng paulit-ulit
Kahit sabihan man ako ng masasakit
Kahit tanongin mo man ako kung “Laban O paalam”
Lalaban para sa pangarap ko
Lalaban para sa pamilya ko
Lalaban para ipakita sa inyo
Na ang minsang tinawag nyong bobo at talunan
Ito na ngayon nakaranas ng karangyaan.