hi!! long time no blog!!! new blog SOON!!!
trying on a metaphor
No title available

Origami Around
Cosmic Funnies
Peter Solarz
h

pixel skylines

祝日 / Permanent Vacation

JVL

izzy's playlists!

Love Begins
Keni

blake kathryn

roma★
tumblr dot com
ojovivo
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

No title available

Kiana Khansmith
TVSTRANGERTHINGS
seen from United States
seen from Finland
seen from Thailand
seen from Romania

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Ireland

seen from Singapore

seen from Spain
seen from Peru
seen from Spain

seen from United States
seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from United States
seen from T1

seen from United States
seen from United States

seen from Philippines
@misslaybraryan
hi!! long time no blog!!! new blog SOON!!!
Next blog….. About sa Tatay ko naman 😭😞
GOD IS GOING TO GIVE YOU MORE THAN YOU ASKED FOR - Ephesians 3:20
So alam nyo naman na sobrang tagal na naming engaged ni Jeev. Since 2017 we’re engaged na. Pero sabi nga nila ’di ba? Hindi ibibigay ni Lord kahit gustung gusto mo kung alam Niyang hindi ka pa handa. Maraming rason kung bakit nangyari ang mga nangyari. Ang daming nangyari last 2020 at hanggang ngayong 2021. Sobrang sakit. Sobrang mapapatanong ka, Lord, Bakit? Pero mali. Mali na kwestyonin natin si God. Kasi hindi mo alam yung plano Niya. Kung maganda yung gusto mo mangyari, mas maganda yung pinaplano Niya. He’s preparing the best for you. All you need to do is wait and trust Him. May mga panahon na naiinip ako. Sinisisi ko yung partner ko. Pero narealized ko na hindi rin naman niya gusto yung mga nangyayari. Alam kong ito yung plano ni Lord samin. Kaya lahat lahat ipapaubaya ko sa Kaniya. Kasi Siya lang ang may karapatan na magdesisyon kung kailan. I know God will give the best for us. May nabasa din ako na •don’t let social media rush you. Kasi sometimes hindi naman sarili mo yung nagpepressure sayo kundi ang mga tao sa paligid mo. So don’t mind them. Just be patient and trust God’s plan. I am turning 30 next month and what I’m worrying about is having a child. What if after kasal ’di agad kami magkababy? Pero ‘di ba nga, With God, everything is possible. Alam nyo ba kung anong natutunan ko sa pagsubok na ito? Wag natin pangunahan ang Diyos. Ipagkatiwala natin sa Kaniya lahat. Kasi Siya lang naman talaga ang nakakaalam kung ano ang mabuti sa atin. Minsan, sa kagustuhan nating makuha agad yung gusto natin, nakakalimutan nating may plano din Siya. At yung planong yun, yun ang higit na makakapagpasaya sa atin. Magtiwala lang tayo.
FINDING MY LONG LOST GRANDFATHER ;-)
Hello again friends! Medyo nakakaluha itong blog ko na ito ha, kasi it’s about family. You know naman guys, when it comes to our family mababa luha nating lahat hehe. So ito na nga. Mula ng pinanganak ako, yung lolo ko sa side ng tatay ko, hindi nag eexist. Never naman sya nakwento ng tatay samin before. Pero yung nanay ko may mga nabanggit sya sakin about sa tatay ng tatay ko. About sa Lolo Frankie ko. ‘Di ko sure kung san nag start yung pagkukwento ng nanay ko tungkol sa lolo ko, pero according to her, yung lolo ko is a balancer in Sri Lanka that time.Elementary lang ata ako nung nagkukwento sya. Basta ang natatandaan ko, nagpunta sya Sri Lanka para magbalancer kasi nga yun yung trabaho nya sa pinas at dun sya magaling. Yun yung talent nya eh.Nung nagpunta sya dun, I’m not sure kung naipanganak na yung tatay ko nun, di ko talaga alam haha pero sabi ng nanay ko, Nagkaproblema yung lolo and lola ko kaya parang naghiwalay na sila. Pero kahit naman daw hiwalay na sila, may communication pa din yung tatay at lolo ko. Nagpapadala pa din sya ng sustento and nagsusulatan sila. That time din, pinag aaral nya din daw yung tatay ko, until college ha. Nagpapadala sya ng pang tuition. And then ayun, di pa graduate tatay ko, nagpakasal na sila ng nanay ko. At hindi nya sinabi sa lolo ko. Pero tuloy pa din sustento ng lolo ko para ituloy ng tatay ko yung studies nya. And then nalaman din naman ng lolo ko na ikinasal na sya. Medyo nagalit daw yung lolo ko kasi ang gusto daw nya para sa tatay ko eh yung babae sa Sri Lanka. Nakakaloka di ba kasi parang gusto pa ata arrange marriage. Pero, ayun nga sinuportahan pa din ng Lolo ko. And then after nun, nagkaanak na sila ng nanay ko, at ang payo ng lolo ko, magFAMILY PLANNING. tama na daw yung dalawang anak. Pero nung nalaman nya na hindi na naman sya sinunod ng tatay ko, nagalit na talaga sya. at simula nun, wala na silang communication. Until one dayyyyyy.....
Naisip ko hanapin Lolo ko. Tutal naman malaki na naiitulong ng SOCIAL MEDIA para mahanap yung mga taong nawawala. And yun nga year 2015 nung nagkaroon ako ng information about sa lolo ko. May istorya talaga yang paghahanap ko na yan mga bes HAHA. una muna sinearch ko talaga sa google yung sikat na balancer sa sri lanka, kasi alam ko kung sikat talaga sya, syempre nasa google sya. Ehhh sikat nga, kaya kaya nalaman ko sa isang website na retired na sya. At meron na syang natrain na bagong balancer, kumbaga naipasa na nya ang korona hehe. So nakita ko yung website ng balancer na yun at inEmail ko sya.Kinukuha ko yung contact number ng lolo ko. At sumagot sya bes! Kaso nga lang, di nya binigay kasi syempre di naman sya sure kung kamag-anak ba talaga ako ng Lolo ko. So ang sabi nya, bibigay na lang daw nya yung contact number ko sa Lolo ko. So nagwait na lang ako. Pero walang tumawag sakin ;-(. Ang ginawa ko, tutal alam ko naman yung lugar nila sa Visayas, nagsearch ako ng mga Ferrer sa mismong lugar nila dun. At madaming lumabas. Syempre lahat yun chinat ko. Pati municipality ng Negros chinat ko din. Ganun ko kagustong makita ang lolo ko. Kasi nga di ba, we never met since i was born. HAHA so ayun na nga guys, dun sa mga pinagchachat ko na yun, di ko matandaan kung ilan sila, pero may nagreply!!!!! yung isa pinsan ko ata, at yung isa, half sister ng lolo ko. At tinawagan nya ako. DI BA!!!!! Tapos tanong tanong sya ganyan, and then later on binigay nya yung contact number ng lolo ko. GALING di ba!!! at finally finally!!!TTinext ko sya and tumawag sya, and then pinuntahan nya ako sa work ko sa Pasay, and alam nyo yung pakiramdam na di ko alam yung mukha nya that time kasi syempre matanda na sya and yung mga pictures na nakita ko sa website bata pa sya dun. At nung nakita ko sya, woaaaah! Lukso ng dugo guys! ANG SAYA SAYA! KASI NAKITA KO NA DIN SYA SA WAKAS!!!!! AND THEN AYUN KWENTUHAN, Nagpunta daw sya ng manila kasi aattend sya sa party ng kaibigan nya and naisip nya na puntahan na din ako. Napakagaling ni Lord! At guys hindi lang yun ang last na pagkikita namin ng Lolo ko, kasi nung lumipat ako ng work sa batangas, may sinalihan na contest yung isang student namin sa Dumaguete, ako yung pinasama , so contact ko agad yung lolo ko, sabi nya katabing city lang daw nila yung Dumaguete, ayun tuwang tuwa na naman ako,kasi makikita ko na naman sya. at super thankful ako kay Lord talaga! At nagkita nga kami ulit. Dalawang beses pa, kasi pinuntahan nya ko sa Dumaguete and pinuntahan ko din sya sa lugar nya. Pero di ako nakapunta sa bahay nya kasi madami akong kasama nung time na yun kaya nagkwentuhan na lang kami ulit. NAKAKATUWA! IBA talaga si Lord! Kaya guys kung may nawawala kayong kakilala, ako bahala! charot!! HAHAHA
Until now, tuloy pa rin communication namin and sana next year pag uwi ko, makita ko sya ulit. sana talaga!!!!!!
Pakisearch na lang sya sa Youtube. para mapanood nyo yung show nya before. TYPE NYO LANG FRANKIE FERRER BALANCER. lalabas na yun ;-)
https://www.juggle.org/frankie-ferrer/ - meron ding blog about sa kanya hehe
Yes alam ko, pangMMK kwento namin HAHA
Thank you sa pagbasa!
CONTINUATION.... HK - DUBAI EXPERIENCE...
Hi guyz!! Sorry ngayon na lang ulit nakapagblog... Meaning ngayon na lang ulit sinipag... hehehehehe So ito na nga yung continuation ng trip ko from pinas to dubai......
I landed super safe sa HK. HAHA. Kabado na naman ako kasi syempre pagland ko, dadaan na naman ng Immigration, taz hindi pa pinoy, baka di ko magets mga sinasabi. At careful din ako kasi nga di ba, yung mga babaeng nabalita na hinarang ng chinese immigration, so nung nasa immig na ko, nakaface mask yung mga intsik, kainis. taz d ko mainitindihan sinasabi, HAHAH pinakita ko na lang yung passport at ticket ko pati yung hotel na tutuluyan ko, taz oo lang ako ng oo sa mga tanong,. Taz alam mo yun, nakakatakot sila, kasi as in super seryoso!!! potek. and FINALLY!!! Tapos na sa immigration ng HK. So di pa rin ako kampante kasi may mga nakikita akong nakablue na immigration. yun kasi nabasa ko sa post. Hahaha. so lakad lang at bawal patingin tingin sa kung saan saan kasi baka mapagkamalan na first timer. Ang layo layo ng exit nakakainis!!! D ako makarating rating sa pupuntahan ko HAHA. Well ang una kong hinanap is money changer! US Dollars kasi yung dala ko, so need ko papalitan ng HK Dollars and need ko din bumili ng simcard para sa data and pangtext sa pinsan ko. And buti na lang dun sa money chager na napuntahan ko may sim card na binebenta. At mabait naman yung salesman kaya okay na din. And after nun, pinuntahan ko na yung Hall na nakalagay sa ticket ko. Dun daw ako susunduin nung taga Hotel. So wait ako, kaso d ko agad makita yung place. Nag ask pa ko sa mga intsik dun kaso d nila ako maintindihan. Kaloka. Pero naging okay naman ang ending at may kasama pala akong mag-asawang pinoy. So success! Nakarating din sa hotel! Lumabas kami for dinner, syempre sumabay ako sa mag-asawa, sila lang pinoy dun eh. Nagwait ng taxi para pumunta sa night market. ang cute pa nga ng driver kasi joker! Nakarating na din daw sya sa pinas kaya alam nyang mababait ang tao. HEHEHE. So ayun, pag uwi sa hotel, d ako makasleep. Nalungkot ako bigla kasi naalala ko family ko, Kinabukasan, nagcheck-out na ako para i-meet yung cousin ko, at ipapasyal daw nya ako dahil gabi pa naman yung flight ko to dubai. Kasama namin yung jowa nya, hehe. Sobrang bait nila pareho. Nag enjoy naman ako kahit d kami pumasok sa Disneyland. sa labas lang haha, Sayang kasi pera, tsaka gusto ko kasama ko si jeevan pag nagpunta ko dun para sulit. di ba? hehehehe At ayun nga ready to flight again. And this time ang haba ng byahe ko so for sure na makakatulog ako sa byahe nito. Kinakabahan na naman ako, kasi dadaan na naman sa HK immigration na yan, pero ang galing kasi sobrang smooth ng paglabas ko sa HK. Ang saya! Nag ask lang sya ng name, sabay tingin sa passport and boom...!!! Hello Dubai na!!! Super okay naman ang naging byahe ko, Emirates Airline ko eh hahaha Sosyal noh? First time ko naman kaya pagbigyan nyo na haha. Smooth ang byahe, may konting turbulance pero keri naman HAHA and after 8hrs ngaaaaaa. Welcome to UAE THessa!!! yahoooo! pero medyo kabado kasi immigration again. Pero tiningnan lang naman papers ko and ayun okay naaaaaa!!! ANG SAYA KO MY LORD!!!!! SUPER SMOOTH LAHAT NG PINAGDAANAN KO. HINDI TALAGA ITO YUNG INEEXPECT NAMIN PERO SUPER BAIT LANG TALAGA NI LORD NA HINDI NIYA AKO PINABAYAAN SA MAHABANG BYAHE KO. MY GOSH!!!
AND AYUN NA NGA GUYS! ANDITO NA AKO SA DUBAI, OFW FEELS!!!! NAGHIHINTAY NG ARAW NA MAKAKAUWI ULIT NG PINAS. HEHEHE PERO ENJOY NAMAN AKO DITO KASI ANDITO SI JEEV AT FAMILY NYA. HOMESICK LANG TALAGA PAMINSAN MINSAN. YAH KNOW! PERO KAYA!
TAPOS NA!! SALAMAT SA PAGBASA! SANA MAKATULONG ITO SA PAGPUNTA NYO DITO SA UAE HEHEHE MAGANDA DITO PROMISE!
MY FIRST INTERNATIONAL TRIP FROM PH-HK-DXB!
Hi guys! Welcome again to my tumblr! Sana kung nababasa nyo to, wag nyo ko judge kasi di ako writer, ok? wag kayong judgemental. HIHI Gusto ko lang talaga ishare yung pagpunta ko sa Dubai, actually HK and Dubai. If ever na gusto nyo lang magpunta ng Dubai taz wala kayong kamag-anak, you can go first to HK or Singapore then saka ka fly puntang DXB. PERO! Illegal toh! OK? HAHAHAHA I mean, ‘di dahil shinare ko toh, it means makakapunta ka ng mabilis. IT’S A BIG NO NO NO! Swertehan at pagalingan lang ng diskarte ang labanan. At syempre PRAYERS! Pinakamabisang sandata yan. So kung idol mo ko at gagawin mo yung mga ginawa ko para makapunta ng DXB, kailangan mong magplan ng seryoso, kasi kapag naoffload ka, walang bawian ng pera mga bes. Kahit magpagulong gulong ka, wala kang magagawa. Alam nyo na naman siguro yung offload right? HAHA Una naming ginawa is, nagresearch ako syempre para alam ko anong mga kailangan sa IMMIGRATION para makalagpas ako ng walang problema. In my case kasi kaya ko kinailangan magresearch at maghanda ng mga ganitong documents is para payagan nila akong makaalis papuntang HK then from there to DXB. So ang plano, aalis ako ng Pilipinas for my 4 days vacation in HK. Again, magbabakasyon lang sa HK. So kailangan mo ng mga ganitong documents : ROADTRIP TICKET, HOTEL BOOKING, COMPANY I.D, AND (CERTIFICATE OF EMPLOYMENT) in case kunin nila. so bakit kailangan ng mga ganitong dokumento? OF COURSE! duh? Para di nila isipin na hindi ka na babalik. Kung meron ka nito, at LAKAS NG LOOB, girl, makakalusot ka! and bibigyan ko din naman kayo ng tips na nakuha ko sa mga kakilala ko para magamit nyo din. Bait ko noh? Hihihi. Try nyo din magbasa sa Google, pero ako before, iniwasan ko magbasa about sa mga solo female traveler na pumupunta ng HK kasi nadedepress ako talaga. Ang dami ko kasing nababasa na hindi maganda, pero kung hindi ka naman magbabasa, mahirap din yung walang alam. So kayo na bahala magdecide hehehe. So ito na nga yung mga tips na ibibigay ko sa inyo kapag haharap na kayo kay Immigration Officer. TAKE NOTE: Mahigpit sila. THEY ARE NOT FRIENDLY, BUT YOU NEED TO SMILE PA DIN KAHIT MUKHA SILANG GALIT.
Tip NO.1 Choose the Immigration officer na pipilahan mo. Kung babae ka, dun ka sa boy pumila! Promise. effective ito girl. Pacute lang ganern. pero smile lang HAHA
TIP NO. 2 Magbihis ka ng desente. Ako, i wore long dress and rubber shoes. di naman totally super long, pero below the knee, and dahil sleeveless sya, nagdala ko ng cardigan para di masyadong expose yung shoulder ko. Yun kasi nabasa ko, wag masyadong expose para di mapagkamalan na magGGRO sa HK. HAHAHA Dapat mukha kang turista para isipin nila afford mo yung vacay na yan and yung makeup, light lang dapat. ok? remember, simple is best. Kung may camera ka, better to put it in your hand carry luggage. para sosyal ka.Ganun ginawa ko. Yung instax ko nasa hand carry ko kahit wala namang film. BWAHAHAHAHA and di ko rin naman naipakita sa kanila, well just in case lang naman.
TIP NO.3 Diretso tingin kay IO. And isang tanong isang sagot. Be familiar sa ticket details mo. Kasi itatanong nila ilang araw ka dun and kelan ang exact date ng balik mo sa Pinas. And of course pag inask yung hotel booking mo, saka mo lang ipakita. Kasi need talaga na may titirhan ka dun.
TIP NO. 4 Smile. Kung di sya ngumingiti smile pa din. AND PLEASE wag na wag papahalata na kabado ka. Sa case ko, nakipagbiruan pa si IMMIGRATION OFFICER, kasi nung nag ask sya, san ako titira dun, sabi ko lang “ sa HOTEL” then tumawa sya, sabay sabi “Saang hotel nga”? taz napatawa na rin ako. So dapat alam mo din yung hotel details na titirhan mo dun ok? Ganun lang mga bes. Relaks, parang nagkukwentuhan lang kayo. Kaya dapat tama lahat ng sagot mo sa kanya.
TIP NO. 5 I-Feel mo na magbabakasyon ka lang talaga, kasi kung first time mo, pag iinitan ka nila. Kasi nga unang alis mo ng bansa taz mag isa ka lang. Ako kasi, dahil nga super stress ako na baka maoffload ako, naghanap ako ng makakasama ko sa HK, kasi yung mismong travel agency ko, ang sabi sakin, “bakit mag-isa ka lang? naku ma-ooffload ka nyan. 99% offload ka. 1% lang yung chance na makalusot ka kasi alone ka and female ka pa then first time mo.” Nairita talaga ko sa travel agency ko na yun kaya di ko sila irerecommend sa iba talaga. Nabwisit ako eh. So ang ginawa ko, dahil kinabahan lalo ako, chinat ko talaga mga friends ko na pwedeng sumama sakin tutal yung hotel ko is good for two. Nilagay ko sa ticket yung name ng friend ko kasi baka sumama sya, pero sa kasamaang palad di sya nakasama kasi di sya narenew sa work. So itong si IO, napansin nya yung dapat kasama ko, sabi nya” o asan na tong si (name of my friend) so inexplain ko lang sa kanya na hindi na nakasama yung friend ko kasi nga ganun yung situation nya. At ginalingan ko talaga magkwento kasi naniwala sya. As in dapat kalma lang tayo guys. So ayun! 5 mins lang ata or less yung itinagal ko sa Immigration and waiting na ko for BOARDING!
Yung pasasalamat ko kay Lord talagang lagpas langit pa.. Grabe. Di namin inexpect na ganun lang ako kabilis makakalagpas sa Immig. Yung mga pinractice ko na super haba na interview with IO, di ko nagamit lahat kasi ang bilis! I’m so lucky! To think na, nung nasa line ako to check-in my luggage, may mga bumalik kasi na-offload sila. So ako naman kinabahan agad. GRABE talaga! Lord is with me always kaya super grateful ako.
And finally HELLO HK! PEROOOOOO. Di pa ako masyadong kampante nun kasi may immigration pa sa HK! Although alam naman namin na sa immigration lang ng Pinas madaming tanong, pero di ba nga may nabalita na group of girls na pinabalik ng pilipinas kahit nasa airport na ng HK kasi hinarang sila ng immigration officers. So yung kaba ko, andun pa din. Pero ako naman, lakad lang like a tourist. Yun bang di halata na first time sa country nila. Ganern lang. HAHA Mababadtrip ka lang talaga sa kanila kasi di sila nagsmile, although alam ko naman na yung mga IO di talaga ngumingiti, pero iba talaga mga intsik! Medyo natakot lang ako kasi yung IO na kausap ko di ko magets sinasabi nila kasi naka mask pa ang punyeta. Oo lang ako ng oo sa mga tanong nya. Buti na lang talaga. AND FINALLY! HELLO HK!
TO BE CONTINUED..........
HK TO DUBAI....
Find a chill person you can chill with for the rest of your life. #iamhisandheismine
It's all part of His plan. #kapitlang
😇
I miss you Cali. 🐶
Thank you Lord! 😇
Baby next time ha? Dapat alam mo na lyrics 🤣 I love you pa din! Cuuuuute moooooo @rexxxohmatic
His warm embrace 😍💍💕 @rexxxohmatic
After 11 years 💕
👎🏻👎🏻👎🏻
I want to be where you are. I want to feel your love. Your care. I want to lay beside you. Sit next to you. Hold your hand. Take a walk on the beach. Feel your touch. Feel your breath in your kiss. Feel the goosebumps on your skin. The wetness of your lips. I want to feel each an every inch of you. I want to spend each and every moment of the rest of my life with you. I don’t need it to be perfect. I just need it to be real. And with you, my reality has become better than my dreams. I love you baby.
Habibi! ❤️🔥